Navigation Menu

Featured Post

Crossroads

So, we shot a film funded by the Commission on Population (POPCOM), tackling youth issues in the era of internet and social networking: early pregnancy, drugs, dealing with parents, among others. Starring Felix Roco, Joseph Bitangcol, Mercedes Cabral, Sue Prado, Aleera Montalla, Hannah dela Guerra, Natasha Cabrera, Johann Alcantara, Christian Rainier Veron and Zoe Sandejas.

Heard we'll be having a school launch and a theatre launch next week. POPCOM is not planning to release this in the commercial theatres, though. Here's the trailer:



2 shouts:

The natural phenomenon of madness - Official Poster


0 shouts:

Ligo na U Lapit na Me (Full Trailer)



Karl Vladimir Lennon J. Villalobos, aka Intoy, is secretly in love with his friend Jenny, the most beautiful girl in the campus.  Jenny is rich and quirky;  Intoy is street-smart and ordinary.  But this friendship is not simple, since Jenny has bestowed on Intoy some perks and privileges, including going to bed with her on the condition that they will not fall in love with each other.  Before graduation, Intoy feels that he has to shed his pretensions of being astig and finally profess his love for Jenny.   But he is devastated to learn that Jenny is pregnant.  Worse, Jenny tells him:  “Don’t worry, this is not yours.”  Based on the bestselling novel of Eros S. Atalia,  Ligo na U, Lapit na Me is an examination of postmodern love and relationship and the way this generation deals with their love and fear. 

CAST:  Edgar Allan Guzman and Mercedes Cabral.  Also starring Mel Kimura, Simon Ibarra, Tolyts “Shalala” Reyes, Evelyn Vargas, Beverly Salviejo, Malouh Crisologo, Jojo Saguin, Joseph Bitangcol, Lucky Mark Mercado, Joe Vargas, Christian Tan, Ian Lazibal, Alex Tiglao, Ardie Bascara.  Introducing Victor Medina.  Special Guest Appearance of Luis Alandy.  

PRODUCTION: Story-Eros S. Atalia, Screenplay-Jerry B. Gracio,Cinematogaphy-Alfred F. Hernando, Production Design-Angel Balangon Diesta, Editing-Charliebebs Gohetia, Musical Score-Monet Silvestre, Sound Design-Ditoy Aguila and Junel Valencia, Assistant Director-Lyan L. Suiza, Line Producer-Charliebebs Gohetia, Production Managers-Remar Mallari and Maxie Evangelista III, Executive Producer-Noel D. Ferrer,Director-Erick C. Salud.


SCREENING SCHEDULE

16 July/Sat, 1:30PM at the Greenbelt 3 - Cinema 5
17 July/Sun, 3:30PM at the Bulwagang Pambansang Alagad Ng Sining (CCP MKP Hall)
17 July/Sun, 6:15PM at the Tanghalang Huseng Batute
18 July/Mon, 3:30PM at the Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theatre)
19 July/Tue, 6:15PM at the Tanghalang Huseng Batute
20 July/Wed, 4:00PM at the Greenbelt 3 - Cinema 5
21 July/Thu, 9:00PM at the Tanghalang Nicanor Abelardo (CCP Main Theatre)
22 July/Fri, 6:15PM at the Bulwagang Pambansang Alagad Ng Sining (CCP MKP Hall)
23 July/Sat, 12:45PM at the Tanghalang Aurelio Tolentino (CCP Little Theatre)
24 July/Sun, 11:00AM at the Greenbelt 3 - Cinema 5

1 shouts:

Ligo na U Lapit na Me (Teaser)

So ang mabentang libro ni Eros Atalia ay isa nang ganap na pelikula, official entry sa New Breed section Cinemalaya Independent Film Festival ngayong taon. Prodyuser si Noel Ferrer na prodyuser rin ng 'Daybreak', isinulat ng Palanca-winner na si Jerry Gracio (Muli, Astig) at idinirek ni Erick Salud na siyang nagdirek ng mga tv shows na katulad ng Mutya at I love Betty La Fea.

Unang sabak ito ni Erick sa pagdidirek ng pelikula (kaya nga New Breed, eh) at naatasan ako bilang Line Producer at Editor ng pelikula. Bida rito sina Edgar Allan Guzman bilang Intoy at Mercedes Cabral bilang Jenny.


Ang librong ito ay isa palang kulto.

0 shouts:

Trailer - The Natural Phenomenon of Madness

Second film, baby! Three years passed since TYG was made, I'm back. Been a long time waiting and it's off to a good start. It will compete in the NETPAC section of Cinemalaya 2011. It will have three screenings, two at Greenbelt 3 and its gala at CCP. 

I miss the feeling of watching my film on the big screen. It's an accomplishment and a validation, something that reminds me to give myself a pat on the back.


Here's the trailer.







MADNESS schedule:


17 July/Sun 1:30PM Greenbelt 3 - Cinema 3

21 July/Thu 9:00PM Tanghalang Aurelio Tolentino (Little Theatre)



23 July/Sat 9:00PM Greenbelt 3 - Cinema 5 (talkback)


Unfortunately, I don't have any idea how much the tickets will be. See you there!

2 shouts:

Hi, crush

Teka lang. Nanginginig ako. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko. Para akong high school na di pa natutuli, nauutal, nawawalan ng bayag.

Matagal na akong hindi kinikilig ng ganito.


Ikaw nga ang pruweba na torpe ako. Leche naman kasing pagbibinata na 'to.

0 shouts:

Black Madness


Nae-excite lang ako. Kating-kati na akong sabihin na magku-compete ang pelikulang ito sa NETPAC ng Cinemalaya ngayong July. Ito ang synopsis:


Two years after she was raped, a woman agrees to meet with her rapist in the beautiful ruins of Intramuros. As they have the same blood type, her rapist asks her to donate blood for his operation claiming this will lengthen his life and will give him ample time to seek redemption. The woman refuses to do so as she rediscovers she is still a victim of unrequited love towards her rapist. Told in two separate perspectives, the story revolves around how the woman and man pick the pieces of their broken lives after the rape, meeting every so often at places that remind them of their past. They are confronted by the fact that they are both victims of each other: THE WOMAN struggles with loving no one but the man; THE MAN, struggles with his guilt knowing he can't love the woman the way she wants him to.

Kailangan nang tapusin. Kailangan nang gumawa ng trailer. Kailangan nang ayusin. Malakas ang kutob ko sa kabaliwang ito.

0 shouts:

White Madness

After three years, nakagawa na uli ako ng sariling pelikula. Eksayted. Hindi ko alam kung ano ang i-eexpect mula sa sarili ko. Initially, gusto ko lang gumawa ng sobrang kakaiba at extreme sa TYG. Gawa-gawa lang itong teaser poster. Minimal at walang arte. Itim at puti. Parang unrequited love.


0 shouts:

Windmills of your mind

Ilocos Norte, June 15, 2011

0 shouts:

Ikaw, Siya at ang Patlang na Walang Guhit

"Psst!"

Nakita ka niyang naglalakad mag-isa sa isang kapehan kung saan tumatambay ang mga pasosyal sa may Araneta Center, Cubao. Gulat siya pero hindi ka sigurado kung naaaninag mo pa rin ang ningning sa mga mata niya. Hindi rin siya sigurado kung ano ang sasabihin niya.

Matagal na kasi kayong hindi nagkikita, halos isang taon na mula noong may pinasabog kang balita tungkol sa sarili mo. Sino ba ang unang lumayo? Siya o ikaw?

"Saan ka pupunta?" tila isang template na tanong, filler sa isang album na walang magandang kanta, program plug sa tv show na walang commercial, anghel na dumaan sa hangin.

"Diyan lang." Kikitain mo ang boypren mo. Halos isang taon na rin pala kayo. Mabilis ang panahon. Alam niyang masaya ka.

Umupo ka sa tabi niya, hindi niya inasahan yun. Ipinakilala sa mga bago niyang kaibigan. Wala kayong maisip na pag-usapan. Bakit  nga ba hindi na tulad ng dati na lahat ay pwede ninyong maging tampulan ng diskusyon, hindi na kailangan ng bente-singko sentimos para tumunog na parang juke box, wala nang gatilyo para lumabas ang bala ng baril, walang pagitan.

Simula noong nagka-boypren ka, wala na kayong naging tulay, nag-iba na ang mga mundo ninyo. Hindi niyo lubos maisip na sabay kayong umiyak noong nagbuhos ka ng problema sa kanya halos isang taon na ang nakaraan.

"Alis na muna ako, text mo ako kung nasaan kayo pagkatapos niyo magkape."

Tumango lang siya. Natakpan kaya ng usok ng sigarilyo ang ngiti niya? Tinahak mo na ang daan patungo sa kung saan naghihintay ang boypren mo. Hindi ka lumingon, hindi ka niya hinabol ng tanaw. Hindi na kayo tulad ng dati. Wala ni isa sa inyo ang nakakaalam kung bakit.

"Saan kayo banda?" text mo sa kanya isang oras ang nakalipas.

"Dito, inuman sa may Araneta Center."

Wala na siyang natanggap na reply mula sa'yo.  Hindi ka na niya kinulit o tinanong kung hahabol ka pa ba. Umuwi siyang lasing. Umuwi ka na sakay sa kotse ng boypren mo.

0 shouts:

Not so gloomy Sunday

Hindi ba't laging Linggo ang nagpapaalala sa atin sa mga kanta ng ating kabataan?

"It Must Have Been Love" ang pinapatugtog sa radyo nung araw na 'yun. Radyo ng kapitbahay. Hindi na kasi ako nakikinig ng radyo magmula nang mamatay ang aso ko dahil sa isang pangkaraniwang sakit. Sinisi ko ang radyo noon dahil bente-kwatro oras akong nakababad sa pakikinig ng mga programang nagbabasa ng mga sulat-karanasan ng mga tagapakinig na dumaan sa hagupit ng pag-ibig.   Naaalala ko ang sabi ng kaibigan ko, 'that song will never be the same again'.  Nalaman ko na lang na ang kantang iyon ang laging pinapatugtog habang sumasayaw ang paborito niyang macho dancer sa gay bar na tambayan niya tatlong beses sa isang linggo.

Tahimik tayong kumakain ng bagoong, hapon ng makulimlim na Linggong yun. Maalat na ulam para sa malungkot na kaning lamig. Nakasanayan na nating kumain ng lampas sa oras kapag Linggo. Tinatamad kasi tayong kumilos at mas gusto nating mag-aksaya ng oras sa paglalaro ng jakenpoy pagkagising natin sa tanghali.

Ang mga tunog ng mga aligagang kutsara't tinidor lang ang kaulayaw ng kantang pang-gay bar. Kakaiba ang ere sa bahay. O hindi ko lang napansing dalawang buwan na pala tayong hindi nag-uusap kahit tungkol man lang sa mga bagay na wala namang kabuluhan sa buhay o relasyon natin. Madalas naman nating pinagtatawanan ang mga mabababaw na bagay noon.

Mga kwento mo tungkol sa panonood mo sa boss mo habang nangungulangot sa opisina, ang nakikita mong mga batang kalye na nagpapabilisan sa pagjajakol sa harap ng Jollibee, ang mga dahilan mo kung bakit ayaw na ayaw mong manood ng news, ang paghahalintulad mo ng buhay mo sa isang soap opera. Lahat ng iyon, kahit paulit-ulit mong ikwento sa akin noon, napagtitiyagaan kong pakinggan at di ako nabigong maaliw.

Hindi ba't nagsimula ang katahimikan sa apat na sulok na ito nung hinawakan ko ang kamay mo nung iniiyakan mo ang hindi na pagtawag sayo ng fuck buddy mo na nakilala mo lang sa barbikyuhan sa kanto. Marahil nagulat ka kasi di mo inasahan ang pagdampi ng mga kamay ko o kahit inasahan mo man, hindi mo pinangarap ang bagay na yun.

Isang segundo at inalis ko na ang pagkahawak ko sayo pero binago nito ang pakikitungo natin sa isa't isa. Hindi mo na ako matingnan sa mata, pinipili mo na lang ang mga bagay na kinikwento mo sa akin, ang pagbibigay mo ng opinyon tungkol sa pulitika at showbiz, ang mga drama mo sa buhay.

Kumakain tayo nun, magkaharap nguni't parang hindi nakikita ang isa't isa. Matagal akong nagmuni-muni, nagtimbang, nag-ipon ng lakas ng loob. Gusto ko kasing magtanong, linawin at basagin ang anumang meron o wala tayo. Wala nang nangyayari sa relasyon na 'to.

"Teka, anong relasyon?"

Mahaba-habang usapan ito.

0 shouts:

The Moro Leader






From Tribu Tangyan.
Taken during the 9th Bantayan Festival Tribal Dance Competition in 
Guimbal, Iloilo. April 16, 2011

0 shouts:

This is Sequence 14



MAN
Whatever happened to us?


WOMAN
We've grown.

0 shouts:

The natural phenomenon of madness


SEQ. 26.     EXT. PUBLIC PLAYGROUND. DAY.

The woman is on the swing, doing the origami fortune teller when the man arrives. She plays with it (Adlib).

WOMAN
Pinapatawad na kita.

The MAN seems relieved. The woman takes out the check from her bag.

WOMAN
Ito ang kailangan mo, hindi ang dugo ko.

MAN
Ang gusto ko lang naman maipakita sayo na nagsisisi na ako.

WOMAN
Death will both set us free.

MAN
How can I change your mind?

WOMAN
Mahalin mo ako.

The man becomes bewildered. The woman holds the man’s hand, attempts to kiss him but the MAN starts to leave.

0 shouts:

Bantayan Festival

Bantayan Festival, now on its 9th year, is an annual celebration in Guimbal, Iloilo to pay homage to the heroism of Christian natives of Guimbal who fought against the Moros who frequently attacked and captured natives then sold them as slaves in Kolambogan, Mindanao. During the 17th century, the natives thought of securing their area for defense and built bantayans or watchtowers originally made of bamboo and were later built out of huge blocks of stones. Today, three bantayan structures still exist in the area.

I was invited by good friend Ray Gibraltar to mentor and judge in their Indie Film Festival, part of the Bantayan Festival celebration. This indie festival, a brainchild of then Guimbal Mayor and now Iloilo Vice-Governor Richard Garin, aims to promote their municipality's talents as they make films with Guimbalanon filmmakers, staff, actors and must use the Karay-a dialect.

It was a fun stay in Guimbal with fellow filmmaker EJ Salcedo, director of Third World Happy starring Sam Milby (which will be exhibiting at the Jeonju International Film Festival this May) who also mentored Directing and Production Design for the "kids".

Some pictures of the Tribal Dance competition featuring 33 baranggays in the Municipality divided into 9 tribes.





0 shouts:

Best foot forward

At Malibay, Pasay City. February 21, 2011

0 shouts:

'BROD' Official Trailer

Official trailer of the first film I line produced for my own outfit, The Grit Project. It premiered at the 12th Cinemanila International Film Festival last December 8, competing in the Digital Lokal category. Starring Kenjie Garcia (Ang Lihim ni Antonio), Ardie Bascara (formerly Basti Romero of Santuaryo), renowned theatre actress Marife Necesito (Mammoth), Xeno Alejandro (Roxxxanne), Jess Mendoza (Ben & Sam).

Upcoming indie actors Nick Guila (theatre actor, Orosman at Zafira), Patrick Esteban (Hinala), Paul Jake Paule (theatre actor, 2010 Aliw awardee), Mehdi Gohlami (tv, All about Adam) complete the ensemble of cast, directed by award-winning director Ray Defante Gibraltar (Timawa at Delgado, Wanted: Border). Being a married heterosexual, he expressed his interest in directing a gay love story so I opened up the possibility of me producing a project about gays in the fraternity.

I think this film came out pretty well. I must say, Palanca-winner John Teodoro's poetry made the film interesting. With haunting music by Monet Silvestre. Yeah, famed mentor in Pinoy Dream Academy, I had goosebumps when I finished watching the film. Seriously. And this is his first full-length, believe it or not. I'm proud of this film.

'BROD' will be shown in Manila theatres on February 16, 2011, a post-Valentine treat for gays and straights alike. Trust me, this one transcends beyond a gay love story. Love is bittersweet, eh?



0 shouts:

Man-made

Taken on December 16, 2010 at the Dubai International Film Festival venue.

0 shouts:

Dusk

Taken on January 23, 2011 along Katipunan Avenue.

0 shouts:

Noir

Taken on Dec. 8, 2010.

0 shouts:

Tired at the office

Taken on January 21, 2011, MRT Quezon Avenue Station.

0 shouts:

Threesome

Taken on January 20, 2011.

0 shouts:

Endless dream

Taken on January 19, 2010 along Shaw Boulevard.

0 shouts:

We were hungry like that

Taken on January 17, 2011, past midnight.

While finalizing the edit of "Señorita", a film I was working on for more than three months. Significantly, hunger bugged me at a time I decided I feel like I'm getting fat and should start losing weight. And what a way to start it with junk food at midnight. 

Hunger makes me cranky and discipline is boring.

0 shouts:

Hindi ito liham ng pag-ibig

"Please give me a chance to love you, too." 

Hindi mo alam 'to pero pinagtawanan ako ng kaibigan kong si Ferdie nung marinig niyang sinabi mo sakin to. Napangiti ako, oo. Pero hindi ako yung tipong nagpapapahalata ng saya o gulat o kilig. Mahigit apat na taon na pala mula nung sinabi mo sa akin ang mga katagang yun. Naalala ko lang at napapangiti pa rin ako. 

Ayoko kasing simulan ang liham na 'to sa "Dear Carlo". Hindi naman kasi ako mail-order bride. Alam mo namang lahat ng ginagawa ko, gusto kong gawin sa kakaibang paraan. Kadalasan, sa kagustuhan kong mapaiba, nagiging korni at predictable na yata ako. Hindi na nakakatuwa. Sa tuwing nakikita ako ni Ferdie o kahit maka-text man lang, lagi niyang pinapaalala ang linya mong iyon at sa tuwina, namumula ako. Parang teenager na namumukadkad, nababalisa at nagkakataghiyawat. Tumatak nga ang pick-up line mo.

Sa tuwing tinatanong kita kung bakit mo ako mahal, lagi mong sagot 'hindi ko alam'. Dapat nga ba akong matunaw o mag-alala? Inaasahan kong sasabihin mo na mahal mo ako 'kasi umuutot ka sa harap ko nang walang paalam, kasi pinipilit mo akong kumain ng gulay,  kasi natatawa ka kapag sinasabi kong amoy matanda ang repolyo, kasi hinahayaan mo akong lumabas kapag Sabado, kasi pinapatawa mo ako sa mga hirit mo, kasi pinagtitiyagaan mo ang ugali ko, kasi jologs ka.' Ang sabi mo lang, mahal mo ako dahil ako ito. Yun lang at napapakalma na ako kahit kadalasan, hindi ko alam ang ibig sabihin ng 'ako ito'.

Halos limang taon. Hindi ko na maalala ang bawat detalye ng mga buwan, linggo, araw, oras, minuto, segundo ng iyong paglubog, paglitaw, pagseselos, pamamaalam, pagyakap, paghalik, pagtawa, pakikinig, pagsuporta pero lahat ng yun, nakaukit na sa sistema ko at katawan ko na ang kusang naghahanap sa presensya mo. Sa lahat ng tagumpay, nandyan ka para makisaya kasama ko. Nakikidalamhati sa tuwing nabibigo, ibinibigay ang balikat sa bawat panibugho, nakinig sa lahat ng angas.

Isang salamat lang ba ang maaari kong sabihin sayo? Malamang hindi. Dahil kulang pa ang isang salita na mamumutawi mula sa aking mga labi. Dahil sa bawat sandali, lagi kong ipinagpapasalamat ang pagkakataong ibinigay ko para sa ating dalawa. Dahil wala nang hihigit pa sayo. Dahil wala nang hihigit pa sa pagmamahal mo.

0 shouts:

Like snakes they cuddled

Taken January 5, 2010 on a cold, rainy afternoon.

0 shouts:

Queen Orchid

At a neighbor's garden in Davao, taken January 5, 2011.

0 shouts:

The outsider is in

Taken on December 16, 2010 at the Dubai International Film Festival Film Market.

0 shouts:

Innocence is not a choice


My cousin's one-month old son. Taken on January 2, 2011

Oh, birhtday blues.

0 shouts:

Eleven

Taken while inside the taxi on December 16, 2010.

Just like the Burj Khalifa, the world's tallest building, located in Dubai, I will reach for the sky this 2011. It shall happen.

0 shouts: