Halos isang linggo ako di makatulog. Iniisip ko kung mapupuno ko ba ang Adarna sa premiere night ng TYG o lalangawin ba siya at isang row lang ang mauupuan at ang row na yun ay bakante pa sa harap. Nag-aalala ako kung magugustuhan ba siya bilang ang premiere ay isang napaka-crucial na pangyayari sa isang pelikula at dahil hindi naman ito kalakihang pelikula, I have to rely sa word-of-mouth advertising.
Aligaga. Kailangan mag-color grading. Kailangan maglatag. Kailangan maghatak ng manonood. Kailangan magsubtitle. Maayos, walang typo at hindi text-language na subtitle. At dahil tradisyon ko na ang maghabol ng oras, kahapon lang nagkaroon ng master copy ang pelikula. Dalawang araw kong hindi tinulugan 'yun.
Balak ko pa naman sana bumongga ng todo dahil alam kong may mga camera na magmamatyag. Magpa-makeover, yung tipong di na ako makilala ng mga kakilala ko. Umeport sa damit, yung tipong nasa Video Music Awards ako. Di ko rin naman nagawa. Pweh.
Kahapon ng tanghali, pagkauwi ng bahay galing Ignite, natulog na lang muna ako para di tumuyo ang balat ko at ayokong malosyang-looking. Wa na sa eport ng makeover at fashown. I was just banking on internet advertising at konting print mileage at nang makita ko nung Wednesday na marami naman ang nagpupromote sa mga sites nila, kumampante na ang katauhan ko. (Salamat, guys!)
Nilipad namin lahat ng cast from Davao para ma-experience naman nila ang World Premiere at nang makita nila for the first time yung pelikula. Hindi ko sila nakausap until alas singko y media na ng hapon pagpunta ko sa Adarna para magtechnical test. Maayos naman altough may mga modang hindi lumabas ang tunay na kulay base sa na-grade nang material (feeling ko, maganda pa rin naman na lumabas) at aligaga ang audio (hindi masyado nabigyan ng hustisya ang audio mix ni Sir Ditoy) . Aktwali, hindi talaga ganun kaganda ang acoustics ng Adarna pero kebs na. Maayos akong nakapag-technical test.
Nagsidatingan na ang mga tao ng 6pm. Narealize ko, andami, dami, dami, dami ko palang friends, haha. At kahit hindi ito sex film, maraming pumunta. Sobrang ganda ng ginawa ng UP Cinema na exhibit sa labas. Thanks Jed. May mga expected akong mga tao at celebrities na di nakarating, sayang. At may mga taong matagal ko nang di nakikita na dumating at sumuporta. Grabe, kakatouch.
Mark dela Cruz, maraming salamat sa pagpayag na mag-emcee bilang kinaladkad lang kita 30 minutes bago ang screening, hekhek. Unang pinalabas ang short film ni Leo bilang front act at bilang experimental ang pelikula, nakatulala lang ang audience after the film, haha! Angganda kaya nung film niya. Very internet relationship.
For the first few minutes ng TYG, naging tin can-sounding ang audio. Ulk! Nyetah. Something always goes wrong, divine. E, maayos naman ang technical run so bakit nagkaganun. Si manong mixer talaga! So, kelangan ko siyang aligagain! Tumayo ako at dumikta sa tabi niya para iayos yung mix habang nagpapalabas. Kaya pasensiya kung nagkaganun ang audio sa ibang parts kasi nag-aayos si manong. PERO I ASSURE YOU, HINDI TALAGA PANGIT ANG AUDIO NG TYG, I SWEAR! I paid so much detail sa audio mixing kaya alam kong maayos ang technicals ng pelikula dahil alam ko kung gaano ka-crucial at kaimportante ang sound.
Anyway, habang nagpi-play ang pelikula, natuwa naman ako at tumatawa ang mga tao kahit sa mga parteng di ko inexpect na tatawa sila. Siyempre bentang-benta pa rin ang "define darkness" kahit nasa trailer na 'to. Sabi ni Andrew, dapat nagdala raw siya ng papel at bolpen para mailista ang mga quotable quotes sa MG (Miss Gay), hekhek.
Ayun. Nawala na ang mga masasamang kaluluwang bumabagabag sakin. Maganda ang reception ng mga tao after and tuwang-tuwa si Jim, yung producer, sa resulta. At siyempre, touched na touched ako ke Cranks at Karl sa flowers! Eeeeeh. Mu-miriam Quiambao moment ako, pagkatapos madulas ay tumayo at pumroclaim nang rumirepresent sa all women in the world who stumbled and got up. Ansaya. Tapos, binigyan pa ako ng UP CINEMAsters ng sign book kung saan umemo message ang mga tao.
Oh yeah, Dimen. I'm officially a god. Buwaha. What took you so long to even realize that? Char.
So, ayun. O-opportunitista nako to thank everyone who helped out (no tears).
- Jim for making this happen. You're the one who should be commended.
- Adolf for being unconditional (char).
- Noel dahil lagi kang handang sumuporta at tumulong.
- Staff and crew at actors na rin (isa-isahin ko pa ba kayong ilista?) dahil naging masokista kayo sa panghahaggard ko, haha. And for sticking out with me during our worst times sa shoot, di niyo ako iniwan (emo niyo, tsweh!). Buti na lang at friends tayo kaya kinaya natin ang worst conditions na naexperience natin.
- Nelson Canlas and Michael Cruz.
- Film friends. (wag na kayong magpabanggit ng isa-isa, baka me makalimutan pa'ko).
- UP CINEMA. Habac, masaya ako manghaggard diba?
- Chris Fabian dahil lagi mo akong binibigyan ng exposure, hehe.
- Sa mga artists at banda na nagtiwala at nagpahiram ng kanilang mga kanta. Roxys, Haphazard (great meeting you MM, churvaloo girl!), Kampai, Gasulina, Sidecrash, Reggztheory, Lizardchips, Chris Uy, atbp.
- Sa mga nag-extra sa pelikula.
- Yam, Yen, AVL, Kuya Roy ng Iwag, Mintal gays.
- Libay Cantor at Nonoy Lauzon.
- Sir Ditoy and Soundcrew Staff.
- Ignite staff. Tom, dubout uli, haha.
- UP CMC friends. Klaring, Dan, Emman, Kirkay, Sol, etc.
- Davao friends.
- Congress people.
- AJ, Miggs, Princhecha Fiona, Kuya , Geloy bloggers (kahit hindi nakapunta).
- Nestor de Guzman, salamat sa book.
- Ben, salamat sa magandang review! Friend talaga kita.
- Babaylans! Thanks Nicole.
- Coco Martin. Thanks, Co at pinakilig mo ang mga bakla dun haha.
- Jerome Romzey at Toni Ikwin.
- At sa mga tumulong na nakalimutan kong banggitin, salamat!
So.. on to the next destination. Baklain ang buong Davao! At buong mundo na rin. Eto ang mga schedule ng screenings:
Sept 8 - Premiere Night (Davao) at Gaisano Mall of Davao. Tickets at P100.
Sept 10-16 - Regular Showing (Davao) at Gaisano Mall of Davao
Sept 23 - Advance Screening 9:00pm Robinsons Indiesine
Sept 24-30 - Regular screening (Manila) Robinsons Indiesine
4 shouts:
My Congratulations BEBS!
Galing-galing.
Si Michael Cruz, wala sa list mo yata.
meron kaya. nelson and michael.
pero binago ko na rin at nlagyan na sila ng apelyido. hehe
congrats sa pagkapasa mo!
will be posting the pictures soon!
you must you must. excited!
Post a Comment