Navigation Menu

Featured Post

Pinakamabilis na pelikulang inedit

Presenting, IMORAL.

Ang napaka-imoral na pelikulang tungkol sa menage-a-trois ng isang TOTOONG bisexual guy (hindi nagba-biseks-bisekswalan lang), ang kanyang asawa at ang kanyang kabit na baklang paminta (ang sabi ng bakla: una kang naging akin!).

Imoral, dahil hindi ko alam kung me ganitong set-up sa totoong buhay (pero sabi meron daw... hango daw ito sa buhay ng writer na si Frank).

Imoral dahil kung ako ang bakla, hindi ako papayag sa ganitong sitwasyon (sa ngayon, masasabi ko ito). Imoral dahil hindi ko naiimagine ang sarili kong may kahati sa puso at katawan ng aking minamahal at nakatira pa kami sa iisang bahay. Imoral isipin na nagsiseks sila at naririnig ko sila. Nakakaarouse kaya yun? Ewe.

Imoral dahil hindi natin dapat hinuhusgahan ang mga taong nasa ganitong sitwasyon (assuming meron). Por dat, tayo ang imoral, hindi sila.

Imoral dahil nadiscover kong si Arnold Reyes pala ang nagsulat ng "Kung Ako Ba Siya" na kinanta ni Piolo Pascual sa Himig Handog a few years back. Huwaw. Talented. Pero mas gusto ko ang version ni Arnold (nasa closing credits ng pelikula)

Imoral dahil, maraming maloloka dito sa isang scene ni Edgar Allan Guzman (siya yung winner ng Mister Pogi sa Eat Bulaga dati).

Imoral dahil magaling umakting si Katherine Luna.

Imoral dahil promising si Paolo Paraiso.

Imoral dahil tinapos ang pelikulang ito para maihabol para sa closing ng Cinemalaya 2008 noong July. In a span of tsaran... in less than two weeks.

Imoral dahil nahaggard ako sa pag-edit nito na sumuma-total ng tatlong araw. Tatlong araw lang. Pakshet. Tatlong araw. Kaya manood na para masaya. Ineportan ko 'to. Hmf.

August 6 na. Sa Robinsons Indiesine.


9 shouts:

Yffar (^^,) said...

wow imoral..

hehhehe

Anonymous said...

imoral kung hindi ko ito mapapanood.n

... said...

maghihintay pa ako sa dvd release nito kasi I doubt kung mapapalabas ito sa bukid. chap!

Anonymous said...

raffy, ikaw ba ay moral?

gibo, halika't magpakaimoral.

melay, tagabukid kaayo ka mam oi.

mrs.j said...

ill watch basta gumaling galing na akez.. :P

till wen ito?

Bebs Gohetia said...

go mam.

mga 1 week siguro siya sa indiesine.

grabe bebs, sobrang natawa ko dun sa pasok ng kung ako ba siya sa dulo. naging dramatik. haha.

Anonymous said...

buwahhahahha. alam ko.

wag mo na ihirit.

Anonymous said...

wow ikaw nag-edit.

wow. astig.

napanood ko to.

Instagram

Follow @ bebsisms