Bagot, buraot, hikab
Published On
11/18/2008
By
Bebs Gohetia
Ito na ang rurok ng aking pagkabagot. Hindi ko pa natatapos isulat ang "Bodega". In fact, nasa sequence treatment pa ako at wala akong inspirasyon. Pakshet. Pero kailangan ko na siyang matapos. Pero wala akong inspirasyon. Kailangan gandahan ko siya. Pero wala akong inspirasyon. Wala akong drive. Hindi pa ako marunong magdrive. Wala akong driver's license. Pakshet. Amburaot. Wala akong gana. Gusto ko ng bagong lugar. Bagong hanging malalanghap. Gusto kong maglandi sa Hongkong. Sa Bangkok. Sa Tokyo. Bagong putahe naman. Nakakasawa na rito. Napaka-homogenous na ng mga narsisong hipon. Akala mo kung sinong magagaling. Akala mo kung sinong matatalino. Akala mo kung sinong gagwapo. Akala mo kung sinong perpekto. Ulul. Pakshet, ang tv, di pa gumagana ang picture. Audio lang. Naging radyo tuloy ang mga kaganapan. Make me laugh! Nasaan na ang mga alipin kong madalas akong pinapatawa sa mga sandaling gusto kong mambalahura ng pagkatao? Wala akong ganang kumilos. Ayokong maghugas ng plato, ayokong magsulat, ayokong bumili ng pagkain, ayokong maglaba, ayoko sa mga makukulit, ayokong magmahal. Gusto ko ng kalaro. Mali. Gusto ko ng mapaglaruan. Yung iiyak kapag iniwan ko, yung bibigyan ako ng flowers at tsokolate kapag hindi ko inaasahan tapos itatapon ko sa mukha niya kasi trip ko lang tapos gusto niya pa rin ako kahit ganun. Yung lalandiin ako kapag nginitian ko tapos idadump ko lang. Gusto ko ng ganyang laruan. Gusto ko ng kadate na maghihintay sa akin kahit isang oras na akong late at siya pa rin ang magbabayad pagkatapos. Gusto ko ng kadate. Gusto ko ng ganyang laruan. Gusto ko ng aawayin kapag bagot, buraot at humihikab ako. Gusto ko ng shock absorber na hindi magdadamot ng kanyang mga tenga para saluhin ang lahat ng sigaw ko sa tuwing napu-frustrate ako sa mga bagay-bagay. Gusto kong humiga. Gusto ko ng mainit na laruan. Pampalipas-oras sa lamig ng gabi. Gusto ko ng gwapong mapaglaruan. Gusto ko ng matalinong mapaglaruan. Gusto ko ng laruang kaya akong patawanin. Gusto ko ng laruang hindi ako huhusgahan. Pakshet. Ansarap magkilling spree. Barilan mode. Parang school massacre. Vizconde Massacre, God Save Us ni Carlo J. Caparas. Kung gaano kagulo ang poster nila, ganun din kablanko ang utak ko ngayon. Gusto kong manampal. Siyet. Ansarap magkaroon ng lunatic tendencies. Gusto ko ng bagong raket na kakaiba. Wala akong inspirasyon sulatin ang "Bodega". Sira ang tv. Gusto kong pumunta sa Hongkong at Bangkok. Ayoko na sa Manila. Gusto kong mapag-isa. Gusto kong nakahain na ang pera paggising ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 shouts:
teka ha, hahanap tayo ng genie ha.
dyan ka lang, don't move.
- gibo
giboooooooooooo!
akina, akina, akina, asan na???
kawawa naman yung makakadate mo! haha! well, sa bagay laro naman ang habol mo..hehe!
the words will come soon, i hope :)
hehe ron.. spread the word!
Post a Comment