Lagi mong hinihintay ang pagbubuo ng bilog na buwan nguni't sa tuwing lumalabas ka para silipin ito, kalahating bilog lang ang naglalayag sa malapad na espasyong pinaglalaruan ng mga pinagmumulan ng liwanag na naaabot ng tanaw, hindi ng kamay.
Bilog kasi ang buwan noong huli kayong magkita. Hindi mo na maalala ang pinag-usapan ninyo, ang dahilan ng malulutong ninyong tawanan. Ang totoo niyan, ang tanging naaalala mo lang ay ang alingasngas na naramdaman mo habang kasama siya, pinipilit ang sarili na tawanan ang mga hirit niya at nagbabakasaling bumuka ang langit sa mga sandaling iyon para magbuhos ng limpak-limpak na pangungusap na bibenta sa'yo. Bakit nga kaya siya ang pinili mong gustuhin?
Hindi naman kayang sagutin ng buwan ang lahat ng tanong mo. Nariyan lang siya para bigyang liwanag ang daan sa tuwing umuuwi kang pumapatak ang luha dahil nalaman mong may bago na naman siyang boypren. O samahan kang magmasid sa pinakamalayong bahagi ng maingay na dagat sa tuwing nakikinig ka sa hagulhol niya dahil may lalaki na namang nadagdag sa listahan ng mga nang-iwan sa kanya. Bakit nga ba ikaw ang pinipili niyang sumbungan?
Ikaw ang tagabigay, siya ang tagatanggap. Siya ang nagsasalita, ikaw ang nakikinig. Siya ang hindi mapakali, ikaw ang nakalatag. Ikaw ang nagmamasid, siya ang hindi lumilingon. Dalawa kayong naghahanap pero hindi kayo pwedeng magtagpo.
Bakit nga kaya siya ang pinili mong gustuhin? Takot ka man, sinagot mo ang sarili mo. Bakit nga ba ikaw ang pinipili niyang sumbungan? Takot man siya, sinagot niya ang sarili niya.
Hindi na nagpakita nang buo ang buwan pagkatapos noon. Siguro nga, natatapos ang mga bagay-bagay na hindi na kailangan pang pag-usapan. Sabay na lang kayong tumalikod at hindi na lumingon pagkatapos. Wala nang mahabang usapan, wala nang alaala na dumadaan sa kamalayan. Ang tanging natatandaan mo na lang ay ang pakiramdaman nu'ng sabay ninyong buuhin ang parte ninyo para sa isa'tisa nguni't kahit ito, tulad ng bilog na buwan, ay unti-unti na ring nawawala.
Lagi mong hinihintay ang pagbubuo ng bilog na buwan dahil alam mong wala namang pagmamahal na natatapos. Nagbabago lang ito ng anyo.

0 shouts:
Post a Comment