Habang nababangag sa kakaedit ng "Imoral" ni THE Adolf Alix starring Katherine Luna, Paolo Paraiso at Arnold Reyes (na matinding ehemplo ng kahagardang pagmamadali para maihabol sa Cinemalaya), sumasakit na ang katawan ko dahil nagkasunod-sunod na ang mga dapat gawin. Pakshet. Comatose na ang aking sekslayp.
- Masakit ang katawan ko dahil mainit, gusto kong bumagyo dahil sira ang electric fan.
- Masakit ang katawan ko dahil naubos na ang isang litrong pulang C2.
- Masakit ang katawan ko dahil may bago akong crush. Na nasa likod ko habang pumipila sa Davao International Airport pabalik ng Manila, siya'y nakaitim noon at hindi niya ramdam ang presensya ko habang nilalagay ko ang aking maruruming mga tsinelas sa tray papasok ng xray machine (oo, ako ang ipinasok).
- Masakit ang katawan ko dahil hindi ko alam kung bakit ko siya crush at bigla kong nadiskubre ang kanyang katauhan sa isang site habang sumusurf ako at nakita ko ang bidyong ito.
- Masakit ang katawan ko dahil napansin kong isa itong serendipitous event at nalaman kong siya pala si Andrew at isa pala siyang prominenteng bloggero sa siyudad ng mga duryan at dahil pokpok mode ako ngayon at walang pakialam sa aking pagkadalagang-pilipina, perstaym kong ipaglandakang crush kita Andrew at sa susunod nating pagkikita sa mga aspalto ng Davao, umismayl ka sa akin at yayakapin kita.
- Masakit ang katawan ko dahil Andrew, masyado kang camera shy at hindi ko pa rin alam kung bakit crush kita pero alam kong makapal ang mukha ko at iniimbitahan kitang maging date ko sa premiere night ng TYG sa Davao sa isang panahon at kaganapang hindi ko pa alam kung kailan. Kaya Andrew, wag kang matakot dahil ang infatuation na ito ay isang literal na promo runs until supply (aka bangag mode) lasts at hinding-hindi kita i-stalk. Pero Andrew, pwede mo akong i-stalk.
- Masakit ang katawan ko dahi hindi ko alam kung paano ko hahatiin ang masarap at katakam-takam kong katawan.
- Masakit ang katawan ko dahil nakakabuwisit ang mga taong hindi kayang manindigan sa responsibilidad kaya ikaw ay di na makakaulit sa akin. At ang aking katahimikan ay nangangahulugan ng pagsisisi at poot dahil sa tinuruan ako ng tadhana ng isang napakamahal na leksyon.
- Masakit ang katawan ko dahil hindi na ako nakakapanood ng tv at nagkakaroon ako ng withdrawal symptoms, natanggal si Robby sa Pinoy Idol, marami akong mga conspiracy theories sa network wars, malamang mananalo ang Philippines ng Best in National Costume sa Miss Universe 2008 dahil ito ay internet voting, namatay na ang chikatime.com at iniisip ko talaga noon pa kung ano ang amoy at lasa ng esctacy, shabu at marijuana dahil hinding-hindi ko sila titikman. Magpakailanman (now defunct).
- Masakit ang katawan ko dahil may lamig ako sa kasu-kasuhan at kailangan ko ng masahe! Potah.
14 shouts:
Kilala ko si Andrew at nandito siya sa manila ngayon (di ko alam till when) ;)
2 weeks ata eh. lazer tag daw tayo :)
you need a good rest :-)
aj, nakasabay ko siya sa plane papunta rito. dun ko siya nadiskubre.
jayvee, kakanta na ako ng "it's a smal world after all"...
dami pala kakilala yun dito haha.. bigla tuloy ako nahiya
gibo,
eto, medyo nakatulog na ako ng tatlong oras.. ayun, medyo nag-expire na ang kabaliwan ko hehe
wag ka mag-alala, masakit din ang katawan ko.
(labo ng koment. hahahaha)
bwaha.
me epidemic ba ng body pain, fiona?
overworked. klangan mo ng pahinga... pamasahe ka. nakakasakit pala ng katawan ang crush? hehe
kakaibang sakit ng katawan ito ely... hekhek
Thank you for dropping by at my site! Hahha! You should have asked my whey I love Davao City!
I always had a great time in Davao even during my Carlos J Valdez time travelling to Davao on business.
I was in Davao to visit lukaret.com last May 2008 and we had a blast! Going to Samal for scuba diving, pearl farm and wild water rafting in Davao River! Awesome!
I do have relatives in Davao City whom I don't know. I just know because my cousins in Zamboanga, Iloilo and Surigao kept telling me that they are here - but I don't know them.
Can't complain much of Davao! It's just one great place to visit and am sure it's a best place to live considering the so many happy faces we met ug daghan gyud gwapo! hahaha!
hi reynaelena.. salamat sa pagdaan..=)
opkors... the best ang davao sobra.. wala ka nang mahihiling pa.. sobrang pasalamat ko at dun ako pinanganak, lumaki at nagdalaga. char.
hello... :D remember me?
hehehehe..
ey yffar.. oo naman! i remember you vividly..
link! =)
Post a Comment