Navigation Menu

Featured Post

Mga tips sa panonood ng TYG

Para sa mas kaaya-aya at mas masayang panonood ng "The 'Thank You' Girls", isapuso, isaisip at isakaluluwa ang mga tips na ito:

Maghakot ng friends, family, lovers, exes, sexmates, ka-it's complicated at kung anu-anong kategorya ng relationship status. Mas maraming manood kasama mo, mas masaya.

Hangga't maaari, panoorin ang pelikula sa simula hanggang matapos ang pagrolyo ng credits. Mas masaya ito kesa sa panoorin mo mula sa gitnang parte.

I-LSS ang "churchur mega mega chur chur" bago, during at pagkatapos panoorin ang TYG. Sayawin ang steps nito (makikita sa pelikula) kasama ng mga nahakot (refer to number 1). Huwag rin kalimutang i-LSS ang iba pang mga kanta sa soundtrack.


Kung ikaw ay may ambisyong maging beauty queen o isang frustrated beauty queen at ayaw mong ma-thank you girl, imemorize ang mga quotable quotes lalo na sa question and answer portion.

Mamili ng paboritong karakter sa pelikula at irelate ito sa sarili.

Huwag mahiyang tumawa ng balahura. Huwag pigilan ang sarili na mag-enjoy.

Magbasa ng mabilis dahil Tagalog ang subtitle.

Pumili ng isang linya o expression sa pelikula at ipauso ito sa pamamagitan ng pagsasalita nito sa totoong buhay.

Ang pelikulang ito ay hindi lang para sa mga bakla kundi para sa lahat ng sangkatauhan. It transcends beyond gender. Char!

Alalahaning ang pelikulang ito ay ginawa hindi para pagtawanan ang mga bakla kundi para mas i-empower pa ang mga ito.

Kung nagustuhan mo ang pelikula, humayo ka't ipagkalat at ipromote ito sa kakayahang kaya mo. Sa text, sa blog, sa websites, sa egroups, sa tv, sa newspaper. Kung hindi mo naman ito nagustuhan, ipagkalat mo pa rin.

7 shouts:

Pakalat niyo!

The Thank You Girls - Jan 21-27 Robinsons Indiesine - Manila

The Thank You Girls - Jan 21-27 Robinsons Indiesine - Manila

The Thank You Girls - Jan 21-27 Robinsons Indiesine - Manila

The Thank You Girls - Jan 21-27 Robinsons Indiesine - Manila

1 shouts:

Hear the music first!


Aside sa fact na trip ko ang alternative at rock music, the other purpose kung bakit upbeat rock ang pinili kong songs for TYG ay para somehow mabalance yung flamboyance ng pelikula. Importante ang music sa ikabubuhay ng isang pelikula at pakiramdam ko, I chose the right theme lalo pa't namili talaga ako ng mga kanta from upcoming indie bands from Manila at Mindanao. Kaya masaya.

So bukas, bago pa ang showing sa January 21, iniimbitahan ko ang lahat na panoorin ang ilan sa mga banda na ang mga kanta ay naging parte ng OST ng The Thank You Girls. Go kayo ha!


2 shouts:

People are raving about TYG! Char.

“A comedy, intelligent and interesting. “Thank You Girls” is a cultural snapshot of gay life in Mindanao. The film promises to transcend gender preferences and sexuality. Gays will love it, maybe relate to it, and appreciate the empowering message it delivers. Women will love it for its wit. Straight men will learn from it.”
- Jinggoy Salvador, SunStar Davao

“Watch it because of its original style, freshness, no-stereotype content and real catch of real scenes. It is a good film by story, but blockbuster by style. So, watch it!”
- http://pykmps.multiply.com

“A movie you must, must, must watch. It’s fun, funny, and light-hearted with some moments na nagmo-moment. The movie is full of LOL moments, especially the “question and answer portion” of the pageant. It’s not just for the badets, it’s for everybody.”
http://riajose.wordpress.com/

“I love it so much that I can define darkness now. I just love the film so much that I would want everyone in the world to watch it.”
- http://baklaako.com

“Never laughed so hard at a movie in a long time. The great part of this film was how natural the dialogue was. The witty exchanges felt right at home as if we’ve worn red satin gowns everyday of our lives. Totally laugh-out-loud moments for us and the audience. Loved each of the characters and their plight in life and in love. The actors’ performances were right. Great editing. The pace and energy of the film were infectious. The soundtrack was also very chika bibo.”
- http://paderewski.wordpress.com/

Despite the absence--but not completely--of revolting display of flesh and over dramatic and tired bleak and violence, this one will be taken seriously for its hilarity. From the opening scene, the director succeeded in making his audience forget that the world outside is drowning in its own tragedy. Watch na keyo! Go as in G-O-W!!!
- http://bananachoked.blogspot.com/

“Hilarious and out of this world… The movie offers a chockful of insights on a gay person’s life. It is a light material for some but to those who are struggling to show their “true” colors, this is a must see.”
- http://dramaqueen.davaobloggers.com

“Maganda ang topic at hindi siya seasonal: mga gay beaucon joiners na ang tawag pala sa kanila e "thank you girls" kasi lagi silang natatalo o hindi nakakaabot ng first place. Premise pa lang, panalo na! The acting was good, the lines are witty and funny, lalo na yung nagpapraktis sila ng mga QnA portion while traveling.”
- http://leaflens.multiply.com

“Magaling, magaling, magaling! Ilang beses akong napahagalpak! Kakatawa siya ha! Nakakaaliw ang mga lines. Bentang-benta! At halatang pinag-isipan! Clap, clap, clap!”
- http://princhechafiona.blogspot.com

“Of all the indie films I have watched, I should say that was among my favorites. The music is so good and purely Dabawenyo… I first thought they were songs from Manila or of a foreign band.”
- http://lurins.twistedrumbeats.com

“Funny and interesting. What made it nice is how the movie defined each "beauconera's" desire to be a queen because of the sense of self-achievement next to money. It shows how a backstage looks like during such pageants that most people are not aware of.”
- http://galavantiator.vox.com/

“Beyond its comedy is honesty and seriousness. Would I recommend it to you? Of course yes!”
- http://melbeckham.blogspot.com

6 shouts:

Year of reaping

Last year had been very, very good, a year of firsts for me. Naniniwala talaga akong swerte ang otso sakin.

Biggest blessing ko ang pagkakaroon ko ng break to do my first full length film. Kaya sobrang maraming salamat kay Jim for that. Anlaki ng utang na loob ko sa kanya pati na rin sa mga taong tumulong ng walang pagdadalawang-isip para mairaos ko sia. I did TYG kasi marami akong gustong patunayan sa mga pipol who made my life quite not so good in 2007 at sa tingin ko, naitulay ko ang mensaheng gusto kong sabihin sa kanila. Naprove ko na ang point ko at masaya na ako dun.

Pero hindi pa tapos ang mga bagay-bagay dahil marami pang iikutan ang TYG kaya nung 2008, medyo nagtanim lang ako at namuhunan. Sa 2009, alam kong pipitasin ko na ang mga bunga ng mga pagod at sakripisyo naming mga bumubuo sa pelikula. Ang tanging purpose na tapusin ang pelikula para lang iprove ang aking sarili ay nag-expand na sa mas malawak na mga bagay-bagay katulad ng paniniguradong marami ang makakapanood nito, dito sa Pinas at sa labas ng bansa. Kaya maganda ang magiging bungad ng taon dahil sa wakas, maipapalabas na rin kami sa Indiesine (January 21). And TYG’s good fate is just starting, nararamdaman ko.

This year, first time ko rin maexperience ang kakaibang high at naramdaman ko kung paano maging star. Char. Ito yung blessing na never ko inambisyon at inexpect. January pa lang, nalaman ko nang nominated ako sa Asian Film Awards. Hindi pa nagsisink-in sa akin kung gaano kabigat yun, hanggang ngayon. Andun ang mga stars ng Asya at big deal siya sa Hongkong. Naramdaman kong maging celebrity dahil angganda ng treatment nila sa amin, sobrang first class accommodation, libre pamasahe, sarap ng mga pagkain at pinaramdam sakin, importanteng tao pala ako, har. Ang point ko lang pala, ansarap ng makapunta sa ibang bansa ng libre.

Pangarap ko ang magka-URIAN dati. At nung nanominate ako, aba, grabeng sobrang heaven. Di man ako nanalo, feeling winner na rin. Never sa buhay ko rin inisip na magkaroon ako ng pagkakataon na magtrabaho sa GMA News and Public Affairs pero ansaya ko dahil nakapagdirect ako ng isang episode ng Case Unclosed. Wow. May isang tv episode na ako. Dati, lalabas lang ako na mainterview sa isang dokyu, masaya na ako. Ito, ginawa ko pa. Ayun tuloy, medyo nabuhay na naman ang pangarap kong bumili ng sarili kong tv station at ang pangarap kong maimpluwensiyahan at baguhin ang tv viewing habit ng mga Pinoy.

I grew up thinking na hindi ako marunong magsulat. Nung binigyan ako ng opportunity to write Daybreak, nag-alangan ako kasi matagal ko nang iginive up ang katotohanang bopol akong magsulat. Pero nagawa ko siya. Nagawa ko at natuwa ako sa resulta. Kaya ko rin pala. Sana this year, maging legitimate writer na ako. Feeling jetsetter din ako kasi pabalik-balik ako ng lipad sa Davao. Kadalasan, umuuwi lang ako once a year pero this year, ginawa ko lang siyang Cubao and I got to stay ng matagal-tagal kaya tuwang-tuwa ang nanay ko. At ang matagal ko nang pangarap na mailagay ang picture ko sa newspaper ay natupad na. Philippine Daily Inquirer at Mindanao Times at that. Sosyal. And last year din, nagkaroon nako finally ng matagal na matagal ko ng pangarap na macbook pro, si Briccio (derivative: Daybreak.. Break.. Briccio). Ansaya!

I gained friends last year. Ang mga taong hindi ko close dati, close ko na ngayon. Ang mga personalities na nababasa ko lang sa newspaper dati, close ko na rin. May mga taong hindi ko pa nakikita na naging friends ko rin. At last year, naramdaman kong tumaba ako. Ng sobra. Lalo na during the last quarter nung nagtagal ako sa Davao at kain lang ako ng kain. Hay, ansaya ng buhay.

Sana magpatuloy pa ang ganitong moda this year and I’m looking forward to doing more films, gain more friends and travel more. Soon. Nararamdaman kong it is a better and more fun year. Go Ox!

4 shouts:

Unjust censorship

I was a bit surprised when MTRCB gave TYG an R-13 rating last year. I was actually hoping for PG-13. Wala akong nakikitang ka-R-R sa TYG. Hindi na rin ako pumalag. At least, hindi R-18. Mas lalong malabo yun.

A few weeks ago, nakakuha ng double X-rating ang “Aurora”, ang bagong pelikula ng kaibigang Adolfo Alix, Jr. (kumpleto!). Hindi ko pa napapanood ang buong pelikula kaya hindi ko masasabi kung bakit ganun katindi yung rating na binigay ng MTRCB but knowing Adolf, hindi naman siguro ganun kagrabe ang kung anumang censorable scenes sa pelikula.

Minsan naman kasi, double standard ang Board. Kapag Hollywood film, kahit gaano kalupit sa violence at profane language at super erotic love scenes, hindi nila ini-X. Ang pinakamataas na nilang binibigay dito, R-18. Hindi ko na ikikiwestiyon ang RATIONALE ng mga bagay-bagay dahil subjective ang depinisyon ng “violence” at “pornography” at kahit batas natin, hindi ganun ka-absolute ang mga pagtatakdang kahulugan sa mga salitang ito. Ayoko rin ikwestiyon ang pagtatalaga sa isang grupo ng mga tao bilang “guardians of morality” dahil talagang nakakatawa ang titulong yun at tulad ng terms na “violence” at “pornography”, hindi absolute ang pagiging “guardian of morality”.

Anyway, andito ang trailer ng “Aurora”. Sa January 19 sa UP Cine Adarna, magkakaroon ng special screening ng pelikula at kayong mga manonood na ang bahalang humusga kung ito nga ay karapat-dapat sa double-X rating na ipinataw dito. Kitakits!


2 shouts:

TYG showing na!! FINALLY.

Meron na akong nakahandang yearender blog entry eh. Kaso, nasira bigla ang laptop at di ko pa nakukuha sa service center. Siyet. Tagal ko na rin pala hindi nakapag-update. Siyet.

Anyway, eto na. Finally. At finally, ipapalabas na ang "THE 'THANK YOU' GIRLS"! Andyan sa gilid ang trailer o di kaya, pumunta sa website http://thethankyougirls.com.

Robinsons Indiesine, January 21-27, 2009. Hay. Hatak naman kayo para me manood ng pelikula. Ayos? Char.

10 shouts: