Navigation Menu

Featured Post

Unjust censorship

I was a bit surprised when MTRCB gave TYG an R-13 rating last year. I was actually hoping for PG-13. Wala akong nakikitang ka-R-R sa TYG. Hindi na rin ako pumalag. At least, hindi R-18. Mas lalong malabo yun.

A few weeks ago, nakakuha ng double X-rating ang “Aurora”, ang bagong pelikula ng kaibigang Adolfo Alix, Jr. (kumpleto!). Hindi ko pa napapanood ang buong pelikula kaya hindi ko masasabi kung bakit ganun katindi yung rating na binigay ng MTRCB but knowing Adolf, hindi naman siguro ganun kagrabe ang kung anumang censorable scenes sa pelikula.

Minsan naman kasi, double standard ang Board. Kapag Hollywood film, kahit gaano kalupit sa violence at profane language at super erotic love scenes, hindi nila ini-X. Ang pinakamataas na nilang binibigay dito, R-18. Hindi ko na ikikiwestiyon ang RATIONALE ng mga bagay-bagay dahil subjective ang depinisyon ng “violence” at “pornography” at kahit batas natin, hindi ganun ka-absolute ang mga pagtatakdang kahulugan sa mga salitang ito. Ayoko rin ikwestiyon ang pagtatalaga sa isang grupo ng mga tao bilang “guardians of morality” dahil talagang nakakatawa ang titulong yun at tulad ng terms na “violence” at “pornography”, hindi absolute ang pagiging “guardian of morality”.

Anyway, andito ang trailer ng “Aurora”. Sa January 19 sa UP Cine Adarna, magkakaroon ng special screening ng pelikula at kayong mga manonood na ang bahalang humusga kung ito nga ay karapat-dapat sa double-X rating na ipinataw dito. Kitakits!


2 shouts:

The Dork One said...

i can't believe how prude our board of censor is

hayzzzz

kaloka

Anonymous said...

ganun talaga sila.. powertrippers.

Instagram

Follow @ bebsisms