Navigation Menu

Featured Post

Will be better

I broke hearts this year. They were not even aware of it because I chose to not let go even when I knew these relationships were going nowhere. I learned that it's not easy being the antagonist.

I was rewarded for my work. Twice this year. It felt good, I was validated, vindicated. I guess it's about time to ask for a fair compensation? Been a long time coming and I think it's time to get what I deserve.

This year, I experienced a creative roadblock. I struggled with writing, being a maverick, being original, being just creative. I found no inspiration, no trigger. Probably because I focused too much on waiting for my second film to push through. I felt I needed to be less hard on myself and look at wider perspectives.

I ventured on new things. New experiences and travelled to other countries. I rekindled my love for photography and still learning. I got  burned out with editing and tried line producing. It made me realize I'm good at organizing. I travelled to Hongkong and Dubai and Cebu and got me wanting for more world domination.

My 2011 plans? Anything goes. I don't make plans. Plans are bridges to failed expectations.

Twenty ten is a good year. A really, really good year. And I hope it spills over to 2011 and beyond. I just need to work harder, have more fun, stay healthy, save up for the future, overpower myself with positivity and I'll do fine. Cheers!

0 shouts:

Burj Dubai

Taken on December 16, 2010 when I went to the 7th Dubai International Film Festival.

0 shouts:

Sa bagong taon

Nagbibigay ng ngiti
ang iyong mga alaala
Ngiting walang pakiramdam
dahil kusa silang hindi maramdaman.
Abot-kamay ang iyong paglayo
Hakbang papalapit
patungo sa diwang lumilingon
Nakaratay ang paghahanda
sa sahig na naninibugho
dampi ng nakalimot
ngiti ng iniwan
alaala ng umaasa.

0 shouts:

'Coz you're ought to be alone

Taken at the Hongkong Cultural Center, November 28, 2010.

0 shouts:

By the bay, the lights glistened


Taken November 26, 2010

A night view of Hongkong Island taken from the ferry we rode coming from Kowloon. We were already feeling the Christmas season as most of the buildings there had neon lights with season's greetings. 

0 shouts:

Batchoy

My six months old samoyed.

2 shouts:

'Brod' Poster

Official Philippine theatrical premiere of 'Brod'.

Photography by Ian Felix Alquiros
Poster layout by Soleil Taguines

0 shouts:

Ikaw, Siya at ang mga Kuliglig sa Ere

"Asan ka?"

Tumawag siya sa telepono na hindi niya karaniwang ginagawa. Matagal bago mo siya sinagot, abala ka sa ibang bagay.

"Makati".

Nanonood ka ng palabas. Tinutugtog ang paborito mong musika. Ano bang meron sa musikang ito at parte na siya ng iyong sistema? Walang pasintabi, ibinaba niya ang telepono. Ibang klase talaga ang trip nun, napangiti ka na lang. Hindi ka natinag, nasa tabi mo naman ang taong nagpapasaya sayo.

Tinitigan mo ang taong nagpapasaya sayo, hinawakan ang kamay. Wala ka nang ibang mahihiling pa. Natupad na ang matagal mo nang pinangarap, nasa tabi mo na siya. Kasa-kasama mo, ginagawa ang mga bagay na dati ginagawa mo lang mag-isa. Ngayon, may kasalo ka na. Iba nga talaga ang pakiramdam na may kasama ka, kasabay na ngumiti, kasabay sa lahat. 

Hindi na mahalaga sayo kung pinagtripan ka niya, yung tumawag sayo. Mas matagal mo nga siyang kasama, matagal nang kaibigan. Pero hindi mo siya kayang mahalin katulad ng pagmamahal niya sayo. Alam mo yun. Alam din niya.

Ang hindi mo alam, siya na tumawag sayo, matagal ka na niyang pilit malimutan. Bigo siya.

0 shouts:

Thank You, FAMAS!



Yey! FAMAS  nomination for 'Dukot'. Third for this year. 

0 shouts:

Ardie

During the final casting/workshop of "Brod".

Dati siyang Basti Romero sa pelikulang 'Santuaryo'. Nagpalit siya ng screen name, ngayon gamit ang totoo niyang pangalan, Ardie Bascara. Una ko siyang nakita sa audition, sa Starbucks Morato naman. At tulad kay Kenjie, naramdaman kong nakita ko na ang matagal na naming hinahanap na Tad para sa 'Brod'.

Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Ardie ang larawang ito. Gusto ko ang pagkakuha ko nito. Nangungusap ang kanyang mga mata.

0 shouts:

Kenjie

Took this photo of Kenjie Garcia during the final casting/workshop of "Brod", the film I line produced for The Grit Project.



Kilala ko siya bilang si Antonio. Klasik na ang pelikulang yun, tatlong taon na pala ang nakaraan. Hindi ko na siya narinig pagkatapos nun, maliban sa mangilan-ngilang pelikulang sinalihan. Una ko siyang nakaharap sa audition, Starbucks UP Technohub. (Naging paborito naming lugar sa preprod ng 'Brod').  Hindi ako nastarstruck, hindi natunganga, hindi natuwa. Wala lang.

Di ko inakalang magaling siyang umarte. Sa mga unang linyang binitiwan niya, naramdaman kong nahanap ko na ang Terence para sa 'Brod'.

Hindi nga ako nagkamali ng pagpili.

0 shouts:

Brod


0 shouts:

I stand in awe of you

2 shouts:

UP Technohub



0 shouts:

Moon/Sun


0 shouts:

I, alone (love you)


0 shouts:

Auditions for an untitled indie film


The Grit Project is producing an independent feature film on love, brotherhood, and violence this October 2010. The film is written by Archie Del Mundo and will be directed by award-winning filmmaker Ray Defante Gibraltar [Wanted: Border, When Timawa Meets Delgado]. This will be line produced by film editor, screenwriter, and director Charliebebs Gohetia.

WE ARE LOOKING FOR ACTORS THAT WILL BRING TO LIFE THE FOUR MAJOR CHARACTERS IN THE STORY

TERENCE – around 18-23 years old, well built. He is a neophyte of the most prestigious fraternity in his university. Will agree to partial nudity, male-male love scene

TAD – between 20-24 years old. He is one of the masters of the most prestigious fraternity in his university. Will agree to partial nudity, male-male love scene

MICO - same age as Terence, he is Terence’s best friend. He is also a frat neophyte. Will agree to partial nudity

BOLET – same age as Tad. Tall and well built. He is the grand chancellor of Sigma Theta Omega

Please come to the auditions on SEPTEMBER 18, 2010. 1-6pm

WHERE: PIPERSTORM PICTURES OFFICE [INSIDE 88 FAB SALON]259 JP RIZAL STREET CORNER KALANTIAW STREET [NEAR 20TH AVE], PROJECT 4, CUBAO, QUEZON CITY

IF GOING BY CAR OR TAXI: -From Edsa going South, turn left to Santolan (towards Libis). Turn left to 20th Avenue then turn right to Kalantiaw then turn left to JP Rizal. Makikita agad ang salon.

IF GOING BY JEEP: - Jeep terminal is located beside Farmers at P. Tuazaon Alimall, sakay ng Project 4-20th Avenue jeep. Dumadaan mismo sa harap ng 88 Fab Salon ang jeep.

0 shouts:

Round round (baby, round round)

Loop lang ang lahat: kanta, pangyayari, alaala, ngiti.

Limang dekada na pala akong hindi nagsusulat, hindi nakapagkwento, hindi nakapag-emo. Nakatamaran lang ng mga daliri ko ang magtipa ng keyboard. Namatayan ng gana sa utak. Nawalan ng mga gustong sabihin. Narinig ko ang sarili ko at sinabing naging paulit-ulit na ako. Wala namang nagbabasa dito kaya walang mawawala.

Hindi ibig sabihin na walang nangyari. Katunayan, maraming nangyaring nakapagbigay ng halakhak, nakapangingilabot, nakakapanindig-balahibo, nakakatuwa, mga perstaym experience, mga karanasang tatatak, mga nagpaluha. Kahit sa mga pagkakataong pakiramdaman ko ay hindi naman talaga isang 'pangyayari' ay may nangyari pa rin.  [Inuulit-ulit ko ang aking sarili sa attempt na maging witty].

Kung titingnan mo ang laman ng aking iTunes, makikitang may mga kantang paulit-ulit kong pinapatugtog sa isang maikling panahon. Ebidensiya nito ang higit sa limandaang beses na 'plays' sa isang kantang pinapatugtog ko pagkatapos ng isang break-up. O ang kantang magpapaalala sa akin ng tamis ng unrequited love para sa isang kaibigan. O kantang nagpapaalala sa akin ng buhay nung high school. O ang 'evening song' loop kada hatinggabi.

Sa limang dekadang walang naganap sa buhay-blog ko, naranasan kong magkaroon at mabigong magkaroon ng tropeo, napagkatuwaan kong mag-alaga ng tuta, nagpalagay ng karayom sa kilay, nagpiga ng utak para makabuo ng mga kwentong gagawin ng iba, naranasan ang mapulitika sa trabaho, nagkaroon ng mga bagong kaibigan, nakasama ang mga dating kaibigan, naghintay ng pagkakataong magkapelikula uli, sumubok ng mga bagong larangan, iniwan at nang-iwan.

Nakapagtatakang hindi ako nagkaroon ng ganang isulat ang mga ito. At bakit nga ba? Gana-gana lang ang lahat: pagkain, pagba-blog. Isang taon ang nakaraan, ganito rin ang moda ko. Isang taon mula ngayon, ganito na naman siguro ako.

Predictable pala ako.

0 shouts:

100 Poems and a Letter (Not) About Love


1.     EXT. WIDE, OPEN SPACE. DUSK.

Palubog na ang araw, magkatabing nakaupo sina Choi, 24, at Red, 25, nakamasid sa langit, umiinom ng beer na kadalasan nilang ginagawa. Kaswal ang hitsura ni Choi, artist at expressionist ang pananamit, retro ang buhok. Mas restrained ang hitsura ni Red, tamang porma na pinaghalong classic at modern. Naglalaro sila ng “this or that”. Pipitikin kung magkaiba sila ng gusto.

CHOI
Half-filled or half-empty?

RED
Half-filled.

Pipitikin ni Choi si Red.

CHOI
Masyado ka namang optimistic.

RED
Mang-iiwan o iiwanan.

CHOI
Iiwanan.

RED
Loser.

CHOI
Kaysa makasakit ng tao di ba? Sunrise o sunset?

RED
Sunrise. With imaginary birds chirping at hamog.

Pipitikin niya si Red.

CHOI
I’m looking forward to sunset lagi. It’s hopeful.

RED
Nocturnal ka kasi. Mahal mo o mahal ka?

Babatukan ni Choi si Red.

CHOI
Putangena!

Tatayo si Choi, tatakbo palayo kay Red.

CHOI
Ang emo mo!

RED
Inunahan mo lang ako, gago.

CHOI
(offscreen) Uwi nako. Hinihintay na ako ng asawa ko.

Magmamadaling umalis si Choi. Sasakay siya ng bus or jeep. Mapapangiti. Kukuha ng bolpen at papel at magsisimulang magsulat. 

0 shouts:

Thank You, Golden Screen Awards




0 shouts:

Daybreak absconds



0 shouts:

Ikaw, Siya at ang Piso sa Tenga


“Naiwan ko kasi ang pitaka ko sa bahay”.

Nakahinga na siya ng maluwag. Ibinaling na lang niya ang mga mata sa mga taong paroo’t parito sa bahaging iyon ng EDSA at Buendia.

“Sa susunod kasi, mag-ipit ka ng pera sa bulsa”.

“Ikaw ang tagapagligtas ko ngayon. Para maiba naman”.

Hindi ka na makasagot. Tama nga naman siya. Lahat ng angas, galit o dalamhati, sa kanya mo laging sinusumbong. Wala kang ideya na ‘yun ang gusto niya: ang makinig sa’yo at pagmasdan kang parang bata kapag nagkukwento.

“Kung hindi dahil sa naiwang piso sa load ko, maglalakad ako pauwi”.

Hindi uso sa inyo ang ‘salamat’, ang mga korning linya, ang mga yakap. Bigla niyang ginulo ang buhok mo.

“Gago”. Natutuwa ka sa paraan ng pagpapasalamat niya.

Kung alam mo lang, sa’yo lang siya humingi ng tulong. Sa’yo lang niya ibinahagi ang kanyang kahinaan. At nangangarap siyang sana mapansin mo iyon.

“Una na ako”.  Hindi siya ang nasa isip mo ngayon.

“Lalandi ka na naman!” May pait ang kanyang ngiti. Nakatalikod ka na para tahakin ang daan patungo sa MRT. 

0 shouts:

Time to grow up

...Or grow old.


0 shouts:

Tale of a death romanticized


While others found sobriety in their sleep, his was a somber retreat. Four weeks passed and the shock still lingers like jawbreaker. Sour. Sad. Disbelief. How could’ve he chosen a painful death?

It was cinematic; his body hanged in front of a dim stair unwelcoming of any pity nor tears. He didn’t plan to die, not then. He had tasks to do, relationships to fix, friends to come home to, college graduation to look forward to. But he died. Maybe he was destined to. Was he able to unburden himself? Was he guilty for doing it? Was he happy? Sure, he was loved. Sympathy and condolences poured in right after and I knew he was grinning like he used to when he did something mischievous.

I was not one to question his motive. His was a broken heart that failed to pick up the debris of a fallen relationship. Maybe it was doomed from the start or he was haunted by the mistakes in the choices he made, we were not apt to judge. We were not close friends in the first place. He was an eye candy from college past, an artist who loved taking photographs and smoked at the school building’s lobby. I assumed he was a narcissist, he loved being worshipped by other men and I envied him for that.

The last I saw him, he cheefully greeted me during my film’s premiere night. That long. I remembered him smile then hugged me, hoping he was proud we knew each other. Extreme it is to say that we were estranged but sure, there was a space between. We revolved around the same orbit but somehow we didn’t manage to ride on the very axis that made us common. But still, a death is a death and I don’t want people dying just like that. I felt sorry for his wasted existence but I felt more sorry for myself who failed to explore his friendship. It wasn’t easy getting over it.

Death is not what the fairy tales of our childhood subscribe to. We aren’t even sure we’ll have our souls back after ceasing to breath. But death brings us back to the very basic foundation of life. A reflection of how we’ve lived and how we should live from now on. Did he find the solution? I don’t think so. But for me and the hundreds of other people who knew him, he taught a striking lesson that dying deserves to be feared like I always did. If he thought what he did mystified his reasons, for us whom he left behind, it gave birth to a becoming and found the strength to suck it up.

It’s really sad to think of people who die young. We know they still have more opportunities to exhaust, songs and music to listen to, places to travel to, food to enjoy, friends and family to love, a new generation to see. Living is painful. Death isn’t sweet either. We fail, we fuck up, we despair, we commit grievous mistakes, we make enemies. It’s something we have to deal with. It’s a familiar occurrence and surviving the not-so-good and miserable stuff of life becomes a habit. And therein lies the fun.

When one succeeds in choosing to die, there’s no going back. Good thing, we can’t say the same about life because there is an infinite attempt to live it better the next time around.

0 shouts:

"The 'Thank You' Girls" at the Queer Love Festival


"The 'Thank You' Girls" screening at the Queer Love Festival, ROBINSONS INDIESINE: 

Feb 18 (Thursday) at 12:00PM; 
Feb 19 (Friday) at 7:30PM; 
Feb 21 (Sunday) at 5:00PM.

0 shouts:

To the one who's never coming back

Isang repost mula sa dating blog ko, isinulat noong April 16, 2007. Nagdadrama ako dahil sa paghihiwalay namin ni Carlo. 

Hindi pa rin pala ako nagbabago.

Those hands I didn’t get the chance to hold.  Do they sweat when you’re nervous?  Lucky for your sharp knife to be wrapped around your fingers when they make love before lunchtime.  And the garlic stains that tried to get in the way to your trimmed nails.  Those hands that held the spoon that carried the food to your ex’s mouth every breakfast in bed.

Those hands.  That I didn’t get the chance to feel.  When I desperately long for a massage when days were heavy.  That could have held the soap I wished ran through my back when I was too lame to call it a day.  The softness of those hands remained a wonder.

How do you sound when you’re angry? Does your voice tremble like a child stripped of his innocence? You must sound so sweet when you’re happy.  Each time you say you were, I knew I could defy gravity just to hear that whisper, gently laid upon my empty ears.

Your voice. I never got to hear them. Such pity.

What could be the sound of shower on your fair skin?  Are they like the rustles of dead leaves that I playfully love to step on during a quiet walk along that deserted street? Your skin, I never got to feel.

And those eyes.  That I saw from somewhere the sad longing to stay away from my gaze.  The useless chants of arrows that struck them, bleeding until they see no more.  Wishing they wouldn’t see me anymore.

Your anatomy. Your whole.  I never had them.  Like the songs I never wrote but wished I had.  Or captured beauty of something that was never blinding.

There you were.  On your back, inertia of my soul.  I never had you. Like mystery.

0 shouts:

Both of us,

we were the cliche.
Were.

0 shouts:

Carlo

Someday, when rainbows aren't rainbows anymore
I'll etch your name across the sky
And all colors shall caress your loving hand
All things shine but only this metaphor can load our infinite love.

0 shouts:

Dear Bully

Ang akala ko dati, sadyang duwag lang talaga ako dahil ako ang lagi mong inaasar at paiyakin sa harap ng mga kaklase natin. Elementary pa tayo noon at hindi ko naiintindihan ang mga salitang “patience”, “oppression” at “psychotic”. Kaya inisip ko na lang na espesyal ako para sayo dahil buhay ko ang napili mong pahirapan.

Kahit ampayat mo at mukhang sakitin, walang mintis ang mga maliliit na batong tinitirador mo sa batok at ulo ko habang itinuturo ni Ma’am Coral sa atin ang phyllum at kingdom ng mga bulate at amoeba. Naiinis ako kasi hindi ako makaganti kahit gusto ko. Ang mga bukol sa ulo siguro ang naging dahilan kung bakit antalas ng memorya ko at kaya kong imemorize at irecite ang isang buong dictionary sa loob ng isang oras.

Wala akong naisip na dahilan kung bakit mo nilublob ang mukha ko sa inodoro bago ang karate class natin. Ang natatandaan ko lang, humingi ako ng isang pirasong Chippy sa crush mong si Lizette nung recess. Binantaan mo pa nga akong lunurin sa drum ng nakaimbak na tubig ulan habang pinagtatawanan ako ng mga kabarkada mo. Pinagpupunit mo ang uniform ko nun habang ipinakita sa ibang kaeskwela ang hubad kong katawan at ang hindi pa tuli kong ari. Iyon kaya ang dahilan kung bakit naging narcissist ako?

Recognition Day noon, malaki ang panlulumo ko dahil hindi nakarating sina Mama at Papa para ikabit ang medal ko bilang first honor. Pinagtripan mong itali ng mahigpit ang medal sa leeg ko at hila-hila gamit ang alambre, buong pagmamalaki mong ipinagsigawan sa buong eskwela na ako na ang papalit sa kamamatay mong alagang tuta. Gusto kong manlaban pero alam kong kapag ginawa ko yun, mas lalo kang gaganahan sa pang-aasar sa akin. Iyon kaya ang naging dahilan kung bakit nawalan ako ng pakiramdam at simpatiya para sa iba?

High school nang nagpagpasyahan ng mga magulang ko na ilipat ako sa ibang paaralan. Hindi ko maintindihan pero namiss kita at ang mga katarantaduhang ginawa mo sa akin. Naghanap ako ng ibang batang katulad mo pero lahat sila minahal ako. Wala kang naging katulad, aaminin ko. Ilang taon na rin ang lumipas at ang huling dinig ko, nagpakamatay ka raw kasi hindi mo kinaya ang buhay na wala ako sa piling mo. Totoo ngang matagal mamatay ang masasamang damo na kahit sumabog pa ang bungo mo, nagsurvive ka pa rin. Naisip kong bisitahin ka nun sa hospital kaya lang mas masaya palang mabuhay na wala ka.

Nasaan ka na ba ngayon? Sana nakahanap ka na ng ibang mapahirapan na kaya kang tiisin at pakisamahan. Sana naging kayo ni Lizette. Sana lumago ang negosyo mong pagbebenta ng tirador. Sana nagtagumpay ka sa pagiging boldstar. Sana isinauli mo ang medal ko. Sana nakarma ka at habambuhay mong titiisin ang kirot ng nabiyak mong bungo. Sana matuwa ka na hanggang ngayon, iniiisip pa rin kita at itinuturing na malaking bahagi ng kung ano man ako ngayon.

Paano ba naman. Hinding-hindi talaga kita makakalimutan dahil sa tuwing nagsusulat ako gamit ang paa ko, naaalala ko ang mga kamay kong nilagay mo sa umiikot na electric fan habang nag-i-spirit of the glass tayo.

0 shouts:

Ikaw, Siya at ang espasyo sa mga mata


“Hindi ‘ata matamis ang cotton candy nila”, inabot mo sa kanya ang sukli sa bente.

“Nilibre ka na nga, angal ka pa.” Nakangiti siya. Ngayon ka lang niya nilibre simula nung magkakilala kayo.

May hanging dumaan. Lagi na lang kayong nauubusan ng sasabihin, hindi man lang nag-uusap ang mga mata niyo. Iniiwasan ninyong magkatinginan, siguradong magkaiba kayo ng dahilan.

“Inom tayo”, hindi ka nakangiti.

Kadalasan, siya ang na-eexcite sa ganitong imbitasyon pero may kakaiba sa galaw ng kanyang mga daliri. “Tumataba na ako.”

Alam mong nagdadahilan lang siya. Matagal-tagal din kayong hindi nagkita. Dumaan ang kariton na nagbebenta ng mga walis, salamin at basket.

“Balang araw, magiging photographer din ako”, sabi mo.

“Ikwento mo naman sa akin kung paano mo siya nakilala.”

“Random lang. Sa kung saan-saan.”

Hindi na siya nagtanong pa. May kakaiba sa galaw ng kanyang mga mata. [Pakiramdam niya balewala sa’yo ang kanyang absence]. Laging may dalang drama sa buhay ang pink na cotton candy.

2 shouts:

Tips from a loser

Siguradong maligaya ka sa nakamit mong tagumpay ngayon. Sa wakas, natapos mo rin ang kolehiyo makalipas ang mga taong iginugol mo sa paglilipat ng kurso at eskwelahan. Ilang linggo o buwan mula ngayon, haharapin mo na ang pakikibaka para sa iyong espasyo sa totoong mundo. 

Huwag kang matakot. Naramdaman ko din ang agam-agam mo noong nag-uumpisa pa lang akong hanapin ang kapalaran ko. Nangamba ako noon hindi dahil kulang ako sa armas para harapin ang mga pagsubok kundi iba ang digmaan na gusto kong puntahan. Sabi ko sa’yo di ba, mas gusto kong magtayo ng banda kaya mag-Nursing. Alam ko ang hirap na pinagdaanan ni Nanay noon para maituwid lang ang pag-aaral ko kaya hindi na ako nangahas na lumipat sa ibang kurso. Swerte mo nga ngayon, dalawa na kaming tumustos sa mga pangangailangan mo.

Sa bagong mundong papasukan mo, marami kang makikilalang uri ng pagkatao. Karamihan sa kanila, hindi magiging masaya sa tagumpay mo, sa mga magagandang nagawa mo, sa maayos mong pakikitungo. Sila kadalasan ang magiging balakid upang maibigay mo sa sarili ang tiwala na dapat dala-dala mo sa bawat araw. Pilit ka nilang hatakin paibaba at bigyan mo ang sarili ng sapat na lakas para huwag magpahila. Sundin mo ang utak mo. Biguin mo sila, huwag kang padadala.

Huwag mo akong tularan. Puso lang ang sinunod ko. Naging emosyonal ako, naging mahina dahil mas ginusto kong maabot ang mga pangarap na pansarili. Napakaraming pagkakataong nakalimutan ko ang paghihirap ni Nanay at ang obligasyon na maitaguyod kayong aking pamilya. Kaya’t kahit hindi ako magkakapera, nagtayo ako ng banda. Naging masaya ba ako? Oo. Napakasaya. Ginawa ko ang lahat ng nakangiti, magaan ang loob, nag-aalab sa self-fulfillment. Sa gitna ng aking kahirapan at paghihikahos, nagkasya na ako sa isang bote ng beer bilang kabayaran para sa bawat tugtog ko. Naglakad ako pauwi, umutang ng pananghalian, ni hindi ako makabili ng bagong damit o sapatos. 

Nakikita mo naman kung nasaan na ako ngayon, hindi ba? Heto, tumatanda. Pakalat-kalat. Habang karamihan ng mga kaklase ko ay nakahiga na sa pera. Iyon ay dahil naging madiskarte sila sa buhay. Naging masikap sila. Naging praktikal. Kaya gawin mong aral ang buhay ko upang magsikap kang umangat sa buhay. Ibigay mo kay Nanay ang ginhawang inasahan niya mula sa akin na hindi ko natupad. Huwag mo akong tularan. Isa akong kabiguan. Dadating ang panahong bubuo ka ng sarili mong pamilya at siguraduhin mong maipagmamalaki ka nila. 

Masasabi ko bang nagsisisi ako? Hindi. Hinding-hindi, kapatid ko. Isa man akong pangit na ehemplo, narito ako para laging nakagabay sa’yo. Pasensiya na’t nagdadrama ako. Alam mo namang ganito lang ako kapag naikukumpara ko ang sarili sa mga yumaman nang kakiklala. Masaya naman akong maging bigo. Kaya ngayon, sa iyong pagtatapos ng kolehiyo, ihanda mo na ang sarili sa mas masalimuot na buhay sa totoong mundo. Sana nakinig ka sa mga munting payo na itinuro ko. Punuin mo ang baso ko ng beer. Isang kampay pa!

1 shouts:

Good riddance

Malawak pa ang patag na lalakbayin
Ang takot mo'ng ako lang ang nakakaalam
Gustuhin ko mang kamay ko ang iyong hawakan
Nakaantabay siya, nakangiti, nag-aabang.


Pipilitin kong ngumiti sa paghatid sa'yo...


Kasabay niya.

0 shouts:

Balik-kayod

Napaaga ang uwi ko sa Davao nung December dahil tinake-advantage ko ang promo ng PAL kaya 16 pa lang, bakasyon grande na ako. Buti na lang din kasi kumpleto uli kaming magkakapatid sa bahay sa pag-uwi ni Jimboy, yung kapatid kong nagtatrabaho sa Riyadh. Bumonding kami, naligo sa dagat, binisita ang puntod ng yumaong ama, pinuntahan ang mga kamag-anak na matagal nang di nakikita, kumain, nagpa-piktyur, nag-shopping. Nakakalungkot nga lang na kailangan niyang bumalik agad doon kasi mag-iexpire na ang visa niya noong 21.

Hindi buo ang loob ko na lumipad agad ng Davao kasi marami pa akong trabahong maiiwan at may mga party na gusto ko pang puntahan (sayang ang mga regalo at paraffle). Sinigurado kong matatapos ang edit ng pelikula ni Shandii Bacolod na “Ben & Sam” para magawa na ang sound design habang bakasyon. Nga pala, gay film (na naman) ito. Nairaos ko naman kahit papaano. 

Nabalitaan kong gagawa si Adolf (Alix) ng bagong pelikula at gusto ko sanang umepal pero hindi ko na naabutan ang shoot nila. Matagal-tagal ko na kasing hindi nakikita ang mga kasamahan ko sa production team na yun. Ginawa ko na rin ang 6-hour assembly ng bagong documentary ni Ditsi Carolino, ang “Eleksyon”, tungkol kay Abang Mabulo ng Camarines Sur. Siya yung town mayor na lumaban kay Dato Arroyo (na hindi taga CamSur) sa pagka-Congressman noong 2007 elections. First time kong mag-edit ng documentary at na-eexcite ako sa mga natututunan ko kay Ditsi. Hindi madali ang mag-edit ng documentary. Sixty tapes ang nakunan nilang raw footage. Dalawang beses ko nang pinanood ang mga yun ng isa-isa at siguradong madadagdagan pa. Sobrang ganda ng topic niya na nag-inspire sa akin ng gumawa rin ng sarili kong documentary.

Mga ilang araw bago ako lumipad, tinapos ko rin ang pelikula ni Joel Lamangan na “Familia Sagrada” kasi magpi-Premiere Night na sila ng 23. Nairaos din naman. Pangalawang pelikula ko na ‘to ke Direk Joel at masaya siyang katrabaho. 

Kababalik ko pa lang galing Davao, ang halos one-year-in-the-making indie romcom na “Fling” ni Han Salazar naman ang sinimulan kong gawin kahapon. Matagal ko nang tinanggap ang proyektong ito (July 2009 pa) kaya hindi ko maiwanan. Medyo natagalan ang production nila kaya naunahan pa siya ng iba pang mga pelikulang inedit ko [Maximus & Minimus ni Nap Jamir na naging bahagi ng CinemaOne Originals noong Disyembre].

Hindi pa tapos ang “Eleksyon” dahil marami pang prosesong pagdadaanan sa editing pero masaya akong nagawa ko na ang unang baby step. Target namin na matapos siya sa buwang ito. Sa totoo lang, dito sa pelikulang ito ako pinaka-excited dahil kakaiba at bago siya para sa akin. Maganda ang materyal at relevant siya para sa halalan sa Mayo. Pakiramdam ko, isa siyang advocacy para sa akin na gawing maganda ang pelikula para gawin itong daan hindi lang sa pagbibigay ng edukasyon sa mga taong manonood nito kundi magpapamulat sa atin sa dumi ng proseso ng eleksyon sa ating bansa. At higit sa lahat, para malaman ang naging pagkakamali nating sa pagluklok kay Gloria Arroyo bilang Presidente. Ang docu na ito ang nagpapukaw uli sa politikal na parte ng pagkatao ko.

Naramdaman ko ang pagod noong December nung magkasunod-sunod ang mga pelikula. Umaga, nasa “Eleksyon” ako, gabi sa ‘Sagrada’ o ‘Ben & Sam’. Naadik ako sa pagod, yung tipong gusto kong magkaroon ng sunod-sunod na pelikula ngayon taong ito. 

Bukod sa editing, tinatarget ko ring magkaroon ng mga screenplay projects ngayong taon dahil gusto kong lawakan pa ang sarili kong kakayahan. ‘Daybreak’ at ‘The Thank You Girls’ pa ang huli kong mga nagawa kaya habang bakasyon, piniga ko ang utak ko para sa mga konseptong gusto kong isulat at nakapagsimula na ako kahit papaano ng isa. At sana, sana, sa hinaba ng paghihintay at pagpapasensya ko, matuloy na ang paggawa ko ng “Bodega”, ang pangalawa kong full-length sa taong ito. Mind over matter. Iisipin kong magagawa na talaga siya! It shall happen. Oh, 2010 is love.

2 shouts:

Wish I Could

Binigyan ako ng chance ng kaibigan kong si Noel Ferrer na magdirek ng isang music video para sa isang up and coming artist na YM (Young Men). Duo ito nina Edgar Allan Guzman and Andrew Miguel. Nanalo si Edgar sa Mr. Pogi 2006 sa Eat Bulaga. Nameet ko na dati si Edgar sa shoot ng ‘Imoral’. nakita ni Noel si Andrew Miguel last year habang nag-audition ito para sa Cinemalaya. Siya yung bida sa video na “Freshmen”.

Shinoot namin ang video sa Manila Ocean Park. Simple lang naman ang concept at ang iniwasan lang namin ay magmukha siyang isang videoke background video na nagiging tendency ng mga OPM music videos. Well, gusto ko na dark yung konsepto at kwento pero naisip kong the venue and resources don’t call for it. Dinisapprove kasi yung una kong concept, sayang. Kapag may iba pang videos na gagawin ko, dun ko na lang i-aapply yun.

In fairness, maganda ang kanta. Nakaka-lss after. Konti lang kami sa prod, para lang kaming gumagawa ng exercise sa Film 112. Walang nanggugulo except dun sa isang grupo ng mga tao na nangungulit kay Edgar. Salaat kay Redge sa pag-iilaw, kina Chad at Ela sa pagtulong, kay Leo na nagkulay at sa mga taga-Ocean Park na nag-assist at nagpagamit sa amin ng libre sa location.



At bilang trip lang namin, gumawa kami ni isa pang version. Baklaang homo-erotic romantic version haha.



0 shouts:

Lavender ang kulay ng mundo ni Omeng

Umuwi siyang bakas pa sa alaala ang bilis ng mga pangyayari sa loob ng bus ng hapong iyon. Hindi na niya naaninag ang mga mukha ng grupo ng mga lalakeng nakakurbata pero tumatak sa kanya ang mukha ng isa sa kanila nang sumigaw ito ng ‘holdap!’. Dalawang lalake ang mabilis na itinutok sa mga naninigas na pasareho ang kanilang dalang baril at tatlo ang sabay-sabay na nanlimas ng kanilang mga gamit, selepono at pera.

Eksayted siyang umuwi noon kasi huling araw na niya sa bankong pinagtatrabahuan at kinabukasan ay papasok na sana siya bilang copywriter sa isang maliit na ad agency. Sa wakas, papasukin ko na ang daigdig na matagal ko nang gusto, sabi sa sarili habang nakatingin sa estatwa ni Ninoy sa bungad ng Corinthian Gardens. Dahil nakuha niya ang sweldo nung araw na iyon at bilang gantimpala na rin sa sarili sa matagal na pagtitiis sa trabahong hindi niya mahal, dumaan siya ng Quiapo para bumili ng kulay ubeng casing para sa kanyang selepono.

“Cellphone mo!” sigaw ng mamang may pilat sa kanang kilay.

Bago niya pa ito iabot ay kinapkap na ng lalake ang kanyang bulsa, sapatos at underwear. Pakiramdam ni Omeng, nabastos siya, hindi dahil nahawakan ang kanyang nananahimik na ari kundi sa mga isinigaw sa kanya ng holdaper.

“Ano ba yan! 5110! Magpalit ka na ng selpown!”. Itinapon pabalik sa kanya ang selepono at dinig sa buong bus ang tinurang iyon ng walanghiyang magnanakaw. Natunaw ang dignidad ni Omeng, tila ba hinubaran siya ng karapatang magmataas na kung tutuusin, mas magaling siyang magsuot ng kurbata kaysa sa maangas na mama. Galit ang nabuo sa pagkatao niya, nagdilim ang kanyang paningin at parang superhero sa mga pelikula, sinaniban siya ng kakaibang lakas upang labanan ang mga kriminal. Tagumpay siyang naging tagapagtanggol ng mga biktima.

Abot-langit ang pasasalamat sa kanya ng mga natulungan nguni’t wala na siyang mukhang ihaharap sa kanila. Hindi pa rin siya natauhan mula sa kahihiyang idinulot sa kanya ng lalakeng uminsulto sa kanya. Ang pagwawalanghiya sa kanyang iyon kung tutuusin ay tinga lang sa mga nagyari sa kanya nang umagang iyon: tumawag ang boypren niya at sinabing hindi na siya nito mahal, natapilok siya sa elevator, pinagalitan siya ng 711 cashier dahil wala silang barya sa limandaang pisong binayad niya. Pero nang dahil sa isang selepono, pinagdudusahan niya ang kahihiyang walang kapantay.

Naglakad siya pauwi, naglalakbay ang sarili. Minarapat niyang humiga sa garahe ng apartment niya para subukang buuhin ang nabasag niyang kumpyansa sa sarili nguni’t kahit ano pa ang pilit niya, wasak na ang lahat ng pinaghirapan niya. Tumayo siya at aksidenteng nasipa ang isang lata ng pinturang lavender na inilaan sana niya para sa kanyang costume sa ati-atihan.

“Ube! Paborito ko ang ice cream na ube!”

Nagliwanag ang buong mundo niya. Noon lang siya nakaramdam ng matinding saya, isang pagbangon mula sa kamamatay lang na tiwala sa sarili. At sinimulan na niyang pinturahan ang garahe. Angganda. Angganda-ganda! Tumakbo siya sa sala at nilagyan ng pintura ang mga nakakalat na libro ni Haruki Murakami, ni Charles Dickens, ni Gabriel Garcia Marquez.

Ang mga cds ng Our Lady of Peace, ang mga memorabilia ni Sharon Cuneta, ang pirmadong movie poster ni Nini Jacinto, ang mga libro ni Bob Ong na itinuring na niyang bibliya, . Ansaya. Ansaya-saya! Sinunod niya ang kusina, ang kubeta, ang mga sabong panlaba, ang limang sachet ng anti-dandruff shampoo, ang lalagyan ng gamot para sa buni at an-an, ang masikip niyang kwarto, ang mga nakadikit na mukha ni Keanu Reeves, ni Kris Allen, ni Lea Salonga, ni Madonna, ang barong tagalog na matagal niyang pinag-ipunan, ang mga rebulto ng Sto. Niño, ang mga rosaryo.

Ang alaga niyang bonsai, ang buntis niyang pusakal, ang tsinelas niyang Spartan, ang itim niyang skinny jeans, ang tshirt niyang branded, ang kanyang mga kamay, ang makinis niyang mga braso, ang kanyang leeg, ang kanyang mukha. Ang malungkot niyang mukha!

Natuwa siya’t lumabas ng bahay at sinimulang pinturahan ang kalsadang binaha, ang mga pink na bakal sa EDSA, ang mga tulay, ang MRT, ang mga urinal, ang mga bangketang nagbebenta ng piratang dvd, ang mga tindering bungal, ang mga tinderang mapagsamantala, ang mga maiingay na pasahero, ang mga bus. Ang bus, kung saan lahat nagsimula.

“Akin na ang mundo!” Wala na siyang iba pang masabi sa ganda ng kanyang obra.

Bukas, paano ako magsisimula ng bagong buhay, tanong niya sa sarili.

Nagkulay lavander ang mundo ni Omeng. Pero habang buhay niyang dala ang bagahe ng kahihiyang idinulot sa kanya ng hamak na Nokia 5110.

0 shouts:

Nakakasabaw din ang mga panaginip

Hindi ko maikilos ang mga paa ko sa di maipaliwanag na dahilan. Humahangos, naghahabol ng hininga. Nilipad ko ang bubong ng lumang bahay namin sa Davao at walang pwersang lumipad papunta sa itaas ng katabing bahay-kubo. Aswang ako nun, hinahabol ng mga hindi ko kilalang tao. Nagising akong basang-basa ng pawis, ayun naman, laway lang pala.

Isang beses napanaginipan kong isa akong ibon na nagmamasid sa malawak na sapa na lagi naming nilalakaran noon papuntang eskwela. At sa panaginip na iyon, may isang talon sa dulo. Napagpasyahan kong puntahan ang napakagandang talon at dumaan sa ilalim ng tulay. Mabilis ko raw siyang nilipad at hindi ko pa man naabot ang pupuntahan ko, sumalpak na ang mukha ko sa madilim na ilalim ng tulay. Kung anuman iyon, hindi ko na alam kasi nagising na ako.

Naging madali para sa akin ang paglipad nung naging superhero ako sa isang panaginip. Naalala kong busog na busog ako nang matulog nang gabing iyon at muli, mula sa bubong ng lumang bahay namin sa Davao, sinimulan kong lakbayin ang kalawakan. Dumaan ako sa ibabaw ng puno ng kaimito, sa mga kable ng kuryente, sa ilalim ng eroplano. At pataas. Pataas ng pataas. Anggaan ng pakiramdam ko na para bang isinilang ako para lumipad kasama ng mga ibon at ulap. Napakasarap ng pakiramdam kahit hindi ako tumira ng ruby nun, hindi ko alintana na sa totoong buhay, takot akong pumunta sa mga matataas na lugar. Sa paglapag ko sa lupa, naghihintay sa akin ang isang grupo ng mga palaka at nilamon nila ako ng buong-buo.

Isang beses naman, umakyat ako sa hagdanang yari sa kawayan. Isang napakatayog at napakataas na hagdanan. Napasarap ang akyat ko at nang napatingin ako sa pinagmulang lupa, nabitawan ko ang hagdan at parang bulak na idinuduyan ng hangin, nalaglag ako ng dahan-dahan. Naramdaman ko ang aking pagbagsak. Napakatalinghaga. May ritmo. May liriko. Kasabay noon, ang pangambang baka atakehin ako sa puso.

Naisip ko ang posibilidad na baka dating buhay ko, isa akong aswang, ibon, superhero o social climber lang. Kung bibigyan ng mas malalim na kahulugan ang mga paglipad sa panaginip ko, pinapaliwanag siguro nito sa akin na kahit anong taas ng lipad mo, babagsak at babagsak ka rin sa lupa dahil may gravity ang mundo.

Kaninang madaling-araw, sa unang pagkakataon napanaginipan kong sumisid ako sa isang napakalalim na dagat. Hindi ako sigurado kung isa akong Survivor castaway sa panaginip na iyon pero may tinuruan ako kung paano lumangoy. Ang kabalintunaan niyan, sa totoong buhay, natatakot ako sa dagat. Dahil ang dagat, nilalamon ang sinumang lumaban sa daloy ng kanyang mga daluyong. Kung bibigyan ito ng malalim na kahulugan, sinasabi nitong kailangan ko na uling magbawas ng timbang dahil kasimbigat ko na ang isa’t kalahating butanding. Nangyari ang panaginip na ito sa bagong taon. Bakit kaya ako napasisid? Ano ang mga aral na napulot ko sa mga panaginip na ito?

Hindi ko alam. Sabaw lang.

0 shouts:

Tonight, the moon is blue

Bisperas ng bagong taon din noon, una niyang naramdaman na itinadhana siya para sa isang kapalaran na naisulat para lamang sa iilan.

“Isang araw, titingalain ako katulad ng pagtingala ko sa makulay na paputok na ito”. Sumabog ang mga fireworks, iba-ibang kulay. Kumapit siya sa kamay ng inang nakangiti sa kanya – mga pagod nang kamay na nagtatawid ng kanilang gutom na sikmura sa araw-araw.

Parehong taon nung magpasya siyang makipagsapalaran sa isang hindi pamilyar na lugar – ang puntahan ng mga kaluluwang may matatayog na pangarap. Gubat na maituturing, naglipana ang mga asong handang lumamon sa mga estrangherong walang ibang bitbit kundi ang mataas na pag-asang mahahanap nila roon ang nakatakda para sa kanila.

Nahanap nga niya, sa prosesong hindi naging madali (at tanging ang kalangitan lang ang may batid ng lahat). Kung para sa iba na hindi naniniwala sa kakayahan niya ay nasa patag pa lang siya gayundin para sa ibang walang malay ng kanyang pinagdadaanan ay nasa tuktok na siya, nahanap niya ang sarili na nakatayo sa gitna ng talampas na iyon. Matagal na rin siyang nakadikit doon at nakamasid sa malawak na espasyo ng lupa habang nakatitig ang maliwanag na buwan na sadyang nagparamdaman sa ikalawang pagkakataon upang isambulat ang magiging katuparan ng kanyang tadhana.

Nagbalik-tanaw siya sa nagdaang taon. Naghatid ba ito ng saya sa kanya? Ng dalamhati? Ng pagkabagot sa paghihintay ng mga hindi dumating? Ng pagdaramdam? Masyado ba siyang naniwala sa mga hula? Naisip niyang panahon na upang gumawa ng mga hakbang para sa pag-angat ng sarili niya.

“Walang ibang gumagawa ng tadhana kundi ang sarili”.

Marami siyang pinapangarap maabot. Napapangiti siya tuwing naiisip niya ang mga iyon.

0 shouts: