I stand in awe of you
Published On
9/29/2010
By
Bebs Gohetia
Auditions for an untitled indie film
Published On
9/15/2010
By
Bebs Gohetia
The Grit Project is producing an independent feature film on love, brotherhood, and violence this October 2010. The film is written by Archie Del Mundo and will be directed by award-winning filmmaker Ray Defante Gibraltar [Wanted: Border, When Timawa Meets Delgado]. This will be line produced by film editor, screenwriter, and director Charliebebs Gohetia.
WE ARE LOOKING FOR ACTORS THAT WILL BRING TO LIFE THE FOUR MAJOR CHARACTERS IN THE STORY
TERENCE – around 18-23 years old, well built. He is a neophyte of the most prestigious fraternity in his university. Will agree to partial nudity, male-male love scene
TAD – between 20-24 years old. He is one of the masters of the most prestigious fraternity in his university. Will agree to partial nudity, male-male love scene
MICO - same age as Terence, he is Terence’s best friend. He is also a frat neophyte. Will agree to partial nudity
BOLET – same age as Tad. Tall and well built. He is the grand chancellor of Sigma Theta Omega
Please come to the auditions on SEPTEMBER 18, 2010. 1-6pm
WHERE: PIPERSTORM PICTURES OFFICE [INSIDE 88 FAB SALON]259 JP RIZAL STREET CORNER KALANTIAW STREET [NEAR 20TH AVE], PROJECT 4, CUBAO, QUEZON CITY
IF GOING BY CAR OR TAXI: -From Edsa going South, turn left to Santolan (towards Libis). Turn left to 20th Avenue then turn right to Kalantiaw then turn left to JP Rizal. Makikita agad ang salon.
IF GOING BY JEEP: - Jeep terminal is located beside Farmers at P. Tuazaon Alimall, sakay ng Project 4-20th Avenue jeep. Dumadaan mismo sa harap ng 88 Fab Salon ang jeep.
Round round (baby, round round)
Published On
9/11/2010
By
Bebs Gohetia
Loop lang ang lahat: kanta, pangyayari, alaala, ngiti.
Limang dekada na pala akong hindi nagsusulat, hindi nakapagkwento, hindi nakapag-emo. Nakatamaran lang ng mga daliri ko ang magtipa ng keyboard. Namatayan ng gana sa utak. Nawalan ng mga gustong sabihin. Narinig ko ang sarili ko at sinabing naging paulit-ulit na ako. Wala namang nagbabasa dito kaya walang mawawala.
Hindi ibig sabihin na walang nangyari. Katunayan, maraming nangyaring nakapagbigay ng halakhak, nakapangingilabot, nakakapanindig-balahibo, nakakatuwa, mga perstaym experience, mga karanasang tatatak, mga nagpaluha. Kahit sa mga pagkakataong pakiramdaman ko ay hindi naman talaga isang 'pangyayari' ay may nangyari pa rin. [Inuulit-ulit ko ang aking sarili sa attempt na maging witty].
Kung titingnan mo ang laman ng aking iTunes, makikitang may mga kantang paulit-ulit kong pinapatugtog sa isang maikling panahon. Ebidensiya nito ang higit sa limandaang beses na 'plays' sa isang kantang pinapatugtog ko pagkatapos ng isang break-up. O ang kantang magpapaalala sa akin ng tamis ng unrequited love para sa isang kaibigan. O kantang nagpapaalala sa akin ng buhay nung high school. O ang 'evening song' loop kada hatinggabi.
Sa limang dekadang walang naganap sa buhay-blog ko, naranasan kong magkaroon at mabigong magkaroon ng tropeo, napagkatuwaan kong mag-alaga ng tuta, nagpalagay ng karayom sa kilay, nagpiga ng utak para makabuo ng mga kwentong gagawin ng iba, naranasan ang mapulitika sa trabaho, nagkaroon ng mga bagong kaibigan, nakasama ang mga dating kaibigan, naghintay ng pagkakataong magkapelikula uli, sumubok ng mga bagong larangan, iniwan at nang-iwan.
Nakapagtatakang hindi ako nagkaroon ng ganang isulat ang mga ito. At bakit nga ba? Gana-gana lang ang lahat: pagkain, pagba-blog. Isang taon ang nakaraan, ganito rin ang moda ko. Isang taon mula ngayon, ganito na naman siguro ako.
Predictable pala ako.

Subscribe to:
Posts (Atom)
2 shouts:
Post a Comment