Navigation Menu

Featured Post

Bagot, buraot, hikab

Ito na ang rurok ng aking pagkabagot. Hindi ko pa natatapos isulat ang "Bodega". In fact, nasa sequence treatment pa ako at wala akong inspirasyon. Pakshet. Pero kailangan ko na siyang matapos. Pero wala akong inspirasyon. Kailangan gandahan ko siya. Pero wala akong inspirasyon. Wala akong drive. Hindi pa ako marunong magdrive. Wala akong driver's license. Pakshet. Amburaot. Wala akong gana. Gusto ko ng bagong lugar. Bagong hanging malalanghap. Gusto kong maglandi sa Hongkong. Sa Bangkok. Sa Tokyo. Bagong putahe naman. Nakakasawa na rito. Napaka-homogenous na ng mga narsisong hipon. Akala mo kung sinong magagaling. Akala mo kung sinong matatalino. Akala mo kung sinong gagwapo. Akala mo kung sinong perpekto. Ulul. Pakshet, ang tv, di pa gumagana ang picture. Audio lang. Naging radyo tuloy ang mga kaganapan. Make me laugh! Nasaan na ang mga alipin kong madalas akong pinapatawa sa mga sandaling gusto kong mambalahura ng pagkatao? Wala akong ganang kumilos. Ayokong maghugas ng plato, ayokong magsulat, ayokong bumili ng pagkain, ayokong maglaba, ayoko sa mga makukulit, ayokong magmahal. Gusto ko ng kalaro. Mali. Gusto ko ng mapaglaruan. Yung iiyak kapag iniwan ko, yung bibigyan ako ng flowers at tsokolate kapag hindi ko inaasahan tapos itatapon ko sa mukha niya kasi trip ko lang tapos gusto niya pa rin ako kahit ganun. Yung lalandiin ako kapag nginitian ko tapos idadump ko lang. Gusto ko ng ganyang laruan. Gusto ko ng kadate na maghihintay sa akin kahit isang oras na akong late at siya pa rin ang magbabayad pagkatapos. Gusto ko ng kadate. Gusto ko ng ganyang laruan. Gusto ko ng aawayin kapag bagot, buraot at humihikab ako. Gusto ko ng shock absorber na hindi magdadamot ng kanyang mga tenga para saluhin ang lahat ng sigaw ko sa tuwing napu-frustrate ako sa mga bagay-bagay. Gusto kong humiga. Gusto ko ng mainit na laruan. Pampalipas-oras sa lamig ng gabi. Gusto ko ng gwapong mapaglaruan. Gusto ko ng matalinong mapaglaruan. Gusto ko ng laruang kaya akong patawanin. Gusto ko ng laruang hindi ako huhusgahan. Pakshet. Ansarap magkilling spree. Barilan mode. Parang school massacre. Vizconde Massacre, God Save Us ni Carlo J. Caparas. Kung gaano kagulo ang poster nila, ganun din kablanko ang utak ko ngayon. Gusto kong manampal. Siyet. Ansarap magkaroon ng lunatic tendencies. Gusto ko ng bagong raket na kakaiba. Wala akong inspirasyon sulatin ang "Bodega". Sira ang tv. Gusto kong pumunta sa Hongkong at Bangkok. Ayoko na sa Manila. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong nakahain na ang pera paggising ko.

4 shouts:

Kahit

Bebs: Anong klase ng kalungkutan ang kayang magpatulog?

He-who-must-not-be-named: 'Yung klase ng kalungkutan na pagkatapos mong magjak*l, malungkot ka pa rin.

Kagabi yan. Quotable lang.

5 shouts:

Gimik

Kung mayaman ka at pinuproblema mo kung paano gagamitin ang pera sa mga makabuluhang bagay, siguraduhin mong wag itong ipasok sa investment ng pagpapatayo ng gimik places sa Davao.

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga burgis dito pero ang mortality rate ng mga gimik places sa Davao ay mula 2 years hanggang 5 years. Iba kasi ang culture ng mga tao dito. Kapag bagong bukas ka, dadagsa ang mga gimikero, halos di mahulugang karayom kapag Biyernes at Sabado.

Nung nauso ang bidyokehan, nagbukas ang Zed’s Pizza. Ang mga videoke bars sa Torres at Ecoland dati, isang libong pisong consumable lang ang babayaran mo sa buong gabi. Kaya sobrang tipid kapag marami kayong pupunta dun. Kung bar naman na walang banda, pinupuntahan ang Pops Restobar at Bluepost. Kasabay nito, nauso ang pagkakaroon ng bars sa loob ng hotels kaya nagkaroon ng Spams sa Apo View Hotel, Eagles sa Marco Polo at The Peak (di ako sure sa pangalan) sa Mandaya Hotel. Natatandaan ko nun, lahat ng mga mas nakakataas na burgis at mga mayayamang adik, nasa Spams. Ang mga yuppie at matatanda ay nasa Eagles at ang mga middle class ay nasa The Peak.

Nilangaw na rin ang mga ito nang magbukas ang Victoria Circle sa likod ng kabubukas lang din na Victoria Plaza Mall. Lahat ng mga tao, nandun. Uso pa nun ang mga bandang ang repertoire ay 70s disco. Kinumpetensyahan ito ng Calzada na ang konsepto ay tulad ng Streetlife sa Makati. May iba-ibang stalls ng inuman at resto sa loob ng isang napakalaking espasyong parang sidewalk. Nagbukas rin ang Padi’s Point (sa ilalim ng floor ng Calzada). Pagkatapos ng dalawang taon, nagging abandoned building na ang Calzada, naging Victory Chapel na yata ang Padi’s (hindi ako sigurado) at malamang, naging warehouse na ang Victoria Circle.

Namatay ang mga gimikan na’to dahil pumasok naman ang The Venue. Ito ang pinakamalaking gimik place sa Davao dati dahil may isang building para sa performances. Halos kada linggo, iba-ibang malalaking performers at banda galing Manila pa ang tumutugtog dun. Katabi ng The Venue ang maraming mga bars at restos, mamili ka lang kung saan mo gusto. Natatandaan ko pa nga, yung Halo nun, pugad ng mga mayayamang adik at burgis na pokpok. Yun ang sabi-sabi. Pinaniwalaan ko naman.

Tapos biglang nagkaroon ng Matina Town Square (MTS), ang konsepto naman niya ay open air gimik place at one-stop shop area na may katabing park at playground. Halos gabi-gabi ri, andun ang mga tao nu’n.

Isang pikit-mata ko lang at pagbalik ko sa Davao galing Manila ngayong taong ‘to, nagulantang na lang ako nang mapadaan ako sa The Venue at nagmukha na itong ghost town. Mabuti na lang, may libreng wifi sa MTS kaya hindi siya nagmistulang war zone debris at pinupuntahan pa rin naman ito ng mga jologs na tulad ko.

Nasaan na nga ba ang mga sosyalera sa Davao?

Ayun. Nasa Rizal Promenade na, ang tinaguriang gay haven dito. Bigla, andami-dami nang pa-mhin na nagmodang kabute dito at ngayon, masasabing meron na ngang lesser version ng Malate ang Davao. Ang mga middle at upper classes naman ay nagtitipon-tipon sa Torres, isang area na katabi ng isang punerarya. Meron din daw sa Damosa sa Lanang pero hindi ko pa napupuntahan. Ang konsepto naman ng Torres ay ultimate inuman venues, marami ring mapupuntahan na pinagtatabi at karamihan sa kanila ay barbeque at inihaw resto.

Bigla rin ipinanganak ang mga barbeque restaurants na may offer na unlimited rice. Malamang, tinake-advantage nila ang pagkamatay ng pinakasikat na barbeque/kamayan resto dati, ang Colasa’s at Marilou’s. Napabalita raw kasi na marumi rito at may mga ipis at daga na tumatakbo-takbo sa paligid-ligid. Dati-rati pa, naaalala ko pa nga yung pagpatok ng mga restaurant sa gilid ng dagat. Hindi ko alam kung meron pang mga ganun ngayon o inanod na kasama ng mga daluyong.

Grabe ang mga taga-Davao. Mahirap mapapirmi sa isang lugar. Buti nga, may mga pumupunta pa rin sa SM dito simulang nang maitayo siya nung 2002. Dito kasi, kung saan may bago, andun sila. At madali itong pagsawaan.

Kung curiosity killed the cat, malamang, DavaeƱos’ curiosity killed the gimikan.

5 shouts:

Teacher

Kaya ako lumipad ng Davao nung Oct. 24, Biyernes, ay dahil sa Guerilla Filmmaking Workshop na parte ng Mindanao Film Festival. Ako ang nagbigay ng talk sa Editing (Oct. 25, Sabado) at Production Management (Oct. 26, Linggo). Matagal ko na kasi inoohan ‘yun kaya nakakahiya nang bumack-out. Kaya kahit mabigat ang mga paa ko, tumuloy na rin ako.

(Sobrang hinayang ko na hindi ako nakapunta sa Philippine Fashion Week show ni Santi nung Oct. 26. Ilang linggo bago n’yan ay inimbitahan na ako ni Santi at talagang itinaga niya sa bato na magagalit siya sa akin kapag di ako sumipot. Gusto ko nga naman ma-experience ang glamour ng PFW kaya umeksayt na rin ako. Nagka-memory gap pala ako at nakalimutan kong lilipad ako ng Davao kaya kinuha ko pa rin ang mga tickets, ibinigay ko na lang lahat kay Armi at lumipad na di na nagpaalam ke Santi. Nahiya kasi ako. Kaya Santi, patawad na.)

(Hindi rin ako nakapunta sa selebrasyon ng bertdey ni Gibo. Gusto ko pa naman sana siyang makadaupang-palad at ang iba pang mga blogero. Aktwali, curious lang ako makita kung ang mga pagkatao nila ay tugma sa kanilang birtwalidad. Sabi ni Fiona, marami raw cute. Pero mukhang may fishy sa statement na ‘yun.)

Hindi ko alam kung ako ba talaga ang tamang tao para magbigay ng lecture tungkol sa ganitong mga kaganapan. Nagdududa ako sa kapasidad ng pasensiya ko na bumanat hanggang Kota Kinabalu kung kinailangan. Wala rin akong baon na sense of humor. At kapag may nagtanong sa akin ng napaka-technical na bagay sa editing at post-production, naku, mag-a-ala Battle Royale ang agos ng dugo sa ilong ko sigurado. Lalo pa’t ang sinundan kong mga lecturers ay mga diyos nang sina Peque Gallaga at Sherad Sanchez kaya sobrang nakakahiya kapag titimang-timang ako dun (ang weekend ko ang huling lectures). Kaya ang ginawa ko, hindi na lang ako umekspek. Hindi na lang ako nagpadala sa kaba. Pero ineportan ko na rin konti ang Powerpoint presentation para pambawi. Konti lang.

Pagpasok ko pa lang ng Alchemy, naramdaman ko na ang kakaibang enerhiya (oo, late ako) mula sa mga workshoppers. Karamihan sa kanila, nasa ibang linya ng buhay pero gusto lang talaga nila matuto kaya sila nag-enroll dun.
Kaya andun yung kanilang masigasig perkiness at excitement na matutunan ang mga bagay-bagay kung paano gumawa ng pelikula. Ganun din ako dati nung unang pasok ko sa film school. Andami kong mga tanong, andami kong gustong malaman at manghang-mangha ako sa bawat nadidiskubre ko. Napaka-olats pala ng mga tanong ko dati, nakakatawa pala ako n’un.

Naalala ko tuloy nung hindi ko pa kilala sina Truffaut, Godard, Kubrick, Welles, Eisenstein, Tarkovsky, von Trier, Van Sant at kung sinu-sino pang mga henyo sa pelikula. Ang konsepto ko lang ng magandang pelikula dati ay ‘yung mga kaya akong libangin tulad ng Petrang Kabayo at Okay ka Fairy Ko The Movie. O di kaya kapag natatawa ako kay Cheeta-eh, nakaganti si Sharon sa umaapi sa kanya, kinilig ako sa paghabol sa airport ng bidang babae sa bidang lalake tapos may kissing scene sa ending at kapag quotable quotes ang mga dialogues, magandang pelikula na siya.

Hindi ko inisip n’un ang mga semiotics, structuralism, postmodernism, gender discourse, metaphor o mga subliminal messages. Basta dati ang alam ko, itsinitsismis na magjowa ang dalawang artista sa The Buzz kapag may pelikula sila. Pinapanood ko ang mga pelikula, nalibang ako, tapos. Kapag hindi ko siya naintindihan, hindi ko siya gusto, tapos. Hindi ko na pinuproblema at binibigyan ng malalim na kahulugan ang lahat ng aspeto nung pelikula. Parang mas madali ata yung ganun.

Anlaki ng ngiti ko nung itinuro ko sa mga workshoppers kung paano pagdikitin sa editing ang dalawang clips at tulad ko, nung una ko siyang magawa sa computer kong si Dam-dam dati, namangha rin sila at napa-“wow, asteeeeg”.

Kinabukasan, nung ipinitch na nila ang kanilang mga storyline para sa gagawin nilang short film bilang final requirement, nakita ko sa mga mukha nila ang kagustuhang makapagshoot na. Nakita ko ang passion na dati naramdaman ko sa sarili ko nung ginagawa ko ang pinakauna kong short film, ang “Payb”. Proud na proud ako sa sarili ko n’un habang zinu-zoom in at zoom out ko ang lente ng handycam ko. Worm’s eye view pa nga ang paborito kong anggulo nun at lagi kong itinatatak sa utak ko ang Rule of Thirds.

Gusto ko dati, mag-indulge. Napaka-ambitious pa ng vision ko at pakiramdaman ko nun andali lang gawin. Kapag tinatanong ako kung bakit ganung anggulo ang ginawa ko, ang sagot ko “basta, gusto ko lang”. Dati, pilit kong ipinagyayabang at ipagsigawan sa buong mundo na “oo, filmmaker ako”. Na ang short film na ginawa ko ang pinakamagandang pelikula sa lahat.

Tulad ko dati, naramdaman ko sa mga workshoppers ang kanilang kakaibang passion at prinsipyong “gagawa ako ng pelikula hindi para sumikat ako pero dahil ito ang kwentong gusto kong gawin”. Naramdaman ko ang kanilang influences. Ang kanilang inspiration. At higit sa lahat, nakikita ko ang sarili ko dati sa kanila. Tuwang-tuwa akong makita sa kanila ang sigla at “artist ako” kind of glow.

Hay. Oo naman. May passion pa rin ako ngayon. Nag-iba nga lang marahil ng uri at antas.

Habang pinapakinggan ko sila at nagbibigay ako ng mga pointers kung paano gagawin at isushoot ang kanilang mga plano, hinahanap ko kung saan na nga ba ang tinungo ko. Namimiss ko tuloy maging inosenteng baguhan na puno ng raw passion.

3 shouts:

Bodega



Sex. Drugs. Rave.

Sumikat ang term na "rave" culture sa UK nung 80s-90s bilang antithesis sa existing na culture nung panahon na 'yun lalo na sa pilosopiya ni Margaret Thatcher na "there is no such thing as society". Ang rave ay pinapaikot sa pilosopiyang PLUR o peace, love, unity, respect. At kasabay nito ang pagsibol ng isang musikang mabilis na mabilis na ipinanganak mula sa acid house movement. Sa pagdaan ng panahon, nagbago na rin konsepto ng rave sa buong mundo.

Base sa research ko, patay na ang term na "rave" sa Pilipinas. Ito ay ngayon na "party". Ang sabi, wala na rin daw nag-i-exist na underground rave clubs dito dahil napalitan na ito ng mga house parties. Pero kahit ano pa man, ang drogang Ecstasy na nakakabit lagi sa kulturang rave ay laganap na laganap pa rin, mapalitan man ang term at espasyo ng kultura.

Pero sa contemporary times, paano kung may buhay pa na isang underground rave bar at ang tawag sa kanya ay "Bodega"?

Ayan. Me konting synopsis na ako ng bagong film ko. Har.

Sinasabi ko 'to in advance kasi me nabalitaan ako, me nagluluto rin daw ng ganitong konsepto sa pelikula ngayon at sa totoo lang, estudyante pa lang ako sa Film, dinidevelop ko na ang kwento ko. Kaya, ipapamalita ko na ngayon na gagawin ko na siya at sinusulat na ang iskrip. At least, di ako masasabihan na nanggaya, just in case lang. Har.

3 shouts: