Navigation Menu

Featured Post

By the bay, the lights glistened


Taken November 26, 2010

A night view of Hongkong Island taken from the ferry we rode coming from Kowloon. We were already feeling the Christmas season as most of the buildings there had neon lights with season's greetings. 

0 shouts:

Batchoy

My six months old samoyed.

2 shouts:

'Brod' Poster

Official Philippine theatrical premiere of 'Brod'.

Photography by Ian Felix Alquiros
Poster layout by Soleil Taguines

0 shouts:

Ikaw, Siya at ang mga Kuliglig sa Ere

"Asan ka?"

Tumawag siya sa telepono na hindi niya karaniwang ginagawa. Matagal bago mo siya sinagot, abala ka sa ibang bagay.

"Makati".

Nanonood ka ng palabas. Tinutugtog ang paborito mong musika. Ano bang meron sa musikang ito at parte na siya ng iyong sistema? Walang pasintabi, ibinaba niya ang telepono. Ibang klase talaga ang trip nun, napangiti ka na lang. Hindi ka natinag, nasa tabi mo naman ang taong nagpapasaya sayo.

Tinitigan mo ang taong nagpapasaya sayo, hinawakan ang kamay. Wala ka nang ibang mahihiling pa. Natupad na ang matagal mo nang pinangarap, nasa tabi mo na siya. Kasa-kasama mo, ginagawa ang mga bagay na dati ginagawa mo lang mag-isa. Ngayon, may kasalo ka na. Iba nga talaga ang pakiramdam na may kasama ka, kasabay na ngumiti, kasabay sa lahat. 

Hindi na mahalaga sayo kung pinagtripan ka niya, yung tumawag sayo. Mas matagal mo nga siyang kasama, matagal nang kaibigan. Pero hindi mo siya kayang mahalin katulad ng pagmamahal niya sayo. Alam mo yun. Alam din niya.

Ang hindi mo alam, siya na tumawag sayo, matagal ka na niyang pilit malimutan. Bigo siya.

0 shouts:

Thank You, FAMAS!



Yey! FAMAS  nomination for 'Dukot'. Third for this year. 

0 shouts:

Ardie

During the final casting/workshop of "Brod".

Dati siyang Basti Romero sa pelikulang 'Santuaryo'. Nagpalit siya ng screen name, ngayon gamit ang totoo niyang pangalan, Ardie Bascara. Una ko siyang nakita sa audition, sa Starbucks Morato naman. At tulad kay Kenjie, naramdaman kong nakita ko na ang matagal na naming hinahanap na Tad para sa 'Brod'.

Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Ardie ang larawang ito. Gusto ko ang pagkakuha ko nito. Nangungusap ang kanyang mga mata.

0 shouts:

Kenjie

Took this photo of Kenjie Garcia during the final casting/workshop of "Brod", the film I line produced for The Grit Project.



Kilala ko siya bilang si Antonio. Klasik na ang pelikulang yun, tatlong taon na pala ang nakaraan. Hindi ko na siya narinig pagkatapos nun, maliban sa mangilan-ngilang pelikulang sinalihan. Una ko siyang nakaharap sa audition, Starbucks UP Technohub. (Naging paborito naming lugar sa preprod ng 'Brod').  Hindi ako nastarstruck, hindi natunganga, hindi natuwa. Wala lang.

Di ko inakalang magaling siyang umarte. Sa mga unang linyang binitiwan niya, naramdaman kong nahanap ko na ang Terence para sa 'Brod'.

Hindi nga ako nagkamali ng pagpili.

0 shouts: