Navigation Menu

Featured Post

Not Mr. Brightside (Open up my eager eyes)

Ang paghihintay ang sukatan ng pagkatao.

Nakakabagot. Minsan, nakapanlilinlang ng sarili. Kaya nga matagal ako gumising sa umaga, ayokong hintayin kung luto na ang almusal. Naiinis ako sa mga moonwalkers. Sa magsyotang moonwalkers. Sila ang palantaan ng iyong miserableng buhay at sukatan ng iyong pasensiya. Mapapaisip ka kung tama ba na sayangin ang oras sa pagsunod sa kanilang kabagalan at maghintay na ika'y makaalpas sa kanilang likuran.

Hindi ko alam kung gaano kahaba ang pasensiya ko dahil ang maghintay sa taong kausap ay magkaiba sa paghihintay ng katapusan ng buwan para sumahod, ng alas singko ng hapon para sa isang bored na empleyado ng gobyerno, ng inutang na di pa nababayaran, ng pagsukob ng ulap sa buwan, ng pagbaba ng eroplano, ng pagdating ng pangyayari na magpapangiti sa'yo.

Walang kaibigang panahon ang paghihintay. Nangyayari ito sa madilim na sulok ng mumurahing motel, sa maingay na bahagi ng fastfood counter, sa maliit na aparador, sa makislap na ilaw mula sa tv, sa papel, sa tubig, sa puso. Laging may lumilipas. Dadaanan ka ng mga taong nagmamadali habang hawak nila ang iniinom na malamig na sago't gulaman, ng mga pabangong nilipad ng hangin, ng mga magagarbo at makukulay na kotse, mga taong magpapasaya at magpapaiyak, ng paglipas ng kabataan, mga oportunidad na hindi dumadating.

Sa bawat paghihintay, walang dumadating kundi ang mga pagbabalik lang, katulad ng mga elesi, gulong, bote sa truth o consequence at lalo na ng mga paang naghahanap ng mapapatungan at pagod na mga matang nakatingin sa relo. Nagbabalik ako. Pero hindi ko alam kung may naghihintay sa akin. Basta ako, naghihintay pa rin.

9 shouts:

[G] said...

...at ang ayaw kong panahon ay ang paghihintay :-)

lucas said...

magkaiba ang paghihintay sa pagaabang. nagaabang ka kapag sigurado kang may darating. naghihitay ka kahit hindi sigurado na may darating... pero wala ng sigurado sa mundo ngayon kaya wala ng pwedeng gawin kundi maghintay... palakasan na lang ng pananampalataya :)

---

off the record, the voting is now open for the e[kwento]mo: emo writing contest. i almost forgot that i passed an entry—lamentations of a withered tin can. if you liked it, don’t hesitate to drop by this site and vote. voting will proceed until october 17 (friday). there are 15 entries from 15 aspiring emo bloggers. so if you have time, it would be nice if you check us out :)

http://kundiman.net/ekwentomo-entries/

Anonymous said...

giboinks, lagi ngang may panahon para maghintay eh. kakalula. advance happy bday nga pala! =)

ron, di ko pa naramdaman ang mag-abang. baka mas orgasmic ang pakiramdam dun. =)

sige, iboboto kita.

enegue said...

naku, i missed the showing of this film kasi i went to japan last aug-sep. hopefully mapalabas na nga siya this october. inform me when please. i'll definitely show some love to your work :) ciao

Anonymous said...

hi eugene!

you didn't miss anything kasi di pa siya napapalabas sa manila.. kaya, you're in great luck! ayos. =)

[G] said...

thanks bebs...will you be coming? rsvp kay kiks/rey. sana makarating ka.

meanwhile, mapapanood ko ba ang film mo while im there? oct 23-nov 6 ako nasa manila.

Anonymous said...

gibs! gusto ko pumunta kaso baka nasa davao ako niyan huhu.

at di ko rin sure kung maabutan mo pa showing. badtrip no? sana nga.. sana.

Anonymous said...

Sa bawat paghihintay, walang dumadating kundi ang mga pagbabalik lang... Pero hindi ko alam kung may naghihintay sa akin. Basta ako, naghihintay pa rin.


naiyak ako.. ;(

Anonymous said...

aw.. salamat...

Instagram

Follow @ bebsisms