If you were trapped in an island, then you should watch...
"The 'Thank You' Girls" opens the LGBT Specials at Cinemalaya 2009 on July 18, Saturday, 9PM at Cultural Center of the Philippines Silangan Hall.
O, pano. Cinemalaya, sambahin niyo ako uli!
TYG showing at Cinemalaya '09
Published On
7/15/2009
By
Bebs Gohetia
Confrontation, too.
Published On
7/09/2009
By
Bebs Gohetia
Oo, nakita ko na siya. Ang totoo nyan, nag-usap pa kami. Ngayon, mas naiintindihan ko na kung bakit patay na patay ka sa kanya. Sa isang libo’t isang paraan o maaaring hight pa riyan, hindi ko kayang makipagkumpetensiya sa kanya. Antaas niya. Mataas na mataas.
Kaya pala gabi-gabi, hindi ka mapakali hangga’t hindi mo nasisiguradong nakauwi na siya o nakakain na ng hapunan. Anlaki siguro ng ngiti mo kapag kasama siya ‘no? Mahilig ba siya sa mga mamahaling restaurant o sa tabi-tabi lang tulad mo? Ayaw din ba niyang magbasa ng Twilight books tulad mo? Antalino siguro ng mga balitaktakan ninyo. Huwag na, ayokong sumabay kapag nagdinner kayo, baka malunod lang ako.
Sabay din ba kayong nanonood ng anime? Sabi mo, mahilig kayong mamirata ng dvd at manood ng pelikula na gustung-gusto niyong dini-deconstruct pagkatapos. Alam mo bang sa pelikula din umiikot ang buhay ko? Kahit papaano, nakakapagsulat din ako pero mas gusto mong mabasa yung mga sinusulat niya. Hinding-hindi ako magiging kasinggaling niya, sigurado.
Ano nga uli yung album na pinakinggan niyo habang nakahiga kayo sa madamong bahagi ng Sunken Garden bago bumagyo nung isang buwan? Hindi ba’t mas romantiko kapag nagpapatugtog siya ng cello habang nakikinig kang nakatingin sa langit, naghahangad na sana lagi kayong magkasama. Uy, pinapangarap ko ring makasama ka sa Sunken kaya lang busy ka palagi. Oo naman, alam ko namang uunahin mong gawin kung anuman ang gusto niya.
Hindi mo nga pala naikwento sa akin kung binigyan ka na niya ng surprise pero umabsent ka isang Lunes nung malaman mong naospital siya dahil sa sakit sa tiyan at nagulat siya paggising na puno na ng puting rosas ang kwarto niya. Minsan isang hatinggabi, sinundo mo siya sa isang inuman kung saan siya naglasing dahil namatay ang kanyang mini pincher dahil sa katandaan. Answerte naman niya. Lagi kang nandiyan para sa kanya. Sana ganyan ka rin sa akin pero mas pinili kong huwag nang sabihin sa ‘yo.
Pero ngayong sinabi ko na sa’yo, wag kang mag-alala dahan-dahan ko nang ilalayo ang sarili ko. Pero kahit noon pa, hindi ba’t andito lang ako, laging malayo sa’yo? O, wag ka nang malungkot. Ayokong nakikita kang ganyan. Anlayo ko pero tanaw kita habang tinititigan siya. Hay. Katulad din kita. Nagmamahal ng taong nagmamahal ng iba. Answerte niya, kahit ano gagawin mo para sa kanya kahit alam mong ang patutunguhan nun ay sa wala. Swerte mo nga, andito ako para pakinggan ka.
Sana kahit papano, lumingon ka rin sa akin habang nakatingin sa kanya. Katulad ng ginagawa ko sa’yo ngayon.

Confrontation
Published On
7/05/2009
By
Bebs Gohetia
Angwapo mo pala sa personal. Hindi binigyan ng hustiya ng larawan mo ang ngiting kayang magpatunaw ng isang bloke ng tawas. Pinapraktis mo ba yan? Malamang, hindi. Answerte mo naman at nasa dugo mo ang natural na kagwapuhan kaya mahalin mo ang mga magulang mo, ha. Alam mo ba na gwapo ka? Malamang, oo. Hindi ka naman magdadamit ng ganyan kaayos kung alam mong hindi mo ito kayang dalhin. Kahit basahan, sigurado akong kaya mong gawing mabango. Sa puti mong yan, magmumukha ka pa ring bagong ligo kahit isang taon kang hindi matulog. Ano nga pala ang pabango mo?
Ambata mo pa, nasa rurok ka na ng tagumpay. Mahal na mahal mo siguro ang ginagawa mo at pinagkakakitaan mo pa. Kapag nagsasalita ka sa harap ng napakaraming tao, sa isang pitik nakikinig sila sa ‘yo. Paano mo nagawang maging ganyan katalino? Sa lahat ng diskurso, pananaw mo ang nananalo. Kaya mong hilain ang mga hindi mo kapanalig. Ganyan kalakas ang karisma mo.
Nagsusulat ka rin pala. Nakakatuwa naman. Ilang love letters ba ang kaya mong sulatin sa isang araw? Hindi mo na kailangang bigyan pa sila ng mga tula, sapat na ang talinghaga ng mga ngiti mo at mapapasaiyo na sila. Sa tuwing tumutugtog ka ng cello, buong mundo natutulala. Sa susunod, lapatan mo ng musika ang mga tula mo. May paborito ka bang tinutugtog? Hindi sa tuwing nalulungkot ka dahil alam kong perpekto ang buhay mo at wala kang dahilan para hindi maging masaya.
Ilan nga pala ang alaga mong aso? Ambait mo naman. Kung sakaling gustuhin mong magkaroon ng anak, magiging mabuti kang ama. Napakabanayad mong mag-alaga, taos-puso. Mahilig ka magbigay ng surprise? Napakaromantiko. Sa simpleng pulang lobo, sa mga tsokolate, sa isang piraso ng pulang rosas, sa isang tuhog ng banana cue, sa isang pretzel o pan de coco, sa isang “I love you” note sa bill ng kuryente na ipinaskil mo sa pridyidir, binibigyan mo ng ligaya ang gising sa umaga.
Hindi nga nakapagtatakang ikaw ang pinili niyang mahalin. Oo, mahal na mahal ka niya. At hindi ko kayang punan at palitan ang malaking espasyo mo sa puso niya.

Subscribe to:
Posts (Atom)
0 shouts:
Post a Comment