Navigation Menu

Featured Post

Round round (baby, round round)

Loop lang ang lahat: kanta, pangyayari, alaala, ngiti.

Limang dekada na pala akong hindi nagsusulat, hindi nakapagkwento, hindi nakapag-emo. Nakatamaran lang ng mga daliri ko ang magtipa ng keyboard. Namatayan ng gana sa utak. Nawalan ng mga gustong sabihin. Narinig ko ang sarili ko at sinabing naging paulit-ulit na ako. Wala namang nagbabasa dito kaya walang mawawala.

Hindi ibig sabihin na walang nangyari. Katunayan, maraming nangyaring nakapagbigay ng halakhak, nakapangingilabot, nakakapanindig-balahibo, nakakatuwa, mga perstaym experience, mga karanasang tatatak, mga nagpaluha. Kahit sa mga pagkakataong pakiramdaman ko ay hindi naman talaga isang 'pangyayari' ay may nangyari pa rin.  [Inuulit-ulit ko ang aking sarili sa attempt na maging witty].

Kung titingnan mo ang laman ng aking iTunes, makikitang may mga kantang paulit-ulit kong pinapatugtog sa isang maikling panahon. Ebidensiya nito ang higit sa limandaang beses na 'plays' sa isang kantang pinapatugtog ko pagkatapos ng isang break-up. O ang kantang magpapaalala sa akin ng tamis ng unrequited love para sa isang kaibigan. O kantang nagpapaalala sa akin ng buhay nung high school. O ang 'evening song' loop kada hatinggabi.

Sa limang dekadang walang naganap sa buhay-blog ko, naranasan kong magkaroon at mabigong magkaroon ng tropeo, napagkatuwaan kong mag-alaga ng tuta, nagpalagay ng karayom sa kilay, nagpiga ng utak para makabuo ng mga kwentong gagawin ng iba, naranasan ang mapulitika sa trabaho, nagkaroon ng mga bagong kaibigan, nakasama ang mga dating kaibigan, naghintay ng pagkakataong magkapelikula uli, sumubok ng mga bagong larangan, iniwan at nang-iwan.

Nakapagtatakang hindi ako nagkaroon ng ganang isulat ang mga ito. At bakit nga ba? Gana-gana lang ang lahat: pagkain, pagba-blog. Isang taon ang nakaraan, ganito rin ang moda ko. Isang taon mula ngayon, ganito na naman siguro ako.

Predictable pala ako.

0 shouts:

Instagram

Follow @ bebsisms