Navigation Menu

Featured Post

Showing posts with label emo. Show all posts

I deserve to cry



The night you left was the night I found what I wasn't looking for. How could I have lost myself when I have everything I needed when I was with you anyway? On the night you decided to never look back where I stood frozen, I didn't wish to go back to where we used to be. The silence was enough and everything made sense - when time was ours to waste, we didn't give each other a chance.

The farther you walked away from me, my tears were the ones that screamed the loudest. I knew I deserved to cry because you bore no regrets, you had no remorse, I didn't die inside.

I want to write about you



In silence I have loved you. It’s always been hard for me to tell you this because I am not always sure about myself. For the most part, I am afraid. I am afraid you will never look at me the same way. I am afraid that I will never see you again and that would cause me to die impatiently. I am afraid to live with the truth that you will never feel the same for me and it will haunt me for the rest of my life. It is this fear that kept me breathing when I chase you in my dreams.

I love you still. It is the same feeling since the day I saw the misery in your eyes on the day he said goodbye to you. I vow to do this in this lifetime. Even in the next, perhaps.

In silence I have loved you. This is what I can only do – write about you.

Pagbabagong-Anyo Ng Hindi Bago

Lagi mong hinihintay ang pagbubuo ng bilog na buwan nguni't sa tuwing lumalabas ka para silipin ito, kalahating bilog lang ang naglalayag sa malapad na espasyong pinaglalaruan ng mga pinagmumulan ng liwanag na naaabot ng tanaw, hindi ng kamay.

Bilog kasi ang buwan noong huli kayong magkita. Hindi mo na maalala ang pinag-usapan ninyo, ang dahilan ng malulutong ninyong tawanan.  Ang totoo niyan, ang tanging naaalala mo lang ay ang alingasngas na naramdaman mo habang kasama siya, pinipilit ang sarili na tawanan ang mga hirit niya at nagbabakasaling bumuka ang langit sa mga sandaling iyon para magbuhos ng limpak-limpak na pangungusap na bibenta sa'yo. Bakit nga kaya siya ang pinili mong gustuhin?

Hindi naman kayang sagutin ng buwan ang lahat ng tanong mo. Nariyan lang siya para bigyang liwanag ang daan sa tuwing umuuwi kang pumapatak ang luha dahil nalaman mong may bago na naman siyang boypren. O samahan kang magmasid sa pinakamalayong bahagi ng maingay na dagat sa tuwing nakikinig ka sa hagulhol niya dahil may lalaki na namang nadagdag sa listahan ng mga nang-iwan sa kanya. Bakit nga ba ikaw ang pinipili niyang sumbungan?

Ikaw ang tagabigay, siya ang tagatanggap. Siya ang nagsasalita, ikaw ang nakikinig. Siya ang hindi mapakali, ikaw ang nakalatag. Ikaw ang nagmamasid, siya ang hindi lumilingon. Dalawa kayong naghahanap pero hindi kayo pwedeng magtagpo.

Bakit nga kaya siya ang pinili mong gustuhin? Takot ka man, sinagot mo ang sarili mo. Bakit nga ba ikaw ang pinipili niyang sumbungan? Takot man siya, sinagot niya ang sarili niya.

Hindi na nagpakita nang buo ang buwan pagkatapos noon. Siguro nga, natatapos ang mga bagay-bagay na hindi na kailangan pang pag-usapan. Sabay na lang kayong tumalikod at hindi na lumingon pagkatapos. Wala nang mahabang usapan, wala nang alaala na dumadaan sa kamalayan. Ang tanging natatandaan mo na lang ay ang pakiramdaman nu'ng sabay ninyong buuhin ang parte ninyo para sa isa'tisa nguni't kahit ito, tulad ng bilog na buwan, ay unti-unti na ring nawawala.

Lagi mong hinihintay ang pagbubuo ng bilog na buwan dahil alam mong wala namang pagmamahal na natatapos. Nagbabago lang ito ng anyo.

Popular Posts

Instagram

Follow @ bebsisms