Navigation Menu

Featured Post

Thank You, Golden Screen Awards




0 shouts:

Daybreak absconds



0 shouts:

Ikaw, Siya at ang Piso sa Tenga


“Naiwan ko kasi ang pitaka ko sa bahay”.

Nakahinga na siya ng maluwag. Ibinaling na lang niya ang mga mata sa mga taong paroo’t parito sa bahaging iyon ng EDSA at Buendia.

“Sa susunod kasi, mag-ipit ka ng pera sa bulsa”.

“Ikaw ang tagapagligtas ko ngayon. Para maiba naman”.

Hindi ka na makasagot. Tama nga naman siya. Lahat ng angas, galit o dalamhati, sa kanya mo laging sinusumbong. Wala kang ideya na ‘yun ang gusto niya: ang makinig sa’yo at pagmasdan kang parang bata kapag nagkukwento.

“Kung hindi dahil sa naiwang piso sa load ko, maglalakad ako pauwi”.

Hindi uso sa inyo ang ‘salamat’, ang mga korning linya, ang mga yakap. Bigla niyang ginulo ang buhok mo.

“Gago”. Natutuwa ka sa paraan ng pagpapasalamat niya.

Kung alam mo lang, sa’yo lang siya humingi ng tulong. Sa’yo lang niya ibinahagi ang kanyang kahinaan. At nangangarap siyang sana mapansin mo iyon.

“Una na ako”.  Hindi siya ang nasa isip mo ngayon.

“Lalandi ka na naman!” May pait ang kanyang ngiti. Nakatalikod ka na para tahakin ang daan patungo sa MRT. 

0 shouts:

Time to grow up

...Or grow old.


0 shouts: