Navigation Menu

Featured Post

Salpukan ng mga romantikong daluyong patungo sa gugmang urus-uros

Ipinahid mo ang namamasang muta mula sa iyong magaspang na daliri at inabot mo ito sa akin ng may ngiti. Ngiti na noon ko lang nakitang namutawi sa iyong mukha.

"Para sa isang pangako", sabi mo.

"Hindi ba't ang bula ng laway ang nagbubuklod sa dalawang kaluluwang gustong maging isa?" mapungay ang aking mga mata.

"Sa mata nakikita ang ating kaligayahan. Di ba't tayo'y rebelde ng nakasanayang tradisyon?"

Wala akong pagdududa. Wala akong alinlangan. Umuulan. Nakikiiyak ang ligaya ng langit sa ating nararamdaman. Itinaas ko ang aking daliri, sinungkit ang basang muta sa aking kanang mata, isinasawsaw sa aking laway at inabot sa naghihintay mong daliri.

"Sa atin".

Hinawakan ko ang iyong kamay at unti-unti kong isinilid sa loob ng likod ng aking pantalon. Nag-imbot ang iyong pawisang palad, naghihintay ng musika mula sa mga along sumasalpok sa mga mahiwagang batong kaharap natin. Kumidlat. Bumuka ang mga ulap. Isinabog ang mga bughaw na rosas. Dumampi ang kanilang mga pakpak sa itim na bahaghari. Nakakahalina ang musika. Lira. Biyolin. Gitara.

Nakasandal ang aking pagod na ulo sa iyong malawak na balikat habang tinatamaan at tinusta ng masalimuot na kidlat ang sirenang may hawak ng gintong gitara.

4 shouts:

Super Konyo: SONA Edition*

[Nyeta. SONA na naman bukas. Magtitipon-tipon na naman ang lahat ng mga bulok na buwaya sa Pilipinas. Ang mga taong naging dahilan ng pasakit, kahirapan at pagkalugmok ng ating mahal na Inang Bayan. Kung bakit ba naman kasi pinapayagan natin ang ating mga sarili na kontrolin ng mga tangenang mga pulitikong ito, naku!

Naiisip ko pa lang sila na nagpapakasasa sa resources at biyaya ng Pilipinas, umiinit na dugo ko! Gaya lang ng mga simpleng bagay tulad ng paggamit ng sirena sa kanilang mga sasakyan kasabay ng kanilang mga police escort, akala mo kung sinong mga demonyong may-ari ng highway! Sila ang mga pulitikong ankukupal na kahit traffic na traffic ay talagang hinahawi ang mga sasakyan gamit ang kanilang sirena. Mga buwakang ina niyo! Mga hayup! Kaming mga tagabayad ng buwis ang may-ari ng mga highway, hindi kayo! Mga pakshet. Ankakapal ng mga pagmumukha niyo!

Sana bukas, may tsunaming dadaan sa Kongreso at unahin kayong burahin sa balat ng mundo para umayos na ang buhay ng mga Pilipino! Kung bakit naman kasi ang mga trahedya at kalamidad ay nangyayari pa sa mga inosenteng mahihirap sa probinsya eh! Ankakapal ng mga mukha niyo, mga buwaya!

Anyway, ito ang Super Konyo na sinulat ko sa dati kong blog. Jusme, di ko lubos maisip na after all ng mga pangyayari sa buhay ko, applicable pa rin siya.]

*Originally written in my BLOGDRIVE blog on July 27, 2005

Always every year na lang, the pangatlo or the pang-apat week of July is always a pasakit this pakshet to my life. This SONA of the President with a big balat in the face, always affecting my life. As in to the bones, like it goes tagos not only to the tendons but until the 100th layer of my soft and smooth skin and non-osteoporic bones! Siyet.

'Coz last Monday, even if we do not have classes in the Isko University, I was reading and reading this very kapal book in the name of "Revolt of the Masses" and I was like, very engrossed, almost being possessed by the ispiritu of this Andres Bonifacio.


But I had to go to this very sosyal Ever Gotesco, you know - where all the katulongs and boys in the Commonwealth Avenue make lambing-lambing every Sunday - to bayad this pakshet telephone of mine. This Bayantel is sooo garapal they cut my line which caused the downfall of my lovelife just because I didn't pay for choo months.

So, I went there, I even ligo and scrubbed till I sugat my skin so as to be very presentable to the katulongs and boys who will be there at Ever coz that day, this pakshet of the President who is a nuno sa punso declared it a holiday so she won't be pahiya during the walk-out in the Session Hall.

However, I really had a lapse in judgment. 'Coz I forgot that I live in this very posh village of Batasan. You know, the haven of the adiks and the pushers and the mamamatay taos. So I had some leisure walk going to the terminal of the tricycle in Sandigan expecting some light at the end of the tunnel.

But no. All I saw were maiitim militaries who were in uniform who either made higa in their duyan that was tali in between the small trees or lining up for this pink ihian that was really, really, ewe, so mabaho, it reminded me of my own self.

Then I saw more lalake, like in blue. I thought they were buwayas but no, they were like pulis. And I thought, they were like sexy men coz I saw some bulges, like you know, some asses, lining up in the island of the road with some pink kulungan. And ewe, I almost died of tawa coz those bulges were not perky pwets but like tiyans of the manongs.

And pakshet of all pakshets. It was like, there were no modes of transpo 'coz the roads were blocked I was tempted to really transform into Darna. So I had to tricycle from Sandigan till Ever and I saw more buwayas in blue lining with their buwaya tiyans.

And there were so many rallyistas. Like one group in the north. And another in the south. Very sepa-separated this country of ours! Like, ewe. I thought, is my ka-serendipity just out there, being mabaho already in the scorching heat, making sigaw like Gloria Resign. Ow, so por dat thought, I suddenly ran to the overpass of the Ever Gotesco to see the below if my ka-serendipity is just there among the crowd. But no.

The mabaho bodies of these laborers and people below the poverty line were jampacked inside the overpass to iwas the init of the araw but they themselves amoyed araw very much. And I said, enough of the chance to see my ka-serendipity. See!! This nuno sa punso of a Gloria really is destroying my life. I thought pa naman that a cinematic event will happen already in front of the Ever Gotesco. Like me and my ka-serendipity, meeting up in slow motion in the center of the overpass. Hmf! I'm pusok.

So I braved through the amoy of init and kili-kili and hininga of the masses. And I panalangin so hard that I could get out of there alive. I thought, I didn't die in the hands of the adiks in Batasan but I will die in the kili-kili of the masa in the Ever. Pakshet. I thought, I shouldn't have ligo. The effort to ligo was really very futile.

Then, all I could see everywhere were panindas of the cariocas and banana que and kamote que and skyflakes and taho and mais and pishbol and kwek-kwek and all pagkain of the laman-loob that you can think of. The only missing there were pirated cds and dvds coz the buwayas with perky pwets are kalat everywhere! Bwahahahaha. The Muslims shouting di-bi-di, di-bi-di are also takot rin pala. Dam-et.

So finally I got out of my unos in the overpass, I got in at Ever and never really regained my self-esteem coz I smelled like the people shouting Gloria Resign.

And I laughed and laughed and laughed. Coz there was also a pro-Gloria rally in front of that Sandiganbayan. And people with putoks were walking from St. Peter Parish going there and vice-versa. There were like, cmon, two rallies and the people just lakad a little and tawid bakod so that they could kain the libreng packed lunch of both rallies! Those stupid politicians. Believing that all the shoutings are true but the people with putok just want the libreng lamon.

At least I already bayad the Bayantel and I decided to lamon many lasagna and crunchy trios in the Greenwich Pizza to hupa the baha of putok when I go back.

But I had lapse in judgment again. Not only once. But twiceeeee!

So there, I lakad amidst the overflowing kili-kili powers in the overpass and I survived like any true patriot.

And pakshet, when I got home, I still felt very alone and cheated by that duwendeng Gloria. Coz I arrived home without even knowing if my ka-serendipity was just in the corner of that rally, shouting and shouting until his mouth opened 360 degrees celcius without recovery.

Hay. Por dat, I should again go to the rally in the Ayala area. Coz at least in that very plastic world of Makati, some manggagawas are dressed in long sleeves with neckties. So they are not halata that they are also pesante and living below the poverty line.

9 shouts:

The Queen of the Jail (is here!)

....Mommy!

Si Bernadette ang happy-go-lucky cellphone snatcher ng grupo. Originally written as a "fat, short, ugly, oily-faced with an obnoxious laugh" character. Pero nagbago yun lahat nung marinig ko ang tawa ni July when he auditioned sa Mintal (hindi mental). Biglang may tumunog na bulb sa ulo ko at naramdaman kong siya na nga ang hinahanap kong Bernadette.

Para kay Bernadette, masaya lang ang buhay, hindi dapat siniseryoso masyado. Alam naman niyang di siya kagandahan at wala siyang isyu sa kanyang self-esteem.
JULY JIMENEZ.
Magaling ito baklang ito. Natural. Hindi halatang first-time actor, mabilis sa adlib at siya ang taga-translate ng script into gay lingo kay Gie pag kinakailangan. Feeling ko siya na ang perfect Bernadette so di naman ako nagsisi na kailangan kong baguhin yung peg para ifit sa personality niya. Isa lang daw ang pinagsisihan ni July, yung buhok niya. Pinagupitan ko kasi siya at originally, ang gusto ko, bobcut ala Catherine Zeta-Jones sa Chicago pero sabi ng stylist na si Santi, Rihanna na lang daw.

Kaya ayun, a day before the shoot, pinagupitan ko siya ke Pidot (Mommy Paola). Saya. Naimbibe ko na ang pagiging cellphone stealer niya na halos napagpapalit-palit ko na si Bernadette na character sa July na totoong buhay, haha. Tingnan niyo ang before and after photos niya.

FROM THIS

TO THIS

Oh. Taong-tao na di ba.

MUSIC:

"Kalibangon"
Words and Music by Roman Regin Mata
Performed by Reggztheory

Roman Regin Mata - Vocals/Rhythm
Junyl Gemarino - Lead Guitar/Back-up Vocals
Donald Jims Palms - Drums
Rasheed Salipada - Bass
Jhong Rubia - Sessionist for Rhythm
Fritz Abapo - Sessionist for Drums

2 shouts:

The Long Lost Father

Pasensya. Mukhang puro TYG na yata ang bukambibig ko for the next months at hanggang showing na yata akong ganito. Kailangan lang sumelf-promote ng todo. You know. Ito ang una sa gagawin kong character series para naman makilala kahit papano ng mga utaw ang mga backstage beauties. Sa dami kasi nila, baka mapagpalit-palit pa. Color-coordinated naman sila at magkaiba ang mga hitsura pero mabuti na yung ganitong me intro-introhan.


Si Allyson ay 33-years old na. Beterana siya sa Miss Gay (MG) at medyo matanda na nga siya para sumali sa mga byukon.

Napadeport na siya sa Japan. Medyo adik sa retoke. Medyo me obssession lang naman siya sa isang di gaanong kasikatang starlet na si Adora Gracia kaya ang gusto niyang maachieve sa biyaheng Davao-Cagayan ay ang makita at makausap si Adora (na emcee sa bonggang pageant na tinatawag na "Miss Galaxy 2008"). Very modang uma-icon itong si Allyson.

Ano kaya ang mangyayari sa pagkikita nila ni Adora? Abangan.

GIE SALONGA. Si Gie ang gumaganap sa papel na Allyson. Like all the other actors sa TYG, first time rin ni Gie gumawa ng pelikula though isa na siyang beterana at magaling na stand-up comedian (catch him at Zirkoh Timog, Zirkoh Greenhils, Klownz, The Library).

Hindi bisaya si Gie kaya kailangan niyang pag-aralan ang language bago ang shoot kaya for him to speak it ng diretso sa pelikula, aba, acheb. Tagaturo niya ang mga co-actors niya kaya habang break, walang ginawa si ate kundi ang magmemorize ng linya, haha. Anggaleng nga niya eh. It takes an intelligent person para duguin ng husto sa pagbibisaya knowing na hindi mo naman ito ginagamit sa everyday life.

Nameet ko si Gie nung presscon ng 'Daybreak' sa Chokiss sa UP kaya napasali siya sa TYG. Masayang katrabaho, walang kyeme, walang arte. Actually, lahat naman ng tao sa pelikulang ito ay masayang katrabaho bilang 94% ay bakla, 3% straight men; 2% straight women at 1% halaman. He was even generous enough para ipahiram ang kanyang mga gowns, mga gamit at make-up skills para sa production. O ayan, masyado na akong nambola. Char.

Pero, totoo yun!

Eto, nafeature si Gie sa Chika Minute a few weeks back. Kapag ayaw magplay, panoorin sa link na ito.



Ang title ng kantang ginamit sa Allyson teaser ay "Naroon" by Michael Cruz. Ang kantang ito ang TYG theme at may english version pa ito. Di ba.


"Naroon"
Words by Michael Cruz and Alex Mendoza
Music by Alex Mendoza
Performed by Michael Cruz and Holen

Vocals: Michael Cruz
Guitars: Anthony Chua
Bass: Alex Mendoza
Drums: Ruz Sison

2 shouts:

Cinemalaya 2008 Winners, atbp.

Salamat sa lahat ng nanood ng "Imoral" kagabi bilang closing film sa Cinemalaya 2008. Ininclude na rin dun ang teaser ng TYG bilang panimula. Hindi ako nakapunta kasi I had to meet Jim and Nelson para pagmiting-mitingan ang media-mediahan ng mga bagay-bagay para sa TYG premiere.

Nelson Canlas, maraming maraming salamat!

Nga pala, nakaplano na rin ang DAVAO PREMIERE ng TYG sa August 30. Ikonconfirm ko within this week ang lahat-lahat tungkol sa Davao event na yan.

Balita ko andami raw tao pumunta kagabi sa "Imoral" premiere. Shala. Aba, buti naman at nagpay-off ang kahagardang pag-edit ko sa pelikulang ito (haha, Adolf) bilang sumabay ito sa TYG. Naging imoral tuloy ang buhay ko dahil diyan. Aktwali, ganito ang premise ng pelikula: si Paolo Paraiso (Dante) at si Katherine Luna (Abi) ay mag-asawa. Tapos si Arnold Reyes (Jonathan) ay baklang jowa ni Dante. At ang drama nila sa buhay ay magsama-sama sa iisang bubong at alam naman nila ang relasyon nilang tatlo. Kakaloka. Ewan ko lang kung me ganitong set-up sa totoong buhay pero meron naman daw. Sabi.

Anyway, congratulations sa lahat ng mga nanalo sa Cinemalaya:

Jay - Best Picture, Actor (Baron Geisler), Editing

100 - Best Director (Chris Martinez), Actress (Mylene Dizon), Supporting Actress (Congrats, Miss Uge!), Screenplay, Audience Award

Brutus - Jury Prize, Supporting Actor (Yul Servo), Cinematography (tied with Huling Pasada), Music (Joey Ayala)

Huling Pasada - Cinematography (tied with Brutus)

Baby Angelo - Production Design

Ranchero - Best Sound


SHORTS

Andong - Best Short Film, Screenplay

Angan-Angan - Special Jury Citation

God Only Knows - Audience Choice

My Pet - Special Jury Award (what's the difference with the Special Jury Citation?)

Mark Reyes (hooooottt...) - Best Director


Naisip ko lang kung pumasok sa Top 10 ang TYG, ano kaya mangyayari? Hmmm... Wala lang. Thinking out loud. Tsweh.

8 shouts:

The 'Thank You' Girls Premiere


Finally... the premiere night!

Hail to the queens of the backstage! First, they conquered Mindanao. Now, the universe.


Catch the premiere night of the gayest film of all, THE 'THANK YOU' GIRLS on August 28, 2008 at the UP Cine Adarna (formerly UP Film Center), 6:30 pm.

Define darkness! Char.

Written and Directed by Charliebebs Gohetia

Produced by Brooklyn Park Pictures

In cooperation with Bicycle Pictures and Alchemy of Vision and Lights

Synopsis:

TYG is a Visayan film with a gay lingo twist.

Tired of losing in all the beauty competitions in Davao City, five dysfunctional gay beauty pageant veterans decide to travel north to Cagayan de Oro City, in the island of Mindanao, with a mission to conquer the grandest competition of beauty, personality and brains in the province.

They believe that being city dwellers, gays in the province will never stand a chance against them.

And who says gay films are just sex films after all?

P.S. Full trailer coming very.... very.. very... soooonnn..

18 shouts:

Bangag mode


Habang nababangag sa kakaedit ng "Imoral" ni THE Adolf Alix starring Katherine Luna, Paolo Paraiso at Arnold Reyes (na matinding ehemplo ng kahagardang pagmamadali para maihabol sa Cinemalaya), sumasakit na ang katawan ko dahil nagkasunod-sunod na ang mga dapat gawin. Pakshet. Comatose na ang aking sekslayp.

  • Masakit ang katawan ko dahil mainit, gusto kong bumagyo dahil sira ang electric fan.
  • Masakit ang katawan ko dahil naubos na ang isang litrong pulang C2.
  • Masakit ang katawan ko dahil may bago akong crush. Na nasa likod ko habang pumipila sa Davao International Airport pabalik ng Manila, siya'y nakaitim noon at hindi niya ramdam ang presensya ko habang nilalagay ko ang aking maruruming mga tsinelas sa tray papasok ng xray machine (oo, ako ang ipinasok).
  • Masakit ang katawan ko dahil hindi ko alam kung bakit ko siya crush at bigla kong nadiskubre ang kanyang katauhan sa isang site habang sumusurf ako at nakita ko ang bidyong ito.



  • Masakit ang katawan ko dahil napansin kong isa itong serendipitous event at nalaman kong siya pala si Andrew at isa pala siyang prominenteng bloggero sa siyudad ng mga duryan at dahil pokpok mode ako ngayon at walang pakialam sa aking pagkadalagang-pilipina, perstaym kong ipaglandakang crush kita Andrew at sa susunod nating pagkikita sa mga aspalto ng Davao, umismayl ka sa akin at yayakapin kita.
  • Masakit ang katawan ko dahil Andrew, masyado kang camera shy at hindi ko pa rin alam kung bakit crush kita pero alam kong makapal ang mukha ko at iniimbitahan kitang maging date ko sa premiere night ng TYG sa Davao sa isang panahon at kaganapang hindi ko pa alam kung kailan. Kaya Andrew, wag kang matakot dahil ang infatuation na ito ay isang literal na promo runs until supply (aka bangag mode) lasts at hinding-hindi kita i-stalk. Pero Andrew, pwede mo akong i-stalk.
  • Masakit ang katawan ko dahi hindi ko alam kung paano ko hahatiin ang masarap at katakam-takam kong katawan.
  • Masakit ang katawan ko dahil nakakabuwisit ang mga taong hindi kayang manindigan sa responsibilidad kaya ikaw ay di na makakaulit sa akin. At ang aking katahimikan ay nangangahulugan ng pagsisisi at poot dahil sa tinuruan ako ng tadhana ng isang napakamahal na leksyon.
  • Masakit ang katawan ko dahil hindi na ako nakakapanood ng tv at nagkakaroon ako ng withdrawal symptoms, natanggal si Robby sa Pinoy Idol, marami akong mga conspiracy theories sa network wars, malamang mananalo ang Philippines ng Best in National Costume sa Miss Universe 2008 dahil ito ay internet voting, namatay na ang chikatime.com at iniisip ko talaga noon pa kung ano ang amoy at lasa ng esctacy, shabu at marijuana dahil hinding-hindi ko sila titikman. Magpakailanman (now defunct).
  • Masakit ang katawan ko dahil may lamig ako sa kasu-kasuhan at kailangan ko ng masahe! Potah.

14 shouts:

Masayang heggard

Andito ako ngayon sa Davao para magdubbing. Paglapag pa lang ng paglapag sa wifi city na ito, dumiretso na ako sa Alchemy para ayusin ang dubbing bukas.

Uwi agad ako ng Manila ng Monday morning. Dubbing ng mga Manila people. Huwaw. I can feel the rush.

Wag niyo ako mamiss!

3 shouts:

Kasal lang ba?



Gusto kong maniwala sa isang kwentong happy-ever-after. Katulad nga ng mga nangyayari sa mga fairy tales at soap operas, ang konsepto ng isang successful love story ay ang engrandeng kasalan sa ending, sa isang napakalaking simbahan at ang pagsabog ng mga pulang rosas.

Masayang malaman na umiebolb na ang mundo at mas malawak na ang pananaw at pagtanggap nito sa kaganapang pwede nang magpakasal ang dalawang taong pareho ang kasarian pero sa tingin ko, may mas malalim pang isyu kesa sa "fight for equality" sa gay marriage.

Mahaba, masalimuot, mapait at madugo ang pakikipaglaban ng LGBT para makamit ang karapatang ito at walang duda na ito nga ang gusto nating mangyari para sa ating mga sarili. Pero nasagi na ba minsan sa ating mga isip kung handa na nga ba tayo sa isang pagsasamang (ideally meant to be) permanent? Hindi ako eksperto sa samahan ng mga tomboy pero sa nakikita ko, ang mga relasyon nila ay mas matibay at mas nagtatagal kaya ang cynicism kong ito ay mas applicable sa mga bakla.

Hindi ko maideny na marami ring mga baklang relasyon ang nagtatagal (at may mga kilala akong couples bilang patunay, yung mga tipong umaabot ng mas higit pa sa limang taon ) pero sila ay mga rare breed sa mundo ng kabaklaan. Hindi sila ang representasyon ng kung ano ang dynamics ng gay relationships. Kumbaga pa sa ratings survey, mga 100 (or less) lang sila sa household samples na kinabitan ng metro.

Naniniwala ako na sagrado ang seremonya ng kasal at karapat-dapat lamang na maramdaman din ito ng mga bakla pero ang totoong struggle ng mga bakla ay hindi ang pakikipaglaban para sa karapatang makasal kundi ang mga pansariling laban natin sa pakikipagrelasyon at kung paano ito gawing pangmatagalan (o makabuluhan at the very least).

Ang bakla ay natural na makati at malibog, parang mga pusang umuungol sa gabing may full moon; adventurous at mahilig makipagsex sa iba't ibang tao, parang mga tipaklong sa talahiban at hindi nakukuntento sa isang katawan at putahe katulad ng isang glutton.

Karamihan ng mga baklang relasyong nakita ko ay sandali lang ang itinagal. Nagiging norm na ang pag-aaway dahil sa mga trivial at mabababaw na bagay. O hindi kaya naghihiwalay dahil biglang nafall out of love, nagkaroon ng one night stand na iba dahil hindi siya satisfied sa sexual life niya sa partner niya (or worse, trip lang talaga niya ang magpapalit-palit ng kasex). Napakasuperpisyal ng mga dahilang ito para matapos ang isang relasyon pero napakacommon niya.

Hindi pa nga umaabot ng seven-year itch, hiwalay na. Hindi pa tapos ang getting to know stage, nag-away na. Hindi pa nagkakaalaman ng apelyido, bye-bye na.

Oo, ang mga ganitong kaganapan ay nangyayari rin sa mga straight relationships pero ang bilang ng mga relasyon na nagtatagal ng isang araw hanggang isang linggo ay hindi ganun karami kumpara sa kung gaano kababaw at kabilis nagtatapos ang mga baklang relasyon.

Naniniwala ako na mas malalim pa sa gender issues at double standards ang gay marriages dahil kahit sabihin man nating makati, malibog, adventurous, mahilig makipagsex, mapusok ang mga straight, ang mga bakla ay dapat humarap sa isang napakalaking challenge na gawing mas pangmatagalan ang relasyon sa isang kapwa bakla na hindi lamang 3rd party at/o pananawa lang ang nagiging dahilan ng hiwalayan. Ang mga bakla ay hindi nabubuhay para ipattern ang ating mga life at relationship dynamics sa mga straight pero hindi ba't isang accomplishment para sa ating mga sarili at para na rin sa baklang lahi na kaya rin pala nating magdala ng matino at maayos na relasyon.

Pero paano pa masustain ang isang baklang kasal kung ang pakikipagrelasyon lang na hindi itinatali ng isang seremonya at mga piraso ng pinirmahang papel ay isa nang malaking failure? Sana huwag gawing laro ang gay marriage dahil ipinaglalaban ito ng mga taong mas naiintindihan ang importansya nito. Hindi ito pang-glamor lang. Hindi natatapos sa seremonyas o sa kilig phase lang. Hindi ito bahay-bahayan.

Ang gay marriage ay para sa dalawang taong willing na ibigay ng buo ang kanilang mga sarili para sa kanyang partner at sa pamilyang pinaplano nilang buuin dahil ang kasal ay hindi nilikha para mapanatili ang existence ng divorce. Ang kasal ay nalikha para sa isang kwentong happy ever after na pinag-eportan at pinagpagurang itayo ng dalawang taong pursigidong gawin ang mga ito.

Gusto kong maniwala na ang mga bakla ay marunong magpahalaga ng commitment at kasal para hindi naman masayang ang ganito ka-rare chance na mabigyan ng lipunan ng equal rights. Pero sa aspetong yan, mukhang malayo pa ang lalakbayin at gagawing eport ng mga bakla. Matuto muna tayong ikondisyon ang ating mga sarili sa pagpasok sa isang monogamous na relasyon bago tumalon sa isang mas mahirap na pakikipaglaban na tinatawag nating kasal.

12 shouts: