Navigation Menu

Featured Post

Salpukan ng mga romantikong daluyong patungo sa gugmang urus-uros

Ipinahid mo ang namamasang muta mula sa iyong magaspang na daliri at inabot mo ito sa akin ng may ngiti. Ngiti na noon ko lang nakitang namutawi sa iyong mukha.

"Para sa isang pangako", sabi mo.

"Hindi ba't ang bula ng laway ang nagbubuklod sa dalawang kaluluwang gustong maging isa?" mapungay ang aking mga mata.

"Sa mata nakikita ang ating kaligayahan. Di ba't tayo'y rebelde ng nakasanayang tradisyon?"

Wala akong pagdududa. Wala akong alinlangan. Umuulan. Nakikiiyak ang ligaya ng langit sa ating nararamdaman. Itinaas ko ang aking daliri, sinungkit ang basang muta sa aking kanang mata, isinasawsaw sa aking laway at inabot sa naghihintay mong daliri.

"Sa atin".

Hinawakan ko ang iyong kamay at unti-unti kong isinilid sa loob ng likod ng aking pantalon. Nag-imbot ang iyong pawisang palad, naghihintay ng musika mula sa mga along sumasalpok sa mga mahiwagang batong kaharap natin. Kumidlat. Bumuka ang mga ulap. Isinabog ang mga bughaw na rosas. Dumampi ang kanilang mga pakpak sa itim na bahaghari. Nakakahalina ang musika. Lira. Biyolin. Gitara.

Nakasandal ang aking pagod na ulo sa iyong malawak na balikat habang tinatamaan at tinusta ng masalimuot na kidlat ang sirenang may hawak ng gintong gitara.

4 shouts:

The Dork One said...

shetness ang asttig nito

Anonymous said...

hehe..

alex.. ikaw ba ang sirena?

o ang gitara?

... said...

Giatay man nang gugmaha na oi. Nakakaingget! Amft! Hihi

Anonymous said...

pugngan pay baha, ayaw lang ang biga mam.

Instagram

Follow @ bebsisms