Navigation Menu

Featured Post

Sampung puting rosas

Ibinalik mo sa akin ang paniniwala na may nangyayaring "good accidents" sa buhay-buhay natin. Akala ko kasi dati, sa "Serendipity" lang nangyari yun. Di pala. Pwede rin pala siyang maganap sa Bulacan, sa Cubao o sa Panay.

Ambilis pala ng mga nangyari. Hindi ko namalayang nalunod na pala ako sa kumunoy ng mga ngiti mo, ng mga kwento mo, ng ingay mo. Ganun pala yun. Hindi mo iispin na dadating ang isang tao sa'yo at talagang nandyan siya na hindi man lang kakatok o magdoorbell. Bubungad na lang siyang parang advert sa isang porn site.

Di ba nga, nakasimangot ka pa sa akin nung una mo akong nakita. Di ba nga, ang kaluluwa ng alak ang nagtali ng mga pusod natin para maglakad sa iisang mundo at kabit-kabit na buhay-buhay. Di ba nga, maingay ka. Di ba nga, walang pakundangan ang pagbukas ng ating mga sarili sa isa't isa. Di ba nga, nandoon na tayo. Di ba nga, nagtago tayo. Di ba nga, nagulantang tayo. Di ba nga, nabilisan tayo sa mga pangyayari pero sumakay tayo na kapit-kamay para hindi mahulog o mabangga. Di ba nga, sabay tayong lumipad.

Naalala mo pa ba yung isang puting rosas na inilagay mo sa bag ko habang nakalingat ako. Dinagdagan mo pa nga ng siyam yun. Oo, binilang ko. Binilang ko hanggang hindi ko na kayang magbilang dahil pati ang mga talutot nito, gusto kong pitasin para ilatag sa mesang pinagkainan natin at ibalik sa oras na tayo'y aalis. Naalala mo ang barbikyu? Masarap sila, gaya nung panahong nagkukwentuhan lang tayo ng mga bagay-bagay na nakakatawa at kahit anuuman ang nangyari sa iyo sa nakaraan, masaya nating binaybay ang katotohanang kaya ko rin pala na hindi magpanggap.

Ang ikli lang pala ng panahon natin. Hindi pa ako nakahinga mula sa gulat ng pagtatagpo natin, nagising akong lumabas ka na ng pinto nang di ko naririnig ang mga yapak mo. Wala ka na pala. Ang alam ko, hindi ako nanaginip at lalong hindi ako namalikmata.

Naalala mo pa ba ang oras? Ambilis niyang lumipas. Ambilis niyang dumaan. Ambilis niyang bumisita. Parang pinagtripan niya lang ako at dinala ka niya sa akin para sabihing "nangyayari ang mga aksidenteng pagtatagpo". Binilang ko siya. Binilang ko hangga't hindi ko na maintindihan kung ano ang mga nangyari, kung paano nangyari at bakit nangyari. Binilang ko hangga't hindi ko na alam kung ibabalik ka pa niya sa akin o hindi.

Mabuti pa pala ang hangover, kung minsan, hindi ka iniiwanan. O ang peklat, kasi panghabambuhay. O ang balakubak, dahil nangungulit sila para balikan ka. Ang oras, hindi. Ikaw kaya?

Nga pala, andyan pa ang sampung puting rosas. Nakandusay. Matamlay. Ibang-iba sa mga ngiting naramdaman ko mula sa kanila nung iniabot mo sila sa akin sa gitna ng mga nagsasalpukang bote ng beer at barbikyu. Nalulungkot rin siguro sila dahil walang kasiguraduhan kung masisilayan ka pa nila. Sana, makapaghintay pa sila sa iyong walang kasiguraduhang pagbabalik. Tulad ko.

2 shouts:

Asian Festival of First Films


Nung nasa Davao ako last month habang kumakain sa 24-hours open na Dimsum, nakatanggap ako ng tawag mula sa isang babaeng kakaiba ang accent.

“Ashkamanchatsekwenshelebenchar Charliebebs Goheeey-shaa?”, sabi niya.

“Yeee”.

“Kimealencheraputeluwagaribotushepbalimawarof email hutyeporeswadashipbuliteramidch your film The ‘Thank You’ Girls kirlopenshlakicht nominated”.

Bumagting ang tenga ko sa salitang “nominated” dahil the rest of the sentences, di ko na naintindihan.

“Okay, I will just check my email”, sabi ko, excited.

“Okay, thank you”.

Umuulan. Sumi-cinematic yata ang langit nang mga panahong yun.

“Congratulations! Your film “The ‘Thank You’ Girls” is nominated for Best Cinematography/Editing in the 2008 Asian Festival of First Films in Singapore to be held on December 4-10”.

Huwaw. “Albert [yung Cinematographer], congrats!”, sabi ko sa sarili ko. “Congrats, self”, sabi ko uli sa sarili. Napaisip ako, bakit kaya pinagsama nila ang dalawang categories? Weird lang. Naalala ko na sinubmit pala ni Jim, producer ng TYG, ang pelikula para sa festival na ‘to. Nagpadala agad kami ng mga kinakailangan nilang data mula sa mga nominees.

Cut to.

Tinanong nung coordinator kung ang Cinematographer ba ay first-timer. Malamang hindi. Nakapag-Lav Diaz na nga yun e. E ang editor, tanong niya uli. Malamang hindi rin.

Ang festival pala ay para sa mga first-timers. Pero hindi ba’t ang first time ay kino-consider usually kung ito ay first film ng isang director. But no. Kailangan, first time din ito ng kung sinuman ang nominated sa mga categories. So dapat, first time actor ka, first time director, first time producer, first time cinematographer/editor (pinagsama) at iba pa. Hindi rin kasi masyadong malinaw yung rules nila, akala namin, qualified kami dahil first film naman siya.

Ang ending. Nirevoke ang nomination namin. Hindi raw kasi kami virgin sa pelikula e. Sayang.

Pero ok lang yun. At least, nakakuha uli ng validation ang pelikula kahit papano. Pampalubag-loob sa sarili.

3 shouts:

Bagot, buraot, hikab

Ito na ang rurok ng aking pagkabagot. Hindi ko pa natatapos isulat ang "Bodega". In fact, nasa sequence treatment pa ako at wala akong inspirasyon. Pakshet. Pero kailangan ko na siyang matapos. Pero wala akong inspirasyon. Kailangan gandahan ko siya. Pero wala akong inspirasyon. Wala akong drive. Hindi pa ako marunong magdrive. Wala akong driver's license. Pakshet. Amburaot. Wala akong gana. Gusto ko ng bagong lugar. Bagong hanging malalanghap. Gusto kong maglandi sa Hongkong. Sa Bangkok. Sa Tokyo. Bagong putahe naman. Nakakasawa na rito. Napaka-homogenous na ng mga narsisong hipon. Akala mo kung sinong magagaling. Akala mo kung sinong matatalino. Akala mo kung sinong gagwapo. Akala mo kung sinong perpekto. Ulul. Pakshet, ang tv, di pa gumagana ang picture. Audio lang. Naging radyo tuloy ang mga kaganapan. Make me laugh! Nasaan na ang mga alipin kong madalas akong pinapatawa sa mga sandaling gusto kong mambalahura ng pagkatao? Wala akong ganang kumilos. Ayokong maghugas ng plato, ayokong magsulat, ayokong bumili ng pagkain, ayokong maglaba, ayoko sa mga makukulit, ayokong magmahal. Gusto ko ng kalaro. Mali. Gusto ko ng mapaglaruan. Yung iiyak kapag iniwan ko, yung bibigyan ako ng flowers at tsokolate kapag hindi ko inaasahan tapos itatapon ko sa mukha niya kasi trip ko lang tapos gusto niya pa rin ako kahit ganun. Yung lalandiin ako kapag nginitian ko tapos idadump ko lang. Gusto ko ng ganyang laruan. Gusto ko ng kadate na maghihintay sa akin kahit isang oras na akong late at siya pa rin ang magbabayad pagkatapos. Gusto ko ng kadate. Gusto ko ng ganyang laruan. Gusto ko ng aawayin kapag bagot, buraot at humihikab ako. Gusto ko ng shock absorber na hindi magdadamot ng kanyang mga tenga para saluhin ang lahat ng sigaw ko sa tuwing napu-frustrate ako sa mga bagay-bagay. Gusto kong humiga. Gusto ko ng mainit na laruan. Pampalipas-oras sa lamig ng gabi. Gusto ko ng gwapong mapaglaruan. Gusto ko ng matalinong mapaglaruan. Gusto ko ng laruang kaya akong patawanin. Gusto ko ng laruang hindi ako huhusgahan. Pakshet. Ansarap magkilling spree. Barilan mode. Parang school massacre. Vizconde Massacre, God Save Us ni Carlo J. Caparas. Kung gaano kagulo ang poster nila, ganun din kablanko ang utak ko ngayon. Gusto kong manampal. Siyet. Ansarap magkaroon ng lunatic tendencies. Gusto ko ng bagong raket na kakaiba. Wala akong inspirasyon sulatin ang "Bodega". Sira ang tv. Gusto kong pumunta sa Hongkong at Bangkok. Ayoko na sa Manila. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong nakahain na ang pera paggising ko.

4 shouts:

Kahit

Bebs: Anong klase ng kalungkutan ang kayang magpatulog?

He-who-must-not-be-named: 'Yung klase ng kalungkutan na pagkatapos mong magjak*l, malungkot ka pa rin.

Kagabi yan. Quotable lang.

5 shouts:

Gimik

Kung mayaman ka at pinuproblema mo kung paano gagamitin ang pera sa mga makabuluhang bagay, siguraduhin mong wag itong ipasok sa investment ng pagpapatayo ng gimik places sa Davao.

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga burgis dito pero ang mortality rate ng mga gimik places sa Davao ay mula 2 years hanggang 5 years. Iba kasi ang culture ng mga tao dito. Kapag bagong bukas ka, dadagsa ang mga gimikero, halos di mahulugang karayom kapag Biyernes at Sabado.

Nung nauso ang bidyokehan, nagbukas ang Zed’s Pizza. Ang mga videoke bars sa Torres at Ecoland dati, isang libong pisong consumable lang ang babayaran mo sa buong gabi. Kaya sobrang tipid kapag marami kayong pupunta dun. Kung bar naman na walang banda, pinupuntahan ang Pops Restobar at Bluepost. Kasabay nito, nauso ang pagkakaroon ng bars sa loob ng hotels kaya nagkaroon ng Spams sa Apo View Hotel, Eagles sa Marco Polo at The Peak (di ako sure sa pangalan) sa Mandaya Hotel. Natatandaan ko nun, lahat ng mga mas nakakataas na burgis at mga mayayamang adik, nasa Spams. Ang mga yuppie at matatanda ay nasa Eagles at ang mga middle class ay nasa The Peak.

Nilangaw na rin ang mga ito nang magbukas ang Victoria Circle sa likod ng kabubukas lang din na Victoria Plaza Mall. Lahat ng mga tao, nandun. Uso pa nun ang mga bandang ang repertoire ay 70s disco. Kinumpetensyahan ito ng Calzada na ang konsepto ay tulad ng Streetlife sa Makati. May iba-ibang stalls ng inuman at resto sa loob ng isang napakalaking espasyong parang sidewalk. Nagbukas rin ang Padi’s Point (sa ilalim ng floor ng Calzada). Pagkatapos ng dalawang taon, nagging abandoned building na ang Calzada, naging Victory Chapel na yata ang Padi’s (hindi ako sigurado) at malamang, naging warehouse na ang Victoria Circle.

Namatay ang mga gimikan na’to dahil pumasok naman ang The Venue. Ito ang pinakamalaking gimik place sa Davao dati dahil may isang building para sa performances. Halos kada linggo, iba-ibang malalaking performers at banda galing Manila pa ang tumutugtog dun. Katabi ng The Venue ang maraming mga bars at restos, mamili ka lang kung saan mo gusto. Natatandaan ko pa nga, yung Halo nun, pugad ng mga mayayamang adik at burgis na pokpok. Yun ang sabi-sabi. Pinaniwalaan ko naman.

Tapos biglang nagkaroon ng Matina Town Square (MTS), ang konsepto naman niya ay open air gimik place at one-stop shop area na may katabing park at playground. Halos gabi-gabi ri, andun ang mga tao nu’n.

Isang pikit-mata ko lang at pagbalik ko sa Davao galing Manila ngayong taong ‘to, nagulantang na lang ako nang mapadaan ako sa The Venue at nagmukha na itong ghost town. Mabuti na lang, may libreng wifi sa MTS kaya hindi siya nagmistulang war zone debris at pinupuntahan pa rin naman ito ng mga jologs na tulad ko.

Nasaan na nga ba ang mga sosyalera sa Davao?

Ayun. Nasa Rizal Promenade na, ang tinaguriang gay haven dito. Bigla, andami-dami nang pa-mhin na nagmodang kabute dito at ngayon, masasabing meron na ngang lesser version ng Malate ang Davao. Ang mga middle at upper classes naman ay nagtitipon-tipon sa Torres, isang area na katabi ng isang punerarya. Meron din daw sa Damosa sa Lanang pero hindi ko pa napupuntahan. Ang konsepto naman ng Torres ay ultimate inuman venues, marami ring mapupuntahan na pinagtatabi at karamihan sa kanila ay barbeque at inihaw resto.

Bigla rin ipinanganak ang mga barbeque restaurants na may offer na unlimited rice. Malamang, tinake-advantage nila ang pagkamatay ng pinakasikat na barbeque/kamayan resto dati, ang Colasa’s at Marilou’s. Napabalita raw kasi na marumi rito at may mga ipis at daga na tumatakbo-takbo sa paligid-ligid. Dati-rati pa, naaalala ko pa nga yung pagpatok ng mga restaurant sa gilid ng dagat. Hindi ko alam kung meron pang mga ganun ngayon o inanod na kasama ng mga daluyong.

Grabe ang mga taga-Davao. Mahirap mapapirmi sa isang lugar. Buti nga, may mga pumupunta pa rin sa SM dito simulang nang maitayo siya nung 2002. Dito kasi, kung saan may bago, andun sila. At madali itong pagsawaan.

Kung curiosity killed the cat, malamang, Davaeños’ curiosity killed the gimikan.

5 shouts:

Teacher

Kaya ako lumipad ng Davao nung Oct. 24, Biyernes, ay dahil sa Guerilla Filmmaking Workshop na parte ng Mindanao Film Festival. Ako ang nagbigay ng talk sa Editing (Oct. 25, Sabado) at Production Management (Oct. 26, Linggo). Matagal ko na kasi inoohan ‘yun kaya nakakahiya nang bumack-out. Kaya kahit mabigat ang mga paa ko, tumuloy na rin ako.

(Sobrang hinayang ko na hindi ako nakapunta sa Philippine Fashion Week show ni Santi nung Oct. 26. Ilang linggo bago n’yan ay inimbitahan na ako ni Santi at talagang itinaga niya sa bato na magagalit siya sa akin kapag di ako sumipot. Gusto ko nga naman ma-experience ang glamour ng PFW kaya umeksayt na rin ako. Nagka-memory gap pala ako at nakalimutan kong lilipad ako ng Davao kaya kinuha ko pa rin ang mga tickets, ibinigay ko na lang lahat kay Armi at lumipad na di na nagpaalam ke Santi. Nahiya kasi ako. Kaya Santi, patawad na.)

(Hindi rin ako nakapunta sa selebrasyon ng bertdey ni Gibo. Gusto ko pa naman sana siyang makadaupang-palad at ang iba pang mga blogero. Aktwali, curious lang ako makita kung ang mga pagkatao nila ay tugma sa kanilang birtwalidad. Sabi ni Fiona, marami raw cute. Pero mukhang may fishy sa statement na ‘yun.)

Hindi ko alam kung ako ba talaga ang tamang tao para magbigay ng lecture tungkol sa ganitong mga kaganapan. Nagdududa ako sa kapasidad ng pasensiya ko na bumanat hanggang Kota Kinabalu kung kinailangan. Wala rin akong baon na sense of humor. At kapag may nagtanong sa akin ng napaka-technical na bagay sa editing at post-production, naku, mag-a-ala Battle Royale ang agos ng dugo sa ilong ko sigurado. Lalo pa’t ang sinundan kong mga lecturers ay mga diyos nang sina Peque Gallaga at Sherad Sanchez kaya sobrang nakakahiya kapag titimang-timang ako dun (ang weekend ko ang huling lectures). Kaya ang ginawa ko, hindi na lang ako umekspek. Hindi na lang ako nagpadala sa kaba. Pero ineportan ko na rin konti ang Powerpoint presentation para pambawi. Konti lang.

Pagpasok ko pa lang ng Alchemy, naramdaman ko na ang kakaibang enerhiya (oo, late ako) mula sa mga workshoppers. Karamihan sa kanila, nasa ibang linya ng buhay pero gusto lang talaga nila matuto kaya sila nag-enroll dun.
Kaya andun yung kanilang masigasig perkiness at excitement na matutunan ang mga bagay-bagay kung paano gumawa ng pelikula. Ganun din ako dati nung unang pasok ko sa film school. Andami kong mga tanong, andami kong gustong malaman at manghang-mangha ako sa bawat nadidiskubre ko. Napaka-olats pala ng mga tanong ko dati, nakakatawa pala ako n’un.

Naalala ko tuloy nung hindi ko pa kilala sina Truffaut, Godard, Kubrick, Welles, Eisenstein, Tarkovsky, von Trier, Van Sant at kung sinu-sino pang mga henyo sa pelikula. Ang konsepto ko lang ng magandang pelikula dati ay ‘yung mga kaya akong libangin tulad ng Petrang Kabayo at Okay ka Fairy Ko The Movie. O di kaya kapag natatawa ako kay Cheeta-eh, nakaganti si Sharon sa umaapi sa kanya, kinilig ako sa paghabol sa airport ng bidang babae sa bidang lalake tapos may kissing scene sa ending at kapag quotable quotes ang mga dialogues, magandang pelikula na siya.

Hindi ko inisip n’un ang mga semiotics, structuralism, postmodernism, gender discourse, metaphor o mga subliminal messages. Basta dati ang alam ko, itsinitsismis na magjowa ang dalawang artista sa The Buzz kapag may pelikula sila. Pinapanood ko ang mga pelikula, nalibang ako, tapos. Kapag hindi ko siya naintindihan, hindi ko siya gusto, tapos. Hindi ko na pinuproblema at binibigyan ng malalim na kahulugan ang lahat ng aspeto nung pelikula. Parang mas madali ata yung ganun.

Anlaki ng ngiti ko nung itinuro ko sa mga workshoppers kung paano pagdikitin sa editing ang dalawang clips at tulad ko, nung una ko siyang magawa sa computer kong si Dam-dam dati, namangha rin sila at napa-“wow, asteeeeg”.

Kinabukasan, nung ipinitch na nila ang kanilang mga storyline para sa gagawin nilang short film bilang final requirement, nakita ko sa mga mukha nila ang kagustuhang makapagshoot na. Nakita ko ang passion na dati naramdaman ko sa sarili ko nung ginagawa ko ang pinakauna kong short film, ang “Payb”. Proud na proud ako sa sarili ko n’un habang zinu-zoom in at zoom out ko ang lente ng handycam ko. Worm’s eye view pa nga ang paborito kong anggulo nun at lagi kong itinatatak sa utak ko ang Rule of Thirds.

Gusto ko dati, mag-indulge. Napaka-ambitious pa ng vision ko at pakiramdaman ko nun andali lang gawin. Kapag tinatanong ako kung bakit ganung anggulo ang ginawa ko, ang sagot ko “basta, gusto ko lang”. Dati, pilit kong ipinagyayabang at ipagsigawan sa buong mundo na “oo, filmmaker ako”. Na ang short film na ginawa ko ang pinakamagandang pelikula sa lahat.

Tulad ko dati, naramdaman ko sa mga workshoppers ang kanilang kakaibang passion at prinsipyong “gagawa ako ng pelikula hindi para sumikat ako pero dahil ito ang kwentong gusto kong gawin”. Naramdaman ko ang kanilang influences. Ang kanilang inspiration. At higit sa lahat, nakikita ko ang sarili ko dati sa kanila. Tuwang-tuwa akong makita sa kanila ang sigla at “artist ako” kind of glow.

Hay. Oo naman. May passion pa rin ako ngayon. Nag-iba nga lang marahil ng uri at antas.

Habang pinapakinggan ko sila at nagbibigay ako ng mga pointers kung paano gagawin at isushoot ang kanilang mga plano, hinahanap ko kung saan na nga ba ang tinungo ko. Namimiss ko tuloy maging inosenteng baguhan na puno ng raw passion.

3 shouts:

Bodega



Sex. Drugs. Rave.

Sumikat ang term na "rave" culture sa UK nung 80s-90s bilang antithesis sa existing na culture nung panahon na 'yun lalo na sa pilosopiya ni Margaret Thatcher na "there is no such thing as society". Ang rave ay pinapaikot sa pilosopiyang PLUR o peace, love, unity, respect. At kasabay nito ang pagsibol ng isang musikang mabilis na mabilis na ipinanganak mula sa acid house movement. Sa pagdaan ng panahon, nagbago na rin konsepto ng rave sa buong mundo.

Base sa research ko, patay na ang term na "rave" sa Pilipinas. Ito ay ngayon na "party". Ang sabi, wala na rin daw nag-i-exist na underground rave clubs dito dahil napalitan na ito ng mga house parties. Pero kahit ano pa man, ang drogang Ecstasy na nakakabit lagi sa kulturang rave ay laganap na laganap pa rin, mapalitan man ang term at espasyo ng kultura.

Pero sa contemporary times, paano kung may buhay pa na isang underground rave bar at ang tawag sa kanya ay "Bodega"?

Ayan. Me konting synopsis na ako ng bagong film ko. Har.

Sinasabi ko 'to in advance kasi me nabalitaan ako, me nagluluto rin daw ng ganitong konsepto sa pelikula ngayon at sa totoo lang, estudyante pa lang ako sa Film, dinidevelop ko na ang kwento ko. Kaya, ipapamalita ko na ngayon na gagawin ko na siya at sinusulat na ang iskrip. At least, di ako masasabihan na nanggaya, just in case lang. Har.

3 shouts:

Next!

Alam ko. Alam ko. I'm still waiting for a regular screening playdate for TYG sa Manila. At dahil mukhang forever na akong naghihintay (char!), might as well gawin ko na muna ang aking second project.


This one's not a gay film. Dark. Drama. Para maiba naman. Currently writing the script and sana, makapagshoot na soon. Ayos.

5 shouts:

Bebs is now friends with Letting U. Go

...sabi ko sa Facebook status. Pero walang kaganapang pagli-let go. Para akong buhok sa kili-kili na masakit bunutin kapag una mo itong ginawa pero kapag nasanay ka na, nakakaadik na.

Akin ang huling halakhak. Sabi ko sa Friendster shoutout. Jologs na nga pala ang Friendster. Susme, pati social networking sites, may social status na rin. Akala ko, sa showbiz lang may modang social hierarchy. Kunsabagay, dati, inisip ko rin na mas marumi ang pulitika kesa sa showbiz. Di rin pala. Magkasindumi sila! Kambal. Parang Mary Kate at Ashley lang, may bulok sa sistema. Kaya, kayong mga powertrippers diyan, pumulitika lang kayo, go lang. Post-postmodern na. Pati karma, digital na. Mabilis itong babalik sa inyo.

Sana naging pornstar na lang ako. At least, ang pornstar, marunong pumeke ng orgasmo. Kahit maluwang na, kaya niya pa ring umarte na masikip siya. Kaya lang, di ako marunong pumeke. At kailangan ko muna magpaganda ng katawan. 'Yung tipong hindi na ako mukhang totoong tao. [Steroids... steroids kayo diyan...]

Mahal natin ang isa't isa pero bakit hindi pa rin tayo masaya? Sabi ko ke Carlo nung isang araw. Pesteng linya 'yan, matutunaw sa hiya ang mga writers ng Star Cinema. Hindi na nga ako nanonood ng mga romantic comedies para iwas suicidal tendencies pero trying hard naman akong magpa-witty.

Alas tres na ng umaga. Sabi nung kausap ko, nagliligpit siya ng bahay. Ano ba 'yan. Ganitong oras? Naibulalas ko. Tanong niya, me oras ba ang paglilinis ng bahay. Oo, meron. Stereotypical rin kaya ang mga gawaing-bahay.

Pakshet. Naiinip na ako!!!!!!!

Ang solusyon sa lahat: lumipad sa Davao at kumain ng mainit at malutong na turon na ube ang palaman. Sasaya na uli ako. At gagawin ko yan sa Biyernes.

5 shouts:

Blink

image
captured,
ignored,
nothing.
scent,
sweet cologne.
two holes
digged
on pimpled,
white cheeks.
together,
snubbed!
senses weak,
music,
danced.
loves
somebody
else,
who cares?
fall.
resist.
knew i did.
three
long
days.
through.
blink,
like seconds,
gone.
see you
soon
somewhere.
blank.

2 shouts:

Poorita


Nagrereklamo ka na naman. Kasi hindi ka makakabili ng bagong Havaianas ngayong linggong 'to. Sabi mo, atat na atat ka nang madagdagan ang flip-flops collection mo. Bugnutin ka. Mainitin ang ulo. Kasi ang kati na ng paa mo at gustung-gusto mo nang maisuot ang hinahangad mong bagong labas na design at awang-awa ka sa sarili mo habang tinitingnan ang mga taong palabas ng tindahan bitbit ang kanilang bagong biling pares. Nakangiti sila sa'yo, parang nang-iinsulto. Pero hindi mo ba naisip ang libo-libong mga bata sa buong Pilipinas na nagtityagang maglakad papunta sa eskwelahan ng nakapaa dahil hindi nila kayang bumili ng isang pares na tig-sisikwenta pesos na tsinelas? Ilang pares na kaya ang pwedeng bilhin ng isang pares mo ng Havaianas? Ngayon, naiinsulto ka pa rin ba?

Ayan ka na naman. Hindi mo na naman inubos ang chicken joy na inorder mo. Sabi mo, busog ka na. Sana, hindi ka na lang umorder ng ganun karami. Lagi ka na lang nagrereklamo. Na kesyo makunat ang manok o di kaya matigas ang pagkaluto, masyadong maalat, nakakasawa. Alam mo ba na sa pag-uwi mo ngayong gabi, gising pa ang mga taong mamumulot ng mga buto ng manok na hindi mo kinain. Pag-aagawan nila ang mga ito sa basurahan ng iyong paboritong fastfood, kokolektahin at lulutuin uli para me pantawid-gutom lang. Buti ka pa nga, kahit Jollibee, me pambili ka. Sila, nagtitayagang kainin ang mga tira-tirang buto na itinapon mo. Naalala ko tuloy yung kanin na pinabayaan mong mapanis nung isang araw. Sana inilagay mo na lang siya sa supot at ibinigay sa basurero. Sana, may isang pamilya ka nang napakain kahit papano. Sana malaman mong marami ang namamatay sa gutom habang nabubundat ka sa pagtatapon ng pagkain.

Ansaya-saya mo pala kanina. Kumakanta ka pa habang naliligo. Malamang, ginagamit mo ang iyong mamahaling gluta soap habang walang katapusang bumubuhos ang tubig mula sa shower. Nung isang araw nga, sabi mo ikaw na ang ang pinakakawawang tao sa mundo kasi andami mo nang trabaho at hindi mo na nagagawa ang magbabad sa jacuzzi. Alam mo bang wala pang tubig ang mga taong sinalanta ng matinding bagyo sa Bicol? Nahihirapan silang maghanap ng malinis na tubig na pwede nilang inumin. Sa katunayan, kahit maruming tubig, wala silang mainom. Naalala ko tuloy ang itinapon mong mineral water na di mo naubos kahapon.

Hindi ka na naman pala pumasok sa Trigo. Sabi mo kasi, idadrop mo na siya kasi hirap na hirap ka na. Ayaw mo talaga sa math. Ayaw mo na rin pumasok sa eskwelahan. Sayang naman ang sem na 'to, sana tapusin mo na. Libo-libong mga bata diyan ang atat na atat na makapag-aral pero hindi sila nabibigyan ng pagkakataon kasi wala silang perang pambayad sa tuition o pambili ng notebook o pamasahe man lang. Kaya karamihan sa kanila, nagsasaka na lang sa bukid, nakukuba sa katatrabaho sa plantation ng tubo at pinya, nagtatahong, nambabasura, namamalimos, nagrarugby. Hindi ka nga talaga pumasok kasi nakita kitang tumatambay sa Starbucks buong maghapon kasama ng mga barkada mo.

Ano bang meron dun at sobrang mahal? Di ba pare-pareho lang ang amoy at lasa ng kape? Sabi mo, ambience ang binabayaran dun. At ang additional whipped cream. Sabi mo pa nga, maganda ang couch nila, hindi masakit sa mata ang ilaw at minsan, gwapo ang barista. Ah, kaya pala. Sana nararamdaman din yan ng mga tao sa Pilipinas na walang ibang kinain sa buong buhay nila kundi kape.

Alam kong hindi mo kasalanan na naging mahirap sila. Pero sana, marunong kang magpahalaga kung anong meron ka. Masyado bang mahirap para sa'yo ang iabot ang kahit isa mong kamay para matulungan sila?

2 shouts:

Sa pagtalikod ng iyong maputing likod

I'll find him.
Or he'll find me.

6 shouts:

Dahil du'n

lilipad ako
dahil wala akong pakpak.
ngingiti ako
dahil wala akong angas.
katulad nila
dahil hindi sila ako.
nguni't ako sila.

0 shouts:

Sayang, hindi pala ganun kakumplikado

Naalala mo pa ba ang isang bote ng parmesan na inilagay mo sa pansit canton na niluto natin nung isang malamig na hatinggabing sabog tayo sa kanya-kanya nating moda? Naramdaman ko na sweet ka sa akin. Sinubuan mo ako ng isang tinidor ng nilukot na pansit canton pero hindi mo ito binudburan ng parmesan. Alam mo kasing paborito kong ulamin yun. O di kaya, pinapapak habang nanonood ng telenovela sa hapon. Kaya tuwang-tuwa ka na makita akong naglalaway sa pinapapak mong canton na isang oras kong niluto gamit ang kalan at uling sa likod ng bahay.

Nung inakyat natin ang pinakatuktok na bahagi ng napakahabang tulay sa Mindoro, hinawakan mo ang aking pinagpapawisang mga kamay. Kinilig ako nung sinabi mo na anlambot ng mga daliri ko, hindi bagay sa mukha kong parang kabayo. Hirap man akong akyatin ang napakatayog na mga bakal, di bale, naramdaman ko naman ang pagmamahal mo dahil pinuwersa mo akong isuot sa'yo ang harness na binaon ko para sa sarili ko at nag-alangan man ako, pinagbigyan kita nang sinabi mong umakyat ako gamit ang pulang high heels ng nanay mo. Ramdam ko ang kilig nang maglapat ang ating mga palad at bigla mo akong itinulak patungo sa mabatong lupa na siyang naging alaala ng minsang malinaw na sapa. Lasog man ang mga buto ko at napuno man ng dugo ang kapatagan, sapat na sa akin na marinig ang nakakahawa mong tawa habang tinitingnan ako. Mas pogi ka pala kapag masaya.

Umuulan ng apoy ang kalangitan - mas higit pa sa Sodom at Gomorrah - isang gabi. Kumakatok ka sa pinto namin at kahit pinamugaran ng muta ang mga talukap ko, pinagbuksan kita. Narinig kitang humihikbi at bigla mo akong niyakap. Nag-alangan ako dahil yun ang unang pagkakataong nagdampi ang mga dibdib natin. Naririnig ko ang malalakas na dagundong ng iyong puso at walang pagdadalawang-isip mong binasag ang dalawang bote ng beer na grande sa ulo ko. Ang sabi mo, "pasensiya na, napagdiskitahan lang kita ng galit". Hindi ko maintindihan kung bakit pero ang alam ko, ako lang ang tinatakbuhan mo kapag binasted ka, hindi sinipot ng kasex-eyeball o di kaya ay di ka isinama ng mga barkada mo sa gimik nila dahil mahilig kang magpalibre ng pamasahe. Napapangiti pa rin ako, pinakahuli man ako sa listahan mo, ako pa rin ang takbuhan mo.

Minsan, pinainom mo ako ng insecticide na may halong natutulog na mantika. Sabi mo, "gusto ko, sabay natin subukang magpakamatay". Tuwang-tuwa ako nun. Pakiramdam ko, ako si Juliet at ikaw si Romeo. Sinampal mo ako ng malaking palakol. Sinigawan mo ako dahil gusto mo ikaw si Juliet. Sige na nga, sabi ko. Pinili ko na lang maging si Othello. Talagang mahal mo ako, 'no? Pinagdasal ko talaga ng masinsinan, sana lagi tayong sweet sa isa't isa.

Di ba, sabi pa nga natin, mas gusto nating magpahinga sa purgatoryo. Kasi dun, hindi masyadong mainit tulad ng impyerno. At di masyadong bughaw katulad ng langit. Kaya lang, hindi natin pinag-usapan kung magtatabi ba tayo o magyayakap kapag may maririnig na kulog o isa sa atin ang kukuryentehin ng kidlat. Ang alam lang natin, sabay nating ibuhos ang lahat ng sama ng loob sa nagugunaw nang mundo.

Lahat pala, kaya nating gawin. Kakayanin ko, basta sabay lagi tayo.

Pero nakita kita minsan, hawak-kamay ang isang lalakeng maputi, matangkad, malaki ang katawan, mayaman, mabango, matalino. Wala siyang patay na kuko tulad ko. Hindi jologs ang English niya, branded ang pantalon at sapatos, mapuputi at kumpleto ang ngipin. Tinawag mo ang mabantot kong pangalan habang nakasakay ka sa kanyang pula at makintab na kotse, katabi niya. Kinawayan mo pa nga ako. Napalingon ako at tulad ng slow mo sa commercial ng shampoo - sa unang pagkakataon simula nang makita ka - napilitan akong ngumiti ng totoong ngiti.

Naramdaman ko ang napakasakit na kirot na higit pa sa pagdaramot mo sa akin ng pancit canton na may parmesan, pagkahulog mula sa tulay na bakal, paghampas ng bote ng beer sa ulo, pag-inom ng insecticide na me mantika o pagbigyan kang ikaw ang Juliet at hindi ako. Anhirap pala na sa kabila ng lahat, hantungan mo lang ako at laging may isang tao na mas nakakaangat sa aking diyan sa puso mo. Na kahit ilang beses kong ibigay ang kalahati ng sarili ko para sa'yo, may isang bagay akong laging nakakalimutan. Kaya patawad.

Sa susunod naman kasi, lagi mong ipapaala sa akin... hindi pala 'tayo'.

8 shouts:

Not Mr. Brightside (Open up my eager eyes)

Ang paghihintay ang sukatan ng pagkatao.

Nakakabagot. Minsan, nakapanlilinlang ng sarili. Kaya nga matagal ako gumising sa umaga, ayokong hintayin kung luto na ang almusal. Naiinis ako sa mga moonwalkers. Sa magsyotang moonwalkers. Sila ang palantaan ng iyong miserableng buhay at sukatan ng iyong pasensiya. Mapapaisip ka kung tama ba na sayangin ang oras sa pagsunod sa kanilang kabagalan at maghintay na ika'y makaalpas sa kanilang likuran.

Hindi ko alam kung gaano kahaba ang pasensiya ko dahil ang maghintay sa taong kausap ay magkaiba sa paghihintay ng katapusan ng buwan para sumahod, ng alas singko ng hapon para sa isang bored na empleyado ng gobyerno, ng inutang na di pa nababayaran, ng pagsukob ng ulap sa buwan, ng pagbaba ng eroplano, ng pagdating ng pangyayari na magpapangiti sa'yo.

Walang kaibigang panahon ang paghihintay. Nangyayari ito sa madilim na sulok ng mumurahing motel, sa maingay na bahagi ng fastfood counter, sa maliit na aparador, sa makislap na ilaw mula sa tv, sa papel, sa tubig, sa puso. Laging may lumilipas. Dadaanan ka ng mga taong nagmamadali habang hawak nila ang iniinom na malamig na sago't gulaman, ng mga pabangong nilipad ng hangin, ng mga magagarbo at makukulay na kotse, mga taong magpapasaya at magpapaiyak, ng paglipas ng kabataan, mga oportunidad na hindi dumadating.

Sa bawat paghihintay, walang dumadating kundi ang mga pagbabalik lang, katulad ng mga elesi, gulong, bote sa truth o consequence at lalo na ng mga paang naghahanap ng mapapatungan at pagod na mga matang nakatingin sa relo. Nagbabalik ako. Pero hindi ko alam kung may naghihintay sa akin. Basta ako, naghihintay pa rin.

9 shouts:

You'll love them even more

Seen TYG? Pwes, mas mamahalin mo ang soundtrack ng pinakabaklang pelikula ng taon. Eto, it's your chance to see the bands play the songs in person.

Mapapachur-chur-mega-mega[jerjer] ka sa Haphazard. Mapapapunta ka Anywhere sa Roxymmorons [Roxys!].. Mapapaindak ka sa Fuelled ng Gasulina [ang kantang ginamit sa Hiyas ng Pinya 2008] at syempre, magiging artista ka sa Starsick ng Kampai.

I guarantee a very good night of TYG music on Sept 25 sa Club Dredd as they play their beautiful, beautiful, beautiful songs. Plus the songs I used sa film. Kay go na.

Masaya 'to. Wa char
.


4 shouts:

Bad news

I'm sad (as in may kasamang hagulhol at pagtutulo ng sipon) to inform everyone in Manila that "The 'Thank You' Girls" will not be screened in Robinsons Indiesine on Sept. 24-30 as originally scheduled. Pero it's gonna be shown sometime in October. Still in Indiesine. Kaya medyo matagal-tagal pa ang pagtitiis niyo para maidefine si darkness. Oo. May ganitong pagmomoda ang kamunduhan at hindi ko rin ito maipaliwanag pero konting tiis na lang. Makikita niyo rin ito sa pinilakang tabing. Char.

Hintayin.

4 shouts:

VIFF


The Thank You Girls
The Thank You Girls
Dragons and Tigers
(Philippines, 2008, 101 mins)
In Visayan with English subtitles
HDCam
International Premiere
Directed By: Charliebebs S. Gohetia
PRODS: Adolfo B Alix Jr, James R Hohl
SCR/ED: Charliebebs Gohetia
CAM: Albert Banzon
MUS: Teresa Barrozo
Cast: Gie Salonga, Pidot Villocino, July Jimenez, Kit Poliquit, EJ Pantujan, Kim Vergara
Dragons & Tigers Nominee Dragons & Tigers Award Nominee.

Inner beauty? It’s a hoax! It’s all faked anyway... The "Thank You" Girls follows a gaggle of drag queens and their entourage on journeys from one small-town "beauty pageant" to the next as they compete for the coveted title "Queen of the Third Kind 2008." They play the roles of reigning beauty queens, mostly from the "Third World"; it’s curiously warming to reflect that this Miss Zimbabwe would be Robert Mugabe’s worst nightmare. Mommy Paola (aka Virgil) drives the jeepney and takes advantage of the trip to fly-post “Missing Person” notices: he’s trying to find his former lover Carlos, now married. Chris, one of the queens in the back, looks forward to a rendezvous (or is that a showdown?) with the legendary Adora Gracia, due to host one of the pageants. But there’s no real plot to speak of. It’s essentially a road movie.

Charliebebs Gohetia, the editor of Brillante Mendoza’s films, turns director with this deeply Filipino variation on Priscilla, Queen of the Desert. Unlike its prototype, it’s not powered by the emotional highs and lows of melodrama. “Deeply Filipino” means laid-back, resigned, defeated--and yet wonderfully resilient. As in all contests, there are winners and losers: “These gays strive hard and still finish last." If you know this unique world at first hand, you’ll feel more at home here than in any previous drag-queen movie. If you don’t, you’ll laugh, you’ll gasp, you may even hurl. But you’ll come out a better person.


-- Tony Rayns

0 shouts:

Pasabog


After a very successful premiere night last Monday, The 'Thank You' Girls will be screened in Gaisano Mall, Davao City on Sept 10-16.

Wag na papahuli! Idefine na si darkness!

Proudly Davao-made, pumunta na sa Gaisano Mall simula bukas and watch the gayest film ever!!!

6 shouts:

Madalian

Buhay pa ako. Laging haggard. Wala pang internet sa bahay.

Congrats sa UP sa pagchampion sa cheerdance. Kakaproud maging Isko. Galeng. Tumayo balahibo ko. Mukang nanakawan ng place ang Adamson.

Premiere night ng TYG dito sa Davao bukas, Gaisano Mall, Cinema 1, 7:30 pm. Ang di pupunta, magka-acne. Char.

Sobrang dami na ng durian dito. Season kasi. Ansarap sarap. Better than sex.

On second thought, masarap ang sex.

Maganda ako. Gaganda ako. At mas gaganda pa ako!

Ngorkz.

0 shouts:

Biga-on!

Thanks Ben Padero for upsounding! Original blog entry here.

the thank you girls review

Photobucket

i missed the opportunity to work as designer for this movie since it was shooting the same time with serbis. also, i was held back by tvc work from leaving for mindanao ergo i missed working on a fantabulous movie by emotistic centerstage colleague, charliebebs gohetia

yesterday was the thank you girls’ premiere at the UP and carlo and i headed for the theater on the invitation by writer-editor-director bebs. we of course expected the tongue-in-cheek comedy fished out from gay beauty pageants and we were taken in for a roll!

haskang grabe ka-juker! bibo gyud siya, never laughed so hard at a movie in a long time. the great part of this film was how natural the dialogue, both scripted and impromptu, twittered out of the cast’s lip-shimmered mouths. of course in the beginning it takes a bit of time to get used to bisayan gay linggo. hearing them speak in their native tongues and acting out along the billboard-less highways of mindanao, the bantering and witty exchanges felt right at home as if we’ve worn red satin gowns everyday of our lives. lighting and sound technicals aside, this movie is fantabulous from fake diamond tiara to flattened-out yellow spartan flipflops.

Photobucket


among the cast, we laud mommy paula’s natural and realistic approach to her role, her gay mamasan was never sashaying and contrived. i particularly loved both scenes that featured mommy paula and son, chris, driving on the freeway and the backstage scene after the bukidnon pageant. being a bisaya, i enjoyed hearing the dialogue come as natural as air, her exchanges with chris were spot on and their emotions on check and never overboard.

of course, a large part of the movie lived on the glorious top of the jeep, called taplod (top load) in bisayan linggo. the script featured a loadful of MG (miss gay) pageant scenarios, here the thank you girls (linggo for contestants who didnt make it to the semi-finals round, ergo “thank you, girls”) reenact opening spiels and the quintessential question-and-answer round, rehearse, playaround and just about anything they could do there. sometimes witty, sometimes effortlessly stupid, totally laugh-out-loud moments for us and the audience. nagkini-at ang mga bayot sa atop sa jeep bwahaha

the pace and energy of the film were infectious so kudos to bebs the editor. i loved that final scene in fictional cagayan de oro (bebs ha!) with the mirrors, great editing. even the first act of the movie was ultimately made more energetic with the editing and the shifting to and fro scenes from davao to the pageant. the soundtrack was also very chika bibo. all the thank you girls’ characters were wonderfully developed, so kudos to bebs the writer. loved each of the characters and their plight in life and in love. the actors’ performances were right on so kudos to bebs the direction.

bebs is on cloud 9. after his success with writing adolf alix’s daybreak and being solely acknowledged in singapore for editing tirador (tama ba?) plus the pending urian nomination for both tirador and foster child’s editing, he’s soon off to ********* for the city’s international filmfest for thank you girls in september. i cant wait to see what else bebs has up his fuschia colored bead encrusted silk sleeve. dili ni atik-atik gang ha, congrats! ikaw daog, imoha ang korona. rampa bayot! lovett!

4 shouts:

Eto na ang sinasabi kong baklain ang mundo

Finally, nirelease na rin nila officially. Oh-em-gee. I swear. I'm so loving this.

Sabi nga ni Allyson habang nag-uusap sila ni Mommy Paola sa madilim na bahagi ng pageant sa Bukidnon (in Tagalog):

Allyson: Di ko maintindihan kung bakit dito sa mga probinsya, mahilig sila magpa-MG (Miss Gay) para sa mga first timers.

Mommy Paola: Masarap raw kasi ang first time.

Oo. Eto. Perstyam ito ng TYG kaya masarap (at hihirit akong sana masundan pa, haha). Masarap na masarap, ohyeah. I-access ang press release dito. Opisyal na. TYG competes in the Dragons and Tigers Section sa Vancouver Film Festival. Char!

Vancouver fest unveils Asia-heavy slate
'Longwang Chronicles,' 'Jalainur' set for world premieres

By Adele Weder

Aug 28, 2008, 03:43 PM ET

VANCOUVER -- The Vancouver International Film Festival on Thursday unveiled what organizers called the largest slate of East Asian cinema in North America, including world premieres for Li Fifan's documentary "The Longwang Chronicles" and Zhao Ye's "Jalainur," which is set in wintry Manchuria.

The festival, which is set to run Sept. 25-Oct. 10, will screen 73 East Asian films, with 27 international premieres and 18 North American debuts.

The Dragons & Tigers competition for emerging Asian directors includes international premieres for "German + Rain" from Yokohama Satoko and Uchida Nobutero's "Kaza-Aana" (Japan) and Charliebebs Gohetia's "The 'Thank You' Girls" (Philippines) and North American premieres for Emily Tang's "Perfect Life" and Gao Wengdong's "Sweet Food City," both from China.

This year's Dragons & Tigers jury includes Ichiayama Shozo, filmmaker Pe-nek Ratanaruang and critic Elisabeth Lequeret.

Vancouver's 27th installment also has booked an international premiere for the Cuba Gooding Jr. starrer "Linewatch," from Kevin Bray and Sony Pictures Entertainment, and a world premiere for Spanish director Ivan Noel's coming-of-age drama "In Your Absence."

0 shouts:

Dinefine na si darkness!

Photo courtesy of Ben Padero


Halos isang linggo ako di makatulog. Iniisip ko kung mapupuno ko ba ang Adarna sa premiere night ng TYG o lalangawin ba siya at isang row lang ang mauupuan at ang row na yun ay bakante pa sa harap. Nag-aalala ako kung magugustuhan ba siya bilang ang premiere ay isang napaka-crucial na pangyayari sa isang pelikula at dahil hindi naman ito kalakihang pelikula, I have to rely sa word-of-mouth advertising.

Aligaga. Kailangan mag-color grading. Kailangan maglatag. Kailangan maghatak ng manonood. Kailangan magsubtitle. Maayos, walang typo at hindi text-language na subtitle. At dahil tradisyon ko na ang maghabol ng oras, kahapon lang nagkaroon ng master copy ang pelikula. Dalawang araw kong hindi tinulugan 'yun.

Balak ko pa naman sana bumongga ng todo dahil alam kong may mga camera na magmamatyag. Magpa-makeover, yung tipong di na ako makilala ng mga kakilala ko. Umeport sa damit, yung tipong nasa Video Music Awards ako. Di ko rin naman nagawa. Pweh.

Kahapon ng tanghali, pagkauwi ng bahay galing Ignite, natulog na lang muna ako para di tumuyo ang balat ko at ayokong malosyang-looking. Wa na sa eport ng makeover at fashown. I was just banking on internet advertising at konting print mileage at nang makita ko nung Wednesday na marami naman ang nagpupromote sa mga sites nila, kumampante na ang katauhan ko. (Salamat, guys!)

Nilipad namin lahat ng cast from Davao para ma-experience naman nila ang World Premiere at nang makita nila for the first time yung pelikula. Hindi ko sila nakausap until alas singko y media na ng hapon pagpunta ko sa Adarna para magtechnical test. Maayos naman altough may mga modang hindi lumabas ang tunay na kulay base sa na-grade nang material (feeling ko, maganda pa rin naman na lumabas) at aligaga ang audio (hindi masyado nabigyan ng hustisya ang audio mix ni Sir Ditoy) . Aktwali, hindi talaga ganun kaganda ang acoustics ng Adarna pero kebs na. Maayos akong nakapag-technical test.

Nagsidatingan na ang mga tao ng 6pm. Narealize ko, andami, dami, dami, dami ko palang friends, haha. At kahit hindi ito sex film, maraming pumunta. Sobrang ganda ng ginawa ng UP Cinema na exhibit sa labas. Thanks Jed. May mga expected akong mga tao at celebrities na di nakarating, sayang. At may mga taong matagal ko nang di nakikita na dumating at sumuporta. Grabe, kakatouch.

Mark dela Cruz, maraming salamat sa pagpayag na mag-emcee bilang kinaladkad lang kita 30 minutes bago ang screening, hekhek. Unang pinalabas ang short film ni Leo bilang front act at bilang experimental ang pelikula, nakatulala lang ang audience after the film, haha! Angganda kaya nung film niya. Very internet relationship.

For the first few minutes ng TYG, naging tin can-sounding ang audio. Ulk! Nyetah. Something always goes wrong, divine. E, maayos naman ang technical run so bakit nagkaganun. Si manong mixer talaga! So, kelangan ko siyang aligagain! Tumayo ako at dumikta sa tabi niya para iayos yung mix habang nagpapalabas. Kaya pasensiya kung nagkaganun ang audio sa ibang parts kasi nag-aayos si manong. PERO I ASSURE YOU, HINDI TALAGA PANGIT ANG AUDIO NG TYG, I SWEAR! I paid so much detail sa audio mixing kaya alam kong maayos ang technicals ng pelikula dahil alam ko kung gaano ka-crucial at kaimportante ang sound.

Anyway, habang nagpi-play ang pelikula, natuwa naman ako at tumatawa ang mga tao kahit sa mga parteng di ko inexpect na tatawa sila. Siyempre bentang-benta pa rin ang "define darkness" kahit nasa trailer na 'to. Sabi ni Andrew, dapat nagdala raw siya ng papel at bolpen para mailista ang mga quotable quotes sa MG (Miss Gay), hekhek.

Ayun. Nawala na ang mga masasamang kaluluwang bumabagabag sakin. Maganda ang reception ng mga tao after and tuwang-tuwa si Jim, yung producer, sa resulta. At siyempre, touched na touched ako ke Cranks at Karl sa flowers! Eeeeeh. Mu-miriam Quiambao moment ako, pagkatapos madulas ay tumayo at pumroclaim nang rumirepresent sa all women in the world who stumbled and got up. Ansaya. Tapos, binigyan pa ako ng UP CINEMAsters ng sign book kung saan umemo message ang mga tao.

Oh yeah, Dimen. I'm officially a god. Buwaha. What took you so long to even realize that? Char.

So, ayun. O-opportunitista nako to thank everyone who helped out (no tears).

  • Jim for making this happen. You're the one who should be commended.
  • Adolf for being unconditional (char).
  • Noel dahil lagi kang handang sumuporta at tumulong.
  • Staff and crew at actors na rin (isa-isahin ko pa ba kayong ilista?) dahil naging masokista kayo sa panghahaggard ko, haha. And for sticking out with me during our worst times sa shoot, di niyo ako iniwan (emo niyo, tsweh!). Buti na lang at friends tayo kaya kinaya natin ang worst conditions na naexperience natin.
  • Nelson Canlas and Michael Cruz.
  • Film friends. (wag na kayong magpabanggit ng isa-isa, baka me makalimutan pa'ko).
  • UP CINEMA. Habac, masaya ako manghaggard diba?
  • Chris Fabian dahil lagi mo akong binibigyan ng exposure, hehe.
  • Sa mga artists at banda na nagtiwala at nagpahiram ng kanilang mga kanta. Roxys, Haphazard (great meeting you MM, churvaloo girl!), Kampai, Gasulina, Sidecrash, Reggztheory, Lizardchips, Chris Uy, atbp.
  • Sa mga nag-extra sa pelikula.
  • Yam, Yen, AVL, Kuya Roy ng Iwag, Mintal gays.
  • Libay Cantor at Nonoy Lauzon.
  • Sir Ditoy and Soundcrew Staff.
  • Ignite staff. Tom, dubout uli, haha.
Sa mga pumunta kagabi:
  • UP CMC friends. Klaring, Dan, Emman, Kirkay, Sol, etc.
  • Davao friends.
  • Congress people.
  • AJ, Miggs, Princhecha Fiona, Kuya , Geloy bloggers (kahit hindi nakapunta).
  • Nestor de Guzman, salamat sa book.
  • Ben, salamat sa magandang review! Friend talaga kita.
  • Babaylans! Thanks Nicole.
  • Coco Martin. Thanks, Co at pinakilig mo ang mga bakla dun haha.
  • Jerome Romzey at Toni Ikwin.
  • At sa mga tumulong na nakalimutan kong banggitin, salamat!

So.. on to the next destination. Baklain ang buong Davao! At buong mundo na rin. Eto ang mga schedule ng screenings:

Sept 8 - Premiere Night (Davao) at Gaisano Mall of Davao. Tickets at P100.

Sept 10-16 - Regular Showing (Davao) at Gaisano Mall of Davao

Sept 23 - Advance Screening 9:00pm Robinsons Indiesine

Sept 24-30 - Regular screening (Manila) Robinsons Indiesine

4 shouts:

Eto na

Moment of truth.

Today is the day.

TYG World Premiere na!

Cagayan... Sambahin mo ako!!!!!!!!!!!! [obnoxious laugh]

2 shouts:

Thug-thug-thug.

Two days to go at kinakabahan na ako.

I swear.

2 shouts:

Weh, seryoso?

Bigla akong nagulat kanina pagbukas ko ng Facebook, eto ang bumungad sakin...



Di ako makapaniwala. Seryoso? Si J.R. Richards nga ba ito? Huwaw! Pakshet, kinilig ako ng sobra, yung kilig na may pangingisay at tirik mata. Grabe, Dishwalla vocalist ito, inadd ako bilang pwend sa facebook. And I'm like.. eeeeh, a fan.

Nadiskubre ko ang Dishwalla nung 2000 nang marinig ko ang 'Counting Blue Cars' at ayun, tinuloy-tuloy ko na. Karamihan sa kanilang mga kanta, ginamit na soundtrack sa mga tv shows tulad ng Charmed. Sila ang kumanta ng Somewhere in the Middle, Angels and Devils, Every Little Thing, Collide at ang pinakapaborito kong Candleburn at Opaline. Woohoo. Kinikilig pa rin ako.




After a 3-year hiatus, nagconcert ang Dishwalla nung July with their original drummer and a special guest vocalist dahil busy nga itong si J.R. sa kanyang solo project which will be released by fall. Di na rin ako nagpatalo at minessage ko siya. Eeeeeh. I love you, J.R.! Char.

4 shouts:

Tren [insert elipsis]

Napansin ko na siya nung Huwebes, sumakay ako sa pinakalikod na tren ng MRT katulad ng ibang ordinaryong araw. Heggard ako, nakisiksik sa gitna, nakipag-agawan ng espasyo, nagpapacute at paminsang tinitingnan ang repleksyon sa salaming malinaw. Naghahabol ng oras katulad ng ibang ordinaryong araw. Galing pa siguro siya sa North Station, nakaupo na kasi siya pagsakay ko, kumportable sa kanyang tshirt, shorts at tsinelas. Parang ako.

May aura siyang malakas ang dating sa bading. Sumisinghot ng sipon at napapangiti ako kapag naririnig ko siya. Naalala ko tuloy si Carlo, napakasakitin, araw-araw laging may sipon. Habang nagtitiext ako, nakatingin lang siya sa kawalan. Nag-iisip siguro. Iniisip niya siguro ako. Kahit alam kong hindi napapadpad ang mata niya sa akin. Alam ko yun, naramdaman ko. Mabisa ang peripheral vision ko.

Bumaba siya sa Shaw Blvd. at katulad ng ibang ordinaryong araw, matalas ang paningin ko. Kaya kong mapansin ang mga bagay-bagay sa loob ng MRT dahil may kapangyarihan ako ng depth of field. Naisip kong isa lang siya sa halos libong gwapong lalake na dumadaan, sumasakay, naaamoy, nagpapacute, nagpapawis sa MRT. Pero naalala ko siya.

Heggard uli ako Biyernes ng alas singko ng hapon. Nagmamadali, naghahabol ng oras, iba na ang damit ko. At katulad ng ibang ordinaryong araw, umupo ako sa pinakalikod ng tren, hindi na gaanong nakisiksik, hindi na gaanong nagpapawis pero mukha pa ring patay ang buhok ko, kumulot dahil nabasa ng pawis.

Nakita ko uli siya. Ang gwapong lalakeng sumisinghot ng sipon sa MRT. Sa parehong upuan, sa parehong posisyon, sa parehong oras. Nakapink na siya ngayon. Naka-Levi's tshirt, nakashorts, nakatsinelas. Parang ako.

Mas malakas na ang singhot niya, kaya niyang higupin ang buong sangka-MRT-han kung gugustuhin niya. Hindi ko alam kung bakit hindi na sumagip sa isip ko si Carlo. Nag-away kasi kami nung araw na yun.

Nagtitext ang lalakeng ka-coincidence ko. Nakatingin ako sa kawalan. Si Carlo kasi, inaway ako nung araw na yun, wala na tuloy akong kalandian. Siguro, katext ng lalake ang kanyang boyfriend. O girlfriend. O nanay o anak. Katulad nung isang araw, hindi siya ngumingiti, hindi ko nakitaan ng landi ang kanyang mga mata. Tinitigan ko na lang siya mula Quezon Avenue hanggang sa pagbaba niya at ilang beses ko nahuli ang isang lalakeng nakatingin din sa akin. Sayang, hindi ako nahuli ng lalakeng sumisinghot na nakatingin sa kanya. Handa pa naman ang mga muscles ng mata ko para sa isang kindatan session.

Bumaba uli siya sa Shaw. Ni hindi siya lumingon, ni hindi ako binigyan ng sulyap, ni hindi niya man lang naramdaman ang existensiya ko. Narinig ko pa rin ang singhot niya habang nilalamon siya ng mga nagsisiksikang tao papasok ng MRT. Bakit niya kaya paborito ang likod na bahagi ng tren? Ako? Hindi ko rin alam. Hindi ko na siya uli nakita ngayong araw na 'to...

Malamang. Gabi na kaya ako lumabas ng bahay.

0 shouts:

Astro!

Bukas ng gabi, gi-guest kunwari ako sa radio ni Papa Ramon "Astro" Bautista, ang idol ng bayan (oo, the next big thing sa advertising world a.k.a. Caltex guy). Yung "Brewrats" sa 99 RT (na Campus na ngayon). Alas nuwebe ng gabi hanggang alas onse. For fun lang bilang nagkita kami ni Astro last week sa UP at nilinlang ko siyang ipromote ang TYG sa radyo haha.

Perstaym kong umepal sa ganitong moda kahit me "Reeltime" radio show kami dati ng UP Cinema sa DZUP. Sana lang wala akong stutter, stummer, matigas-na-dila moments. Nakakahiya sa fans. Char. Me kyeme ring pa-world premiere ng "Naroon" ni Michael Cruz na theme ng TYG.

Anway, badtrip ang internet connection ko ngayon bilang hindi ko alam kung bakit nakakakonek ako sa ibang site at sa iba ay hindi. Inis. Bayrus, ikaw ba ito? Sana lang hindi.

3 shouts:

The Muslim

Vanette is a Muslim and the youngest of the group. Nakuha ko ang idea ng character ni Vanette dun sa kwento ni Yam about sa isang grupo ng mga batang bakla sa isang lumad (indigenous people) area sa Davao. Naisip kong me mga baklang lumad pala.


KIT POLIQUIT. Camille Roxas look-alike daw. Naman. Tubong Cebu at nung nag-audition siya, siya lang ang nakapagtranslate ng script from Tagalog-Bisaya ng diretso. Magaling sa adlib. Go.

Music:

"Starsick"
Words and Music by Kampai
Performed by Kampai
Recorded / Mastered by Duane Fernandez of Blueberri Studio
Management: Nestor Abrogena and Joe Fajarillo
Copyright 2007

Jade Trinidad- Vocals, Guitars
Abi Casauay- Vocals, Percussions
Hepe Lavador- Drums
Alvin Cudal- Lead Guitars
Oboy Ofreneo- Bass

Salamat ke Nestor Aboriginie sa permisong magamit ang kanta. Tsweh.

2 shouts:

Abangan

Nakatanggap uli ako ng bagong magandang balita. Mukhang TYG goes around the world na ito. Eeeeeh. Exciting.

In the meantime, gusto kong gumawa ng horror film. Ang title: THE ATTACK OF THE PHOTOSHOP BEAUTIES. Grabe. Naglipana! Pwedeng peg nito ang mga zombie films nung 80s tulad ng 'Night of the Evil Dead' or slasher films nung 90s tulad ng 'Scream' o 'Blair Witch Project'.

Nagkakaroon uli ako ng interest sa mga experimental films (minsan napagkakamalang avant garde) at gusto ko uli sila iexplore Nirediscover ko si Maya Deren kagabi, kung saan ang mga pelikula niya ay ipinanood ni Maam Anne sa Expe class namin dati. Gusto ko siyang ipagsanib sa nirediscover ko ring konsepto ng Dadaism, isang protesta laban sa mga burgis, kolonyalismo at mga pa-art. Exciting. Abangan uli ito.

Confirmed na nga palang pupunta si Gus Van Sant sa Pilipinas para sa Cinemanila International Film Festival sa October. Siyet. Siya lang naman ang director ng paborito kong 'Elephant', 'Paranoid Park' at 'My Own Private Idaho'. Siya rin ang director ng 'Under the Bridge' music video ng Red Hot Chili Peppers.

Hindi ko alam kung confirmed nang dadalhin nila si Martin Scorcese pero yun ang bali-balita.

Nga pala, sa mga nagtatanong, ang tickets ng TYG Premiere ay P100 lang at diretso nang makuha sa booth ng UP Cine Adarna sa August 28.

16 shouts:

Salamat, URIAN!

Huwaw. Pagkatapos kong umemo last year dahil feeling ko naisnab ako for "Manoro", eto na. Heaven. Langit. Paraiso. Orgasmo. Grabe lang ang mga biyaya ng lupa ngayong taong ito. Daming blessings! Salamat, Lord. Grabe.

Urian ito. Urian! Mapansin lang ang pinagpaguran, heaven na. Eeeeeh. Ansaya. Pagkatapos ng Asian Film Awards at Young Critics Circle para sa "Tirador" for me, eto naman, para sa "Foster Child". Patawad... Super saya lang ako. Wag umaligaga, pagbigyan na.

Nakakatuwa rin na karamihan sa mga nominado, mga pwends at kakilala ko lang din at lalo na sa team "Tirador" at "Foster Child", loves it! Sa mga manunuri, maraming salamat sa recognition na ito.

Congrats sa mga kaibigang nominado! Mabuhay ang pelikulang Pilipino. Char.

1. SOUND:

Ditoy Aguila (Tambolista), Ditoy Aguila and Junel Valencia (Tirador), Emanuelle Clemente and Arnold Reodica (Foster Child), Mark Laccay (Tribu), Jerrold Tarog (Confessional)

2. MUSIC:

Teresa Barrozo (Tirador), Vince de Jesus (Pisay), Francis de Veyra (Tribu), Khavn dela Cruz (Tambolista), Danny Gil (Maling Akala)

3. EDITING:

Lawrence Ang (Tribu), Aleks Castaneda (Tambolista), Ray Defante Gibraltar (When Timawa Meets Delgado), Charliebebs Gohetia (Foster Child), Pats R. Ranyo (aka Jerrold Tarog) (Confessional)

4. CINEMATOGRAPHY:

Rodolfo Aves Jr. (Kadin), Albert Banzon (Tambolista), Albert Banzon (Tribu), Jeffrey dela Cruz, Brillante Mendoza, Gary Tria and Julius Villanueva (Tirador), Odyssey Flores (Foster Child), Odyssey Flores (Selda), Larry Manda (Maling Akala), Dan Villegas (Still Life)

5. PRODUCTION DESIGN:

Harley Alcasid and Deans Habal (Tirador), Armi Cacanindin (Tribu), Jhek Cogama (Endo), Lav Diaz and Dante Perez (Death in the Land of Encantos), Martin Masadao, Regie Regalado, Dante Garcia, and Endi "Hai" Balbuena (Pisay), Benjamin Padero (Foster Child), Danny Red (Selda), Baba Velasco and Vilma Velasco (Maling Akala)

6. SCREENPLAY:

Jade Castro, Michiko Yamamoto, Raymond Lee (Endo), Lav Diaz (Death in the Land of Encantos), Joel Jover and Ralston Jover (Foster Child), Ralston Jover (Tirador), Jim Libiran (Tribu), Jose Javier Reyes (Katas ng Saudi), Ave Regina S. Tayag (Tambolista), Ramon Ukit (aka Jerrold Tarog) (Confessional)

7. SUPPORTING ACTOR:

Publio Briones III (Confessional), Benjamin Fileo (Tirador), Alcris Galura (Endo), Emilio Garcia (Selda), Sid Lucero (Tambolista), Jiro Manio (Foster Child), Coco Martin (Tambolista)

8. SUPPORTING ACTRESS:

Malou Crisologo (Tribu), Eugene Domingo (Foster Child), Anita Linda (Tambolista), Liza Lorena (Katas ng Saudi), Ara Mina (Selda), Angela Ruiz (Tirador)

9. ACTOR:

Jason Abalos (Endo), Jerrold Tarog (Confessional), Roeder Camanag (Death in the Land of Encantos), Jinggoy Estrada (Katas ng Saudi), Sid Lucero (Selda), Jiro Manio (Tambolista), Romnick Sarmenta (Prinsesa), O. G. Sacred (Tribu)

10. ACTRESS:

Glaiza de Castro (Still Life), Ina Feleo (Endo), Cherry Pie Picache (Foster Child), Judy Ann Santos (Sakal, Sakali, Saklolo), Lorna Tolentino (Katas ng Saudi)

11. DIRECTOR:

Adolfo Alix Jr. (Tambolista), Jade Francis Castro (Endo), Lav Diaz (Death in the Land of Encantos), Jim Libiran (Tribu), Brillante Mendoza (Foster Child and Tirador), Jerrold Tarog and Ruel Dahis Antipuesto (Confessional), Paolo Villaluna and Ellen Ramos (Selda)

12. PICTURE:

Confessional (Creative Programs, Inc. thru Cinema One Originals and Oddfield Productions), Endo (UFO Pictures Production), Foster Child (Seiko Films), Death in the Land of Encantos (Sine Olivia Pilipinas), Tirador (Centerstage Productions), Tribu (8 Glasses Productions)

13. SHORT FILM:

To be announced.

14. NATATANGING GAWAD URIAN:

Kidlat Tahimik

12 shouts:

The (Un)Talented

Mahal na mahal si Macario ng mga magulang niya. Sinusuportahan siya sa lahat ng mga bagay-bagay tulad ng pagsali niya sa mga Miss Gay (MG). Ironically, hindi siya ipinanganak para maging reyna.

Mataba lang naman siya. Hindi siya maganda. Hindi siya marunong kumanta, wala siyang talent pero pinipilit pa rin niya ang sarili niya sa ganitong mundo. Alam naman niya yun at mataas pa rin ang self-confidence niya. Wala, makapal lang talaga ang mukha niya.


Macario
Uploaded by bebsg


KIM VERGARA. Si Macario ang ultimate thank you girl kasi di mo mapapansin ang presensya niya, lagi siyang nilalamon ng mga kasama niyang mas malakas ang personality. Naachieve naman ni Kim yun. Nung nag-audition siya, chubby mode siya pero nung nagsushoot na, pumapayat siya ng pumapayat araw-araw to think lamon siya ng lamon. Hiyang?

Di ko naringgan ng reklamo yang si Kim, pakainin mo lang, gu-gow na yan. Haha. At dahil hindi alam ng tatay niya na siya ay bakla, pwes, i-a-out na kita Kim! Me modang basketball player ka pa ha! Hmf.

Yun lang.

"Boom"
Lyrics by: Mark Bitanga Del Rosario
Music by: The Roxymorrons
Performed by The Roxymorrons

2 shouts:

Pinakamabilis na pelikulang inedit

Presenting, IMORAL.

Ang napaka-imoral na pelikulang tungkol sa menage-a-trois ng isang TOTOONG bisexual guy (hindi nagba-biseks-bisekswalan lang), ang kanyang asawa at ang kanyang kabit na baklang paminta (ang sabi ng bakla: una kang naging akin!).

Imoral, dahil hindi ko alam kung me ganitong set-up sa totoong buhay (pero sabi meron daw... hango daw ito sa buhay ng writer na si Frank).

Imoral dahil kung ako ang bakla, hindi ako papayag sa ganitong sitwasyon (sa ngayon, masasabi ko ito). Imoral dahil hindi ko naiimagine ang sarili kong may kahati sa puso at katawan ng aking minamahal at nakatira pa kami sa iisang bahay. Imoral isipin na nagsiseks sila at naririnig ko sila. Nakakaarouse kaya yun? Ewe.

Imoral dahil hindi natin dapat hinuhusgahan ang mga taong nasa ganitong sitwasyon (assuming meron). Por dat, tayo ang imoral, hindi sila.

Imoral dahil nadiscover kong si Arnold Reyes pala ang nagsulat ng "Kung Ako Ba Siya" na kinanta ni Piolo Pascual sa Himig Handog a few years back. Huwaw. Talented. Pero mas gusto ko ang version ni Arnold (nasa closing credits ng pelikula)

Imoral dahil, maraming maloloka dito sa isang scene ni Edgar Allan Guzman (siya yung winner ng Mister Pogi sa Eat Bulaga dati).

Imoral dahil magaling umakting si Katherine Luna.

Imoral dahil promising si Paolo Paraiso.

Imoral dahil tinapos ang pelikulang ito para maihabol para sa closing ng Cinemalaya 2008 noong July. In a span of tsaran... in less than two weeks.

Imoral dahil nahaggard ako sa pag-edit nito na sumuma-total ng tatlong araw. Tatlong araw lang. Pakshet. Tatlong araw. Kaya manood na para masaya. Ineportan ko 'to. Hmf.

August 6 na. Sa Robinsons Indiesine.


9 shouts:

Salpukan ng mga romantikong daluyong patungo sa gugmang urus-uros

Ipinahid mo ang namamasang muta mula sa iyong magaspang na daliri at inabot mo ito sa akin ng may ngiti. Ngiti na noon ko lang nakitang namutawi sa iyong mukha.

"Para sa isang pangako", sabi mo.

"Hindi ba't ang bula ng laway ang nagbubuklod sa dalawang kaluluwang gustong maging isa?" mapungay ang aking mga mata.

"Sa mata nakikita ang ating kaligayahan. Di ba't tayo'y rebelde ng nakasanayang tradisyon?"

Wala akong pagdududa. Wala akong alinlangan. Umuulan. Nakikiiyak ang ligaya ng langit sa ating nararamdaman. Itinaas ko ang aking daliri, sinungkit ang basang muta sa aking kanang mata, isinasawsaw sa aking laway at inabot sa naghihintay mong daliri.

"Sa atin".

Hinawakan ko ang iyong kamay at unti-unti kong isinilid sa loob ng likod ng aking pantalon. Nag-imbot ang iyong pawisang palad, naghihintay ng musika mula sa mga along sumasalpok sa mga mahiwagang batong kaharap natin. Kumidlat. Bumuka ang mga ulap. Isinabog ang mga bughaw na rosas. Dumampi ang kanilang mga pakpak sa itim na bahaghari. Nakakahalina ang musika. Lira. Biyolin. Gitara.

Nakasandal ang aking pagod na ulo sa iyong malawak na balikat habang tinatamaan at tinusta ng masalimuot na kidlat ang sirenang may hawak ng gintong gitara.

4 shouts:

Super Konyo: SONA Edition*

[Nyeta. SONA na naman bukas. Magtitipon-tipon na naman ang lahat ng mga bulok na buwaya sa Pilipinas. Ang mga taong naging dahilan ng pasakit, kahirapan at pagkalugmok ng ating mahal na Inang Bayan. Kung bakit ba naman kasi pinapayagan natin ang ating mga sarili na kontrolin ng mga tangenang mga pulitikong ito, naku!

Naiisip ko pa lang sila na nagpapakasasa sa resources at biyaya ng Pilipinas, umiinit na dugo ko! Gaya lang ng mga simpleng bagay tulad ng paggamit ng sirena sa kanilang mga sasakyan kasabay ng kanilang mga police escort, akala mo kung sinong mga demonyong may-ari ng highway! Sila ang mga pulitikong ankukupal na kahit traffic na traffic ay talagang hinahawi ang mga sasakyan gamit ang kanilang sirena. Mga buwakang ina niyo! Mga hayup! Kaming mga tagabayad ng buwis ang may-ari ng mga highway, hindi kayo! Mga pakshet. Ankakapal ng mga pagmumukha niyo!

Sana bukas, may tsunaming dadaan sa Kongreso at unahin kayong burahin sa balat ng mundo para umayos na ang buhay ng mga Pilipino! Kung bakit naman kasi ang mga trahedya at kalamidad ay nangyayari pa sa mga inosenteng mahihirap sa probinsya eh! Ankakapal ng mga mukha niyo, mga buwaya!

Anyway, ito ang Super Konyo na sinulat ko sa dati kong blog. Jusme, di ko lubos maisip na after all ng mga pangyayari sa buhay ko, applicable pa rin siya.]

*Originally written in my BLOGDRIVE blog on July 27, 2005

Always every year na lang, the pangatlo or the pang-apat week of July is always a pasakit this pakshet to my life. This SONA of the President with a big balat in the face, always affecting my life. As in to the bones, like it goes tagos not only to the tendons but until the 100th layer of my soft and smooth skin and non-osteoporic bones! Siyet.

'Coz last Monday, even if we do not have classes in the Isko University, I was reading and reading this very kapal book in the name of "Revolt of the Masses" and I was like, very engrossed, almost being possessed by the ispiritu of this Andres Bonifacio.


But I had to go to this very sosyal Ever Gotesco, you know - where all the katulongs and boys in the Commonwealth Avenue make lambing-lambing every Sunday - to bayad this pakshet telephone of mine. This Bayantel is sooo garapal they cut my line which caused the downfall of my lovelife just because I didn't pay for choo months.

So, I went there, I even ligo and scrubbed till I sugat my skin so as to be very presentable to the katulongs and boys who will be there at Ever coz that day, this pakshet of the President who is a nuno sa punso declared it a holiday so she won't be pahiya during the walk-out in the Session Hall.

However, I really had a lapse in judgment. 'Coz I forgot that I live in this very posh village of Batasan. You know, the haven of the adiks and the pushers and the mamamatay taos. So I had some leisure walk going to the terminal of the tricycle in Sandigan expecting some light at the end of the tunnel.

But no. All I saw were maiitim militaries who were in uniform who either made higa in their duyan that was tali in between the small trees or lining up for this pink ihian that was really, really, ewe, so mabaho, it reminded me of my own self.

Then I saw more lalake, like in blue. I thought they were buwayas but no, they were like pulis. And I thought, they were like sexy men coz I saw some bulges, like you know, some asses, lining up in the island of the road with some pink kulungan. And ewe, I almost died of tawa coz those bulges were not perky pwets but like tiyans of the manongs.

And pakshet of all pakshets. It was like, there were no modes of transpo 'coz the roads were blocked I was tempted to really transform into Darna. So I had to tricycle from Sandigan till Ever and I saw more buwayas in blue lining with their buwaya tiyans.

And there were so many rallyistas. Like one group in the north. And another in the south. Very sepa-separated this country of ours! Like, ewe. I thought, is my ka-serendipity just out there, being mabaho already in the scorching heat, making sigaw like Gloria Resign. Ow, so por dat thought, I suddenly ran to the overpass of the Ever Gotesco to see the below if my ka-serendipity is just there among the crowd. But no.

The mabaho bodies of these laborers and people below the poverty line were jampacked inside the overpass to iwas the init of the araw but they themselves amoyed araw very much. And I said, enough of the chance to see my ka-serendipity. See!! This nuno sa punso of a Gloria really is destroying my life. I thought pa naman that a cinematic event will happen already in front of the Ever Gotesco. Like me and my ka-serendipity, meeting up in slow motion in the center of the overpass. Hmf! I'm pusok.

So I braved through the amoy of init and kili-kili and hininga of the masses. And I panalangin so hard that I could get out of there alive. I thought, I didn't die in the hands of the adiks in Batasan but I will die in the kili-kili of the masa in the Ever. Pakshet. I thought, I shouldn't have ligo. The effort to ligo was really very futile.

Then, all I could see everywhere were panindas of the cariocas and banana que and kamote que and skyflakes and taho and mais and pishbol and kwek-kwek and all pagkain of the laman-loob that you can think of. The only missing there were pirated cds and dvds coz the buwayas with perky pwets are kalat everywhere! Bwahahahaha. The Muslims shouting di-bi-di, di-bi-di are also takot rin pala. Dam-et.

So finally I got out of my unos in the overpass, I got in at Ever and never really regained my self-esteem coz I smelled like the people shouting Gloria Resign.

And I laughed and laughed and laughed. Coz there was also a pro-Gloria rally in front of that Sandiganbayan. And people with putoks were walking from St. Peter Parish going there and vice-versa. There were like, cmon, two rallies and the people just lakad a little and tawid bakod so that they could kain the libreng packed lunch of both rallies! Those stupid politicians. Believing that all the shoutings are true but the people with putok just want the libreng lamon.

At least I already bayad the Bayantel and I decided to lamon many lasagna and crunchy trios in the Greenwich Pizza to hupa the baha of putok when I go back.

But I had lapse in judgment again. Not only once. But twiceeeee!

So there, I lakad amidst the overflowing kili-kili powers in the overpass and I survived like any true patriot.

And pakshet, when I got home, I still felt very alone and cheated by that duwendeng Gloria. Coz I arrived home without even knowing if my ka-serendipity was just in the corner of that rally, shouting and shouting until his mouth opened 360 degrees celcius without recovery.

Hay. Por dat, I should again go to the rally in the Ayala area. Coz at least in that very plastic world of Makati, some manggagawas are dressed in long sleeves with neckties. So they are not halata that they are also pesante and living below the poverty line.

9 shouts:

The Queen of the Jail (is here!)

....Mommy!

Si Bernadette ang happy-go-lucky cellphone snatcher ng grupo. Originally written as a "fat, short, ugly, oily-faced with an obnoxious laugh" character. Pero nagbago yun lahat nung marinig ko ang tawa ni July when he auditioned sa Mintal (hindi mental). Biglang may tumunog na bulb sa ulo ko at naramdaman kong siya na nga ang hinahanap kong Bernadette.

Para kay Bernadette, masaya lang ang buhay, hindi dapat siniseryoso masyado. Alam naman niyang di siya kagandahan at wala siyang isyu sa kanyang self-esteem.
JULY JIMENEZ.
Magaling ito baklang ito. Natural. Hindi halatang first-time actor, mabilis sa adlib at siya ang taga-translate ng script into gay lingo kay Gie pag kinakailangan. Feeling ko siya na ang perfect Bernadette so di naman ako nagsisi na kailangan kong baguhin yung peg para ifit sa personality niya. Isa lang daw ang pinagsisihan ni July, yung buhok niya. Pinagupitan ko kasi siya at originally, ang gusto ko, bobcut ala Catherine Zeta-Jones sa Chicago pero sabi ng stylist na si Santi, Rihanna na lang daw.

Kaya ayun, a day before the shoot, pinagupitan ko siya ke Pidot (Mommy Paola). Saya. Naimbibe ko na ang pagiging cellphone stealer niya na halos napagpapalit-palit ko na si Bernadette na character sa July na totoong buhay, haha. Tingnan niyo ang before and after photos niya.

FROM THIS

TO THIS

Oh. Taong-tao na di ba.

MUSIC:

"Kalibangon"
Words and Music by Roman Regin Mata
Performed by Reggztheory

Roman Regin Mata - Vocals/Rhythm
Junyl Gemarino - Lead Guitar/Back-up Vocals
Donald Jims Palms - Drums
Rasheed Salipada - Bass
Jhong Rubia - Sessionist for Rhythm
Fritz Abapo - Sessionist for Drums

2 shouts:

The Long Lost Father

Pasensya. Mukhang puro TYG na yata ang bukambibig ko for the next months at hanggang showing na yata akong ganito. Kailangan lang sumelf-promote ng todo. You know. Ito ang una sa gagawin kong character series para naman makilala kahit papano ng mga utaw ang mga backstage beauties. Sa dami kasi nila, baka mapagpalit-palit pa. Color-coordinated naman sila at magkaiba ang mga hitsura pero mabuti na yung ganitong me intro-introhan.


Si Allyson ay 33-years old na. Beterana siya sa Miss Gay (MG) at medyo matanda na nga siya para sumali sa mga byukon.

Napadeport na siya sa Japan. Medyo adik sa retoke. Medyo me obssession lang naman siya sa isang di gaanong kasikatang starlet na si Adora Gracia kaya ang gusto niyang maachieve sa biyaheng Davao-Cagayan ay ang makita at makausap si Adora (na emcee sa bonggang pageant na tinatawag na "Miss Galaxy 2008"). Very modang uma-icon itong si Allyson.

Ano kaya ang mangyayari sa pagkikita nila ni Adora? Abangan.

GIE SALONGA. Si Gie ang gumaganap sa papel na Allyson. Like all the other actors sa TYG, first time rin ni Gie gumawa ng pelikula though isa na siyang beterana at magaling na stand-up comedian (catch him at Zirkoh Timog, Zirkoh Greenhils, Klownz, The Library).

Hindi bisaya si Gie kaya kailangan niyang pag-aralan ang language bago ang shoot kaya for him to speak it ng diretso sa pelikula, aba, acheb. Tagaturo niya ang mga co-actors niya kaya habang break, walang ginawa si ate kundi ang magmemorize ng linya, haha. Anggaleng nga niya eh. It takes an intelligent person para duguin ng husto sa pagbibisaya knowing na hindi mo naman ito ginagamit sa everyday life.

Nameet ko si Gie nung presscon ng 'Daybreak' sa Chokiss sa UP kaya napasali siya sa TYG. Masayang katrabaho, walang kyeme, walang arte. Actually, lahat naman ng tao sa pelikulang ito ay masayang katrabaho bilang 94% ay bakla, 3% straight men; 2% straight women at 1% halaman. He was even generous enough para ipahiram ang kanyang mga gowns, mga gamit at make-up skills para sa production. O ayan, masyado na akong nambola. Char.

Pero, totoo yun!

Eto, nafeature si Gie sa Chika Minute a few weeks back. Kapag ayaw magplay, panoorin sa link na ito.



Ang title ng kantang ginamit sa Allyson teaser ay "Naroon" by Michael Cruz. Ang kantang ito ang TYG theme at may english version pa ito. Di ba.


"Naroon"
Words by Michael Cruz and Alex Mendoza
Music by Alex Mendoza
Performed by Michael Cruz and Holen

Vocals: Michael Cruz
Guitars: Anthony Chua
Bass: Alex Mendoza
Drums: Ruz Sison

2 shouts:

Cinemalaya 2008 Winners, atbp.

Salamat sa lahat ng nanood ng "Imoral" kagabi bilang closing film sa Cinemalaya 2008. Ininclude na rin dun ang teaser ng TYG bilang panimula. Hindi ako nakapunta kasi I had to meet Jim and Nelson para pagmiting-mitingan ang media-mediahan ng mga bagay-bagay para sa TYG premiere.

Nelson Canlas, maraming maraming salamat!

Nga pala, nakaplano na rin ang DAVAO PREMIERE ng TYG sa August 30. Ikonconfirm ko within this week ang lahat-lahat tungkol sa Davao event na yan.

Balita ko andami raw tao pumunta kagabi sa "Imoral" premiere. Shala. Aba, buti naman at nagpay-off ang kahagardang pag-edit ko sa pelikulang ito (haha, Adolf) bilang sumabay ito sa TYG. Naging imoral tuloy ang buhay ko dahil diyan. Aktwali, ganito ang premise ng pelikula: si Paolo Paraiso (Dante) at si Katherine Luna (Abi) ay mag-asawa. Tapos si Arnold Reyes (Jonathan) ay baklang jowa ni Dante. At ang drama nila sa buhay ay magsama-sama sa iisang bubong at alam naman nila ang relasyon nilang tatlo. Kakaloka. Ewan ko lang kung me ganitong set-up sa totoong buhay pero meron naman daw. Sabi.

Anyway, congratulations sa lahat ng mga nanalo sa Cinemalaya:

Jay - Best Picture, Actor (Baron Geisler), Editing

100 - Best Director (Chris Martinez), Actress (Mylene Dizon), Supporting Actress (Congrats, Miss Uge!), Screenplay, Audience Award

Brutus - Jury Prize, Supporting Actor (Yul Servo), Cinematography (tied with Huling Pasada), Music (Joey Ayala)

Huling Pasada - Cinematography (tied with Brutus)

Baby Angelo - Production Design

Ranchero - Best Sound


SHORTS

Andong - Best Short Film, Screenplay

Angan-Angan - Special Jury Citation

God Only Knows - Audience Choice

My Pet - Special Jury Award (what's the difference with the Special Jury Citation?)

Mark Reyes (hooooottt...) - Best Director


Naisip ko lang kung pumasok sa Top 10 ang TYG, ano kaya mangyayari? Hmmm... Wala lang. Thinking out loud. Tsweh.

8 shouts:

The 'Thank You' Girls Premiere


Finally... the premiere night!

Hail to the queens of the backstage! First, they conquered Mindanao. Now, the universe.


Catch the premiere night of the gayest film of all, THE 'THANK YOU' GIRLS on August 28, 2008 at the UP Cine Adarna (formerly UP Film Center), 6:30 pm.

Define darkness! Char.

Written and Directed by Charliebebs Gohetia

Produced by Brooklyn Park Pictures

In cooperation with Bicycle Pictures and Alchemy of Vision and Lights

Synopsis:

TYG is a Visayan film with a gay lingo twist.

Tired of losing in all the beauty competitions in Davao City, five dysfunctional gay beauty pageant veterans decide to travel north to Cagayan de Oro City, in the island of Mindanao, with a mission to conquer the grandest competition of beauty, personality and brains in the province.

They believe that being city dwellers, gays in the province will never stand a chance against them.

And who says gay films are just sex films after all?

P.S. Full trailer coming very.... very.. very... soooonnn..

18 shouts: