Biglang allegated
Published On
6/29/2008
By
Bebs Gohetia
Aba, nagising na lang ako isang umaga (aktwali, hapon, dahil nga baligtad itong body clock ko) na magiging bisi-bisihan ako this week, more than the usual. Iiedit ko ang bagong pelikula ni Adolf na heggard mode dahil kailangan matapos in time for Cinemalaya. Oo, may konsepto si Adolf ng pagko-quota ng isang pelikula kada buwan, haha.
Ibig sabihin, konting breather from TYG which is not necessarily malaking espasyo dahil simula Tuesday ay audio mixing na kami. Wednesday at Thursday ay dubbing days. Konti lang naman, mga bakol (buckle) moments lang at ibang mga karagdagang dialogues at singit. Which reminds me kailangan ko nang isulat ang mga dapat isulat. Go utak. Go work.
Tapos uuwi pa ako sa Davao by Friday para magdub naman dun. Sayang at haggang Monday lang ako dahil kailangan ko na umuwi para mafinal mix na ang mga bagay-bagay.
I'm meeting up Nono later to check if nakagawa na siya ng score. And the most fun part? Ang pagfinalize ng mga kanta para sa soundtrack. Pili dito, pili doon. Saya. Gusto ko kasi mixture of Visayan, Tagalog and English songs ang magiging soundtrack. Hankyut kasi.
So far, eto na yung mga songs na parte ng pelikula:
Naroon by Michael Cruz. Ito ang magiging TYG theme. Ito ang kantang laging kinakanta ni Macario, yung character na walang talent pero mahilig magitara at kumanta.
Churvaloo by Haphazard. Oo, ito ang chur chur, mega mega chur chur song na nasa . Sana matuwa ang mga manood kung paano ito ginamit sa pelikula. Kebhhheeeerrrrr..
Paghihintay by Roxymorrons. Very catchy song from the Roxys. At dahil magaling ang bandang ito, marami silang mga kanta na ipifeature sa TYG tulad ng Gunita, Anywhere, Christmas R&R at Boom. Wooh. Dami. AB! Gawa na tayo ng bidyo hehe. Happy berdey nga pala Roxys!
Crown Me Queen by Chris Uy. He responded dun sa isang article ni ginawa ni Chris Fabian (salamat Chris!) sa Mindanao Times tungkol sa aking paghahanap ng mga kanta para sa TYG. Ayun, ginawa niya talaga ang kantang ito para sa pelikula. Very upbeat-upbeatan and nice. Bagay talaga sa mga thank you girls. Crown me queen!
Kalibangon by Reggztheory. Banda mula sa Davao ang Reggztheory. Parte sila ng isang rock wave sa Visayas and Mindanao na tinatawag nilang bisrock. Bisayang rock. Tungkol sa mga natatae ang kantang ito. Pero walang toilet humor ang TYG, ha. Kakatawa kasi ang lyrics. Metaphoric? Ewan. Baka. Haha. Meron rin silang isa pang kanta na kasali, yung Saliva.
Kampay by Kampai. Ang bandang ito ay minamanage ni Nestor (oii, idol) at katunog nila ang Kala. Magaganda ang mga kanta nila and currently they're recording songs for their debut album.
Ayaw na by Campus Mate. Bisrock band naman sila galing Cebu.
Exasperation by Chui Sulit. Si Chui ay isang talent mula sa Davao. Magandang mabagal na kanta.
May mga kantang bisaya pa hinihintay ko na lang ang "oo" mula sa mga bandang hiningian ko ng permiso.
Kapag natapos na ang official site ng TYG, ilalagay namin doon ang bio ng mga bandang ito at siguro mga 30-second samples ng mga kanta nila. These unsigned bands deserve to be given their break lalo na ang mga bisrock bands.
Mukhang for the next two weeks, mawawalan na naman ako ng social life nito pero go lang. Kung saan lulunurin ng daluyong, sasabay lang ako. Natutuwa ako't bisi-bisihan ang mga buhay-buhay. At finally, by that time, tapos na talaga ang TYG.
At sa mga naghihintay kung kailan talaga ipapalabas ang pinakabaklang pelikula sa lahat ng mga baklang pelikula, abangan na lang ang isiset na final date. Dadating dito next week ang aking butihing prodyuser na si Jim at mapag-uusapan na namin lahat ng iskedyul. May mga balak pa kasi kami sa pelikula na sa ngayon, hindi pa pwede ireveal.
In the meantime, mag-abang-abang na lang muna sa 24 Oras at baka sakaling swertehing ifeature uli kami sa Chika Minute tulad ng ginawa kay Gie noong Friday. Huwaw. Chikaaaa Minute!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 shouts:
madam, welcome nga pala sa vlogshfot... mavuhey!!!
pakipost na rin yung mario maurer pic mo. inggit ako sayo 'dun. i hate you!
charness...
nyahahaha. salamat! wonga no?
slurpee mario maurer! waaah.
Post a Comment