Si Bernadette ang happy-go-lucky cellphone snatcher ng grupo. Originally written as a "fat, short, ugly, oily-faced with an obnoxious laugh" character. Pero nagbago yun lahat nung marinig ko ang tawa ni July when he auditioned sa Mintal (hindi mental). Biglang may tumunog na bulb sa ulo ko at naramdaman kong siya na nga ang hinahanap kong Bernadette.
Para kay Bernadette, masaya lang ang buhay, hindi dapat siniseryoso masyado. Alam naman niyang di siya kagandahan at wala siyang isyu sa kanyang self-esteem.
JULY JIMENEZ. Magaling ito baklang ito. Natural. Hindi halatang first-time actor, mabilis sa adlib at siya ang taga-translate ng script into gay lingo kay Gie pag kinakailangan. Feeling ko siya na ang perfect Bernadette so di naman ako nagsisi na kailangan kong baguhin yung peg para ifit sa personality niya. Isa lang daw ang pinagsisihan ni July, yung buhok niya. Pinagupitan ko kasi siya at originally, ang gusto ko, bobcut ala Catherine Zeta-Jones sa Chicago pero sabi ng stylist na si Santi, Rihanna na lang daw.
Kaya ayun, a day before the shoot, pinagupitan ko siya ke Pidot (Mommy Paola). Saya. Naimbibe ko na ang pagiging cellphone stealer niya na halos napagpapalit-palit ko na si Bernadette na character sa July na totoong buhay, haha. Tingnan niyo ang before and after photos niya.
FROM THIS
TO THIS
Oh. Taong-tao na di ba.
MUSIC:
"Kalibangon" Words and Music by Roman Regin Mata Performed by Reggztheory
Roman Regin Mata - Vocals/Rhythm Junyl Gemarino - Lead Guitar/Back-up Vocals Donald Jims Palms - Drums Rasheed Salipada - Bass Jhong Rubia - Sessionist for Rhythm Fritz Abapo - Sessionist for Drums
2 shouts:
uy, winner! na-intriga tuloy ako sa TYG na ito. looks like a really interesting film ;-)
hi caryn, salamat! punta ka sa premiere ha. =)
Post a Comment