Salamat sa lahat ng nanood ng "Imoral" kagabi bilang closing film sa Cinemalaya 2008. Ininclude na rin dun ang teaser ng TYG bilang panimula. Hindi ako nakapunta kasi I had to meet Jim and Nelson para pagmiting-mitingan ang media-mediahan ng mga bagay-bagay para sa TYG premiere.
Nelson Canlas, maraming maraming salamat!
Nga pala, nakaplano na rin ang DAVAO PREMIERE ng TYG sa August 30. Ikonconfirm ko within this week ang lahat-lahat tungkol sa Davao event na yan.
Balita ko andami raw tao pumunta kagabi sa "Imoral" premiere. Shala. Aba, buti naman at nagpay-off ang kahagardang pag-edit ko sa pelikulang ito (haha, Adolf) bilang sumabay ito sa TYG. Naging imoral tuloy ang buhay ko dahil diyan. Aktwali, ganito ang premise ng pelikula: si Paolo Paraiso (Dante) at si Katherine Luna (Abi) ay mag-asawa. Tapos si Arnold Reyes (Jonathan) ay baklang jowa ni Dante. At ang drama nila sa buhay ay magsama-sama sa iisang bubong at alam naman nila ang relasyon nilang tatlo. Kakaloka. Ewan ko lang kung me ganitong set-up sa totoong buhay pero meron naman daw. Sabi.
Anyway, congratulations sa lahat ng mga nanalo sa Cinemalaya:
Jay - Best Picture, Actor (Baron Geisler), Editing
100 - Best Director (Chris Martinez), Actress (Mylene Dizon), Supporting Actress (Congrats, Miss Uge!), Screenplay, Audience Award
Brutus - Jury Prize, Supporting Actor (Yul Servo), Cinematography (tied with Huling Pasada), Music (Joey Ayala)
Huling Pasada - Cinematography (tied with Brutus)
Baby Angelo - Production Design
Ranchero - Best Sound
SHORTS
Andong - Best Short Film, Screenplay
Angan-Angan - Special Jury Citation
God Only Knows - Audience Choice
My Pet - Special Jury Award (what's the difference with the Special Jury Citation?)
Mark Reyes (hooooottt...) - Best Director
Naisip ko lang kung pumasok sa Top 10 ang TYG, ano kaya mangyayari? Hmmm... Wala lang. Thinking out loud. Tsweh.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 shouts:
shetness i missed cinemalaya
don't worry.. it's gonna be in up next week.. =)
ako din, effort kasi pumunta sa ccp. d ba ipapalabas un sa rob? :)
malamang ipapalabas... the question is when? depende na rin kasi sa filmmaker kung iscreen niya dyun.
tsaka maganda sana manood within the festival talaga kasi di mo pa alam sino nanalo.
inquirer online said ipapalabas lahat ng films sa UP film center.
yes, mas maganda nga kung sa festival mapanood, may element pa ng surprise.
gibo, korek. since cinemalaya 1, pinapalabas talaga siya sa up after the festival proper sa ccp. kasi co-sponsor ata ang up sa cinemalaya.
inggit mode ako sa inyo bebs :-( hindi ko talaga nasubaybayan ang cinemalaya na yan. i only get to see those films kapag available na sya sa DVD.
i miss UP days din, ang film centre, ang mga film showings.
haay.
wonga gibo e. kahit ako, miss ko na ang up.. hay nostalgic.
take note, isang pelikula lang ang napanood ko sa cinemalaya waah. ranchero lang.
balik ka na kasi sa manila. penang will just make you emo. go.
Post a Comment