Navigation Menu

Featured Post

Showing posts with label poetry. Show all posts

Paghihiwalay

"Kikitilin ko ang paraiso,
Dagok sa ating pagkatao",
banta ng ibong matayog.
"Dadampi ako sa 
lupa at ibabaon ang puso",
bulong ng hangin sa ibong nagdadabog.

Doon

Nakikiramay ang pulang bulak
Na dumadampi sa pisngi
Ng mapanuksong buwan.
"May lilisan, may lulutang!", kanyang sambit.
Nahulas ang sapa,
Tumiklop ang gubat,
Isang siglo 
Ang haba ng aking
Pagmamasid.

Kumot ng tag-lamig

Ihanda
ang mga balang labis,
Ang liriko 
na talukbong ng hinagpis.

Tanging-likod

Sundan ang koro ng mga halik,
Sa wasiwas ng mga dahong nagdiriwang,
May naghihintay
Sa umaasang mga mata.

Aninag

Siya'y nangungulila sa ulap;
Nagbabadyang hagkan
Ang buwang
Tangan ng kawalan.

Sa bagong taon

Nagbibigay ng ngiti
ang iyong mga alaala
Ngiting walang pakiramdam
dahil kusa silang hindi maramdaman.
Abot-kamay ang iyong paglayo
Hakbang papalapit
patungo sa diwang lumilingon
Nakaratay ang paghahanda
sa sahig na naninibugho
dampi ng nakalimot
ngiti ng iniwan
alaala ng umaasa.

Carlo

Someday, when rainbows aren't rainbows anymore
I'll etch your name across the sky
And all colors shall caress your loving hand
All things shine but only this metaphor can load our infinite love.

Lagi na lang ganito

Hindi lahat ng taong hinihintay, dumadating.
Hindi lahat ng dumadating, para sa'yo.

Adik

Naghintay ako ng sobrang tagal pero hindi ka dumating.
At ngayong dumating ka na,
hindi kita sasalubungin.

Adik pala ako sa paghihintay.

Blink

image
captured,
ignored,
nothing.
scent,
sweet cologne.
two holes
digged
on pimpled,
white cheeks.
together,
snubbed!
senses weak,
music,
danced.
loves
somebody
else,
who cares?
fall.
resist.
knew i did.
three
long
days.
through.
blink,
like seconds,
gone.
see you
soon
somewhere.
blank.

Sa pagtalikod ng iyong maputing likod

I'll find him.
Or he'll find me.

Dahil du'n

lilipad ako
dahil wala akong pakpak.
ngingiti ako
dahil wala akong angas.
katulad nila
dahil hindi sila ako.
nguni't ako sila.

Popular Posts

Instagram

Follow @ bebsisms