Navigation Menu

Featured Post

Gimik

Kung mayaman ka at pinuproblema mo kung paano gagamitin ang pera sa mga makabuluhang bagay, siguraduhin mong wag itong ipasok sa investment ng pagpapatayo ng gimik places sa Davao.

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga burgis dito pero ang mortality rate ng mga gimik places sa Davao ay mula 2 years hanggang 5 years. Iba kasi ang culture ng mga tao dito. Kapag bagong bukas ka, dadagsa ang mga gimikero, halos di mahulugang karayom kapag Biyernes at Sabado.

Nung nauso ang bidyokehan, nagbukas ang Zed’s Pizza. Ang mga videoke bars sa Torres at Ecoland dati, isang libong pisong consumable lang ang babayaran mo sa buong gabi. Kaya sobrang tipid kapag marami kayong pupunta dun. Kung bar naman na walang banda, pinupuntahan ang Pops Restobar at Bluepost. Kasabay nito, nauso ang pagkakaroon ng bars sa loob ng hotels kaya nagkaroon ng Spams sa Apo View Hotel, Eagles sa Marco Polo at The Peak (di ako sure sa pangalan) sa Mandaya Hotel. Natatandaan ko nun, lahat ng mga mas nakakataas na burgis at mga mayayamang adik, nasa Spams. Ang mga yuppie at matatanda ay nasa Eagles at ang mga middle class ay nasa The Peak.

Nilangaw na rin ang mga ito nang magbukas ang Victoria Circle sa likod ng kabubukas lang din na Victoria Plaza Mall. Lahat ng mga tao, nandun. Uso pa nun ang mga bandang ang repertoire ay 70s disco. Kinumpetensyahan ito ng Calzada na ang konsepto ay tulad ng Streetlife sa Makati. May iba-ibang stalls ng inuman at resto sa loob ng isang napakalaking espasyong parang sidewalk. Nagbukas rin ang Padi’s Point (sa ilalim ng floor ng Calzada). Pagkatapos ng dalawang taon, nagging abandoned building na ang Calzada, naging Victory Chapel na yata ang Padi’s (hindi ako sigurado) at malamang, naging warehouse na ang Victoria Circle.

Namatay ang mga gimikan na’to dahil pumasok naman ang The Venue. Ito ang pinakamalaking gimik place sa Davao dati dahil may isang building para sa performances. Halos kada linggo, iba-ibang malalaking performers at banda galing Manila pa ang tumutugtog dun. Katabi ng The Venue ang maraming mga bars at restos, mamili ka lang kung saan mo gusto. Natatandaan ko pa nga, yung Halo nun, pugad ng mga mayayamang adik at burgis na pokpok. Yun ang sabi-sabi. Pinaniwalaan ko naman.

Tapos biglang nagkaroon ng Matina Town Square (MTS), ang konsepto naman niya ay open air gimik place at one-stop shop area na may katabing park at playground. Halos gabi-gabi ri, andun ang mga tao nu’n.

Isang pikit-mata ko lang at pagbalik ko sa Davao galing Manila ngayong taong ‘to, nagulantang na lang ako nang mapadaan ako sa The Venue at nagmukha na itong ghost town. Mabuti na lang, may libreng wifi sa MTS kaya hindi siya nagmistulang war zone debris at pinupuntahan pa rin naman ito ng mga jologs na tulad ko.

Nasaan na nga ba ang mga sosyalera sa Davao?

Ayun. Nasa Rizal Promenade na, ang tinaguriang gay haven dito. Bigla, andami-dami nang pa-mhin na nagmodang kabute dito at ngayon, masasabing meron na ngang lesser version ng Malate ang Davao. Ang mga middle at upper classes naman ay nagtitipon-tipon sa Torres, isang area na katabi ng isang punerarya. Meron din daw sa Damosa sa Lanang pero hindi ko pa napupuntahan. Ang konsepto naman ng Torres ay ultimate inuman venues, marami ring mapupuntahan na pinagtatabi at karamihan sa kanila ay barbeque at inihaw resto.

Bigla rin ipinanganak ang mga barbeque restaurants na may offer na unlimited rice. Malamang, tinake-advantage nila ang pagkamatay ng pinakasikat na barbeque/kamayan resto dati, ang Colasa’s at Marilou’s. Napabalita raw kasi na marumi rito at may mga ipis at daga na tumatakbo-takbo sa paligid-ligid. Dati-rati pa, naaalala ko pa nga yung pagpatok ng mga restaurant sa gilid ng dagat. Hindi ko alam kung meron pang mga ganun ngayon o inanod na kasama ng mga daluyong.

Grabe ang mga taga-Davao. Mahirap mapapirmi sa isang lugar. Buti nga, may mga pumupunta pa rin sa SM dito simulang nang maitayo siya nung 2002. Dito kasi, kung saan may bago, andun sila. At madali itong pagsawaan.

Kung curiosity killed the cat, malamang, Davaeños’ curiosity killed the gimikan.

5 shouts:

lucas said...

ahh..ganun pala ang culure dyan..people like to party hehehe!

hindi ako party people...:)

Anonymous said...

di masyado. yung mga burgis-burgisan lang. mura kasi ang beer.

... said...

I don't go to places like that. My mom raised me well. Char!

Chinese restaurants na ang nasa likod ng victoria direk bebs. Re Torres, we often hangout sa K1 for coffee and kaplastikan. And because of wifi. Then at Jickongs dahil sa murang beer. We don't go to rizal promenade kasi bawal ang naka tsinelas doon. Lol

Anonymous said...

pagka-echosera oi!!!

hmm, haven't seen those chinese restos, yaya eh. kaw no, wala pa gyud ta nakagawas ba!! mubalik na lang kog manila, wala pa ko nimo nalibre!!! pweh.

Anonymous said...

itatayo na ang abreeza at ang robinsons. magkaka SM north narin ang Davao.

Per wala paring tatalo sa alaska! Condensada!

diba yaya? hehehe

Instagram

Follow @ bebsisms