People are raving about TYG! Char.
- Jinggoy Salvador, SunStar Davao
“Watch it because of its original style, freshness, no-stereotype content and real catch of real scenes. It is a good film by story, but blockbuster by style. So, watch it!”
- http://pykmps.multiply.com
“A movie you must, must, must watch. It’s fun, funny, and light-hearted with some moments na nagmo-moment. The movie is full of LOL moments, especially the “question and answer portion” of the pageant. It’s not just for the badets, it’s for everybody.”
http://riajose.wordpress.com/
“I love it so much that I can define darkness now. I just love the film so much that I would want everyone in the world to watch it.”
- http://baklaako.com
“Never laughed so hard at a movie in a long time. The great part of this film was how natural the dialogue was. The witty exchanges felt right at home as if we’ve worn red satin gowns everyday of our lives. Totally laugh-out-loud moments for us and the audience. Loved each of the characters and their plight in life and in love. The actors’ performances were right. Great editing. The pace and energy of the film were infectious. The soundtrack was also very chika bibo.”
- http://paderewski.wordpress.com/
Despite the absence--but not completely--of revolting display of flesh and over dramatic and tired bleak and violence, this one will be taken seriously for its hilarity. From the opening scene, the director succeeded in making his audience forget that the world outside is drowning in its own tragedy. Watch na keyo! Go as in G-O-W!!!
- http://bananachoked.blogspot.com/
“Hilarious and out of this world… The movie offers a chockful of insights on a gay person’s life. It is a light material for some but to those who are struggling to show their “true” colors, this is a must see.”
- http://dramaqueen.davaobloggers.com
“Maganda ang topic at hindi siya seasonal: mga gay beaucon joiners na ang tawag pala sa kanila e "thank you girls" kasi lagi silang natatalo o hindi nakakaabot ng first place. Premise pa lang, panalo na! The acting was good, the lines are witty and funny, lalo na yung nagpapraktis sila ng mga QnA portion while traveling.”
- http://leaflens.multiply.com
“Magaling, magaling, magaling! Ilang beses akong napahagalpak! Kakatawa siya ha! Nakakaaliw ang mga lines. Bentang-benta! At halatang pinag-isipan! Clap, clap, clap!”
- http://princhechafiona.blogspot.com
“Of all the indie films I have watched, I should say that was among my favorites. The music is so good and purely Dabawenyo… I first thought they were songs from Manila or of a foreign band.”
- http://lurins.twistedrumbeats.com
“Funny and interesting. What made it nice is how the movie defined each "beauconera's" desire to be a queen because of the sense of self-achievement next to money. It shows how a backstage looks like during such pageants that most people are not aware of.”
- http://galavantiator.vox.com/
“Beyond its comedy is honesty and seriousness. Would I recommend it to you? Of course yes!”
- http://melbeckham.blogspot.com
Year of reaping
Biggest blessing ko ang pagkakaroon ko ng break to do my first full length film. Kaya sobrang maraming salamat kay Jim for that. Anlaki ng utang na loob ko sa kanya pati na rin sa mga taong tumulong ng walang pagdadalawang-isip para mairaos ko sia. I did TYG kasi marami akong gustong patunayan sa mga pipol who made my life quite not so good in 2007 at sa tingin ko, naitulay ko ang mensaheng gusto kong sabihin sa kanila. Naprove ko na ang point ko at masaya na ako dun.
Pero hindi pa tapos ang mga bagay-bagay dahil marami pang iikutan ang TYG kaya nung 2008, medyo nagtanim lang ako at namuhunan. Sa 2009, alam kong pipitasin ko na ang mga bunga ng mga pagod at sakripisyo naming mga bumubuo sa pelikula. Ang tanging purpose na tapusin ang pelikula para lang iprove ang aking sarili ay nag-expand na sa mas malawak na mga bagay-bagay katulad ng paniniguradong marami ang makakapanood nito, dito sa Pinas at sa labas ng bansa. Kaya maganda ang magiging bungad ng taon dahil sa wakas, maipapalabas na rin kami sa Indiesine (January 21). And TYG’s good fate is just starting, nararamdaman ko.
This year, first time ko rin maexperience ang kakaibang high at naramdaman ko kung paano maging star. Char. Ito yung blessing na never ko inambisyon at inexpect. January pa lang, nalaman ko nang nominated ako sa Asian Film Awards. Hindi pa nagsisink-in sa akin kung gaano kabigat yun, hanggang ngayon. Andun ang mga stars ng Asya at big deal siya sa Hongkong. Naramdaman kong maging celebrity dahil angganda ng treatment nila sa amin, sobrang first class accommodation, libre pamasahe, sarap ng mga pagkain at pinaramdam sakin, importanteng tao pala ako, har. Ang point ko lang pala, ansarap ng makapunta sa ibang bansa ng libre.
Pangarap ko ang magka-URIAN dati. At nung nanominate ako, aba, grabeng sobrang heaven. Di man ako nanalo, feeling winner na rin. Never sa buhay ko rin inisip na magkaroon ako ng pagkakataon na magtrabaho sa GMA News and Public Affairs pero ansaya ko dahil nakapagdirect ako ng isang episode ng Case Unclosed. Wow. May isang tv episode na ako. Dati, lalabas lang ako na mainterview sa isang dokyu, masaya na ako. Ito, ginawa ko pa. Ayun tuloy, medyo nabuhay na naman ang pangarap kong bumili ng sarili kong tv station at ang pangarap kong maimpluwensiyahan at baguhin ang tv viewing habit ng mga Pinoy.
I grew up thinking na hindi ako marunong magsulat. Nung binigyan ako ng opportunity to write Daybreak, nag-alangan ako kasi matagal ko nang iginive up ang katotohanang bopol akong magsulat. Pero nagawa ko siya. Nagawa ko at natuwa ako sa resulta. Kaya ko rin pala. Sana this year, maging legitimate writer na ako. Feeling jetsetter din ako kasi pabalik-balik ako ng lipad sa Davao. Kadalasan, umuuwi lang ako once a year pero this year, ginawa ko lang siyang Cubao and I got to stay ng matagal-tagal kaya tuwang-tuwa ang nanay ko. At ang matagal ko nang pangarap na mailagay ang picture ko sa newspaper ay natupad na. Philippine Daily Inquirer at Mindanao Times at that. Sosyal. And last year din, nagkaroon nako finally ng matagal na matagal ko ng pangarap na macbook pro, si Briccio (derivative: Daybreak.. Break.. Briccio). Ansaya!
I gained friends last year. Ang mga taong hindi ko close dati, close ko na ngayon. Ang mga personalities na nababasa ko lang sa newspaper dati, close ko na rin. May mga taong hindi ko pa nakikita na naging friends ko rin. At last year, naramdaman kong tumaba ako. Ng sobra. Lalo na during the last quarter nung nagtagal ako sa Davao at kain lang ako ng kain. Hay, ansaya ng buhay.
Sana magpatuloy pa ang ganitong moda this year and I’m looking forward to doing more films, gain more friends and travel more. Soon. Nararamdaman kong it is a better and more fun year. Go Ox!
Unjust censorship
I was a bit surprised when MTRCB gave TYG an R-13 rating last year. I was actually hoping for PG-13. Wala akong nakikitang ka-R-R sa TYG. Hindi na rin ako pumalag. At least, hindi R-18. Mas lalong
A few weeks ago, nakakuha ng double X-rating ang “
Minsan naman kasi, double standard ang Board. Kapag Hollywood film, kahit gaano kalupit sa violence at profane language at super erotic love scenes, hindi nila ini-X. Ang pinakamataas na nilang binibigay dito, R-18. Hindi ko na ikikiwestiyon ang RATIONALE ng mga bagay-bagay dahil subjective ang depinisyon ng “violence” at “pornography” at kahit batas natin, hindi ganun ka-absolute ang mga pagtatakdang kahulugan sa mga salitang ito. Ayoko rin ikwestiyon ang pagtatalaga sa isang grupo ng mga tao bilang “guardians of morality” dahil talagang nakakatawa ang titulong yun at tulad ng terms na “violence” at “pornography”, hindi absolute ang pagiging “guardian of morality”.
Anyway, andito ang trailer ng “Aurora”. Sa January 19 sa UP Cine Adarna, magkakaroon ng special screening ng pelikula at kayong mga manonood na ang bahalang humusga kung ito nga ay karapat-dapat sa double-X rating na ipinataw dito. Kitakits!
TYG showing na!! FINALLY.
Anyway, eto na. Finally. At finally, ipapalabas na ang "THE 'THANK YOU' GIRLS"! Andyan sa gilid ang trailer o di kaya, pumunta sa website http://thethankyougirls.com.
Robinsons Indiesine, January 21-27, 2009. Hay. Hatak naman kayo para me manood ng pelikula. Ayos? Char.
Sampung puting rosas
Ambilis pala ng mga nangyari. Hindi ko namalayang nalunod na pala ako sa kumunoy ng mga ngiti mo, ng mga kwento mo, ng ingay mo. Ganun pala yun. Hindi mo iispin na dadating ang isang tao sa'yo at talagang nandyan siya na hindi man lang kakatok o magdoorbell. Bubungad na lang siyang parang advert sa isang porn site.
Di ba nga, nakasimangot ka pa sa akin nung una mo akong nakita. Di ba nga, ang kaluluwa ng alak ang nagtali ng mga pusod natin para maglakad sa iisang mundo at kabit-kabit na buhay-buhay. Di ba nga, maingay ka. Di ba nga, walang pakundangan ang pagbukas ng ating mga sarili sa isa't isa. Di ba nga, nandoon na tayo. Di ba nga, nagtago tayo. Di ba nga, nagulantang tayo. Di ba nga, nabilisan tayo sa mga pangyayari pero sumakay tayo na kapit-kamay para hindi mahulog o mabangga. Di ba nga, sabay tayong lumipad.
Naalala mo pa ba yung isang puting rosas na inilagay mo sa bag ko habang nakalingat ako. Dinagdagan mo pa nga ng siyam yun. Oo, binilang ko. Binilang ko hanggang hindi ko na kayang magbilang dahil pati ang mga talutot nito, gusto kong pitasin para ilatag sa mesang pinagkainan natin at ibalik sa oras na tayo'y aalis. Naalala mo ang barbikyu? Masarap sila, gaya nung panahong nagkukwentuhan lang tayo ng mga bagay-bagay na nakakatawa at kahit anuuman ang nangyari sa iyo sa nakaraan, masaya nating binaybay ang katotohanang kaya ko rin pala na hindi magpanggap.
Ang ikli lang pala ng panahon natin. Hindi pa ako nakahinga mula sa gulat ng pagtatagpo natin, nagising akong lumabas ka na ng pinto nang di ko naririnig ang mga yapak mo. Wala ka na pala. Ang alam ko, hindi ako nanaginip at lalong hindi ako namalikmata.
Naalala mo pa ba ang oras? Ambilis niyang lumipas. Ambilis niyang dumaan. Ambilis niyang bumisita. Parang pinagtripan niya lang ako at dinala ka niya sa akin para sabihing "nangyayari ang mga aksidenteng pagtatagpo". Binilang ko siya. Binilang ko hangga't hindi ko na maintindihan kung ano ang mga nangyari, kung paano nangyari at bakit nangyari. Binilang ko hangga't hindi ko na alam kung ibabalik ka pa niya sa akin o hindi.
Mabuti pa pala ang hangover, kung minsan, hindi ka iniiwanan. O ang peklat, kasi panghabambuhay. O ang balakubak, dahil nangungulit sila para balikan ka. Ang oras, hindi. Ikaw kaya?
Nga pala, andyan pa ang sampung puting rosas. Nakandusay. Matamlay. Ibang-iba sa mga ngiting naramdaman ko mula sa kanila nung iniabot mo sila sa akin sa gitna ng mga nagsasalpukang bote ng beer at barbikyu. Nalulungkot rin siguro sila dahil walang kasiguraduhan kung masisilayan ka pa nila. Sana, makapaghintay pa sila sa iyong walang kasiguraduhang pagbabalik. Tulad ko.
Asian Festival of First Films

“Ashkamanchatsekwenshelebenchar Charliebebs Goheeey-shaa?”, sabi niya.
“Yeee”.
“Kimealencheraputeluwagaribotushepbalimawarof email hutyeporeswadashipbuliteramidch your film The ‘Thank You’ Girls kirlopenshlakicht nominated”.
Bumagting ang tenga ko sa salitang “nominated” dahil the rest of the sentences, di ko na naintindihan.
“Okay, I will just check my email”, sabi ko, excited.
“Okay, thank you”.
Umuulan. Sumi-cinematic yata ang langit nang mga panahong yun.
“Congratulations! Your film “The ‘Thank You’ Girls” is nominated for Best Cinematography/Editing in the 2008 Asian Festival of First Films in Singapore to be held on December 4-10”.
Huwaw. “Albert [yung Cinematographer], congrats!”, sabi ko sa sarili ko. “Congrats, self”, sabi ko uli sa sarili. Napaisip ako, bakit kaya pinagsama nila ang dalawang categories? Weird lang. Naalala ko na sinubmit pala ni Jim, producer ng TYG, ang pelikula para sa festival na ‘to. Nagpadala agad kami ng mga kinakailangan nilang data mula sa mga nominees.
Cut to.
Tinanong nung coordinator kung ang Cinematographer ba ay first-timer. Malamang hindi. Nakapag-Lav Diaz na nga yun e. E ang editor, tanong niya uli. Malamang hindi rin.
Ang festival pala ay para sa mga first-timers. Pero hindi ba’t ang first time ay kino-consider usually kung ito ay first film ng isang director. But no. Kailangan, first time din ito ng kung sinuman ang nominated sa mga categories. So dapat, first time actor ka, first time director, first time producer, first time cinematographer/editor (pinagsama) at iba pa. Hindi rin kasi masyadong malinaw yung rules nila, akala namin, qualified kami dahil first film naman siya.
Ang ending. Nirevoke ang nomination namin. Hindi raw kasi kami virgin sa pelikula e. Sayang.
Pero ok lang yun. At least, nakakuha uli ng validation ang pelikula kahit papano. Pampalubag-loob sa sarili.
Blogger templates