Navigation Menu

Featured Post

Salamat!

Sa lahat ng mga nanood ng “The ‘Thank You’ Girls” sa Indiesine last week, sobrang maraming salamat. Sa mga naghakot, nanghatak, tumulong sa pagpromote, salamat ng marami. Sa mga natuwa at gumawa ng review nila, salamat ng sobra uli. Sa mga hindi pa nakapanood, abangan ang susunod pang mga screening dates. I’m crossing my fingers na sana this time, mas marami pang Robinsons theatres ang magpapalabas. Kaya sa mga friends na nagpalusot at di na nakapanood, may susunod pa kaya wala na kayong excuse na hindi manood. Char.

Generally, maganda naman ang reception ng mga tao. Natawa naman sila at humagalpak sa mga hirit ng mga “TYGs” sa loob at taas ng jeep, lalo na sa stage. Although, may isang komento ang isang acquaintance na hindi ko mapapalagpas. Minessage niya ako sa g4m, sabi niya, nagwalkout raw siya after niya mapanood ang first five minutes ng film. Never daw niya naenjoy ang film kasi Tagalog daw ang subtitles. Sana Tagalog na lang daw ang language na ginamit ko kasi yun naman daw ang national language natin. Ah, ok. Sinagot ko siya ng “salamat sa pagwalkout”. (Me smiley sa dulo). Gusto kong sabihin sa kanyang “sana naman alam mo ang mga pinagsasabi mo di ba?” Ano pa ang point na ifeature ko ang buhay ng mga bakla sa probinsiya at kultura nila kung Tagalog ang ginamit ko. E di, sa Manila na lang sana ako nagshoot.

Actually, napaka-kultural ng humor ng TYG at colloquial ang treatment niya. Na kung hindi ka Bisaya, may mga linyang hindi mo magi-gets dahil hindi ito kayang itranslate sa Tagalog. Eh, lalo naman kung i-English pa. Ano ang pinakamalapit na English translation ng "char"? Ng "yotch"? Ng "maya"? Ng "hugyaw ang show"? Ng "chapter"? At ng iba pang mga lingo na ginamit dun sa pelikula. Kahit ang swardspeak sa Cebu ay ibang-iba sa paraang ginagamit ng mga bakla sa Davao. Kung alam lang niya na nagkahemmorhage ako habang sinasubtitle ko ng English ang TYG no!

At the very least, sa kultura at paraan ng pamumuhay, magkaibang-magkaiba talaga ang mga bakla dun kesa sa mga taga-Manila. For instance, sa Davao, nakalakihan ko ang pananaw na ang bakla, nagdadamit-babae o di kaya iniisip nila na sila ay “a woman trapped in a man’s body”. Ang sexual cruising ng mga bakla dun ay hindi nangyayari sa mga sauna, bars or gym kundi sa mga parlor, sa beauty pageants, sa sementeryo kapag Undas o di kaya sa harap ng saradong sari-sari store. Kadalasan, pinapanimon nila ng Red Horse (dahil malakas ang tama) ang mga lalakeng prospect at nagsisimula ang negotation kapag senglot na ang mga ito.

Lately, napansin ko, hindi na ganun karami ang mga gumagawa ng ganito kasi unti-unti nang ginagaya ng mga bakla sa Davao ang kultura ng mga taga-Manila kung saan ang hooking-up ay nangyayari na sa bars, sauna at gym at ang mga dating nagdadamit-babae ay natuto na ring i-imbibe ang pagiging straight-acting. Ito ang tinatawag ng mga bakla dun na “maya” o ang equivalent na “pamhinta” dito sa Manila. Hindi na straight men ang tinatarget ng mga bakla dun kundi kapwa bakla na rin. Dahil dito, nung ginagawa ko ang research para sa script ng TYG, naghihingalo na ang existece ng gay beauty pageants sa siyudad kasi nga nagiging “maya” na ang mga crossdressers dun at yung mga kontesera ay sa mga probinsya na sumasali, di tulad dati na bawat baranggay fiesta, merong MG.

O ayan, sayo ---- na nagwalkout, inexplain ko na ng buong kaluluwa kung bakit Tagalog ang subtitles ha. Kaya sa susunod na screnings, panoorin mo na ng buo. Teka, kung nagwalkout ka sa first five minutes, pano mo nalamang nonlinear narrative ang ginamit ko sa TYG? Kaw ha...

8 shouts: