Navigation Menu

Featured Post

Kasal lang ba?



Gusto kong maniwala sa isang kwentong happy-ever-after. Katulad nga ng mga nangyayari sa mga fairy tales at soap operas, ang konsepto ng isang successful love story ay ang engrandeng kasalan sa ending, sa isang napakalaking simbahan at ang pagsabog ng mga pulang rosas.

Masayang malaman na umiebolb na ang mundo at mas malawak na ang pananaw at pagtanggap nito sa kaganapang pwede nang magpakasal ang dalawang taong pareho ang kasarian pero sa tingin ko, may mas malalim pang isyu kesa sa "fight for equality" sa gay marriage.

Mahaba, masalimuot, mapait at madugo ang pakikipaglaban ng LGBT para makamit ang karapatang ito at walang duda na ito nga ang gusto nating mangyari para sa ating mga sarili. Pero nasagi na ba minsan sa ating mga isip kung handa na nga ba tayo sa isang pagsasamang (ideally meant to be) permanent? Hindi ako eksperto sa samahan ng mga tomboy pero sa nakikita ko, ang mga relasyon nila ay mas matibay at mas nagtatagal kaya ang cynicism kong ito ay mas applicable sa mga bakla.

Hindi ko maideny na marami ring mga baklang relasyon ang nagtatagal (at may mga kilala akong couples bilang patunay, yung mga tipong umaabot ng mas higit pa sa limang taon ) pero sila ay mga rare breed sa mundo ng kabaklaan. Hindi sila ang representasyon ng kung ano ang dynamics ng gay relationships. Kumbaga pa sa ratings survey, mga 100 (or less) lang sila sa household samples na kinabitan ng metro.

Naniniwala ako na sagrado ang seremonya ng kasal at karapat-dapat lamang na maramdaman din ito ng mga bakla pero ang totoong struggle ng mga bakla ay hindi ang pakikipaglaban para sa karapatang makasal kundi ang mga pansariling laban natin sa pakikipagrelasyon at kung paano ito gawing pangmatagalan (o makabuluhan at the very least).

Ang bakla ay natural na makati at malibog, parang mga pusang umuungol sa gabing may full moon; adventurous at mahilig makipagsex sa iba't ibang tao, parang mga tipaklong sa talahiban at hindi nakukuntento sa isang katawan at putahe katulad ng isang glutton.

Karamihan ng mga baklang relasyong nakita ko ay sandali lang ang itinagal. Nagiging norm na ang pag-aaway dahil sa mga trivial at mabababaw na bagay. O hindi kaya naghihiwalay dahil biglang nafall out of love, nagkaroon ng one night stand na iba dahil hindi siya satisfied sa sexual life niya sa partner niya (or worse, trip lang talaga niya ang magpapalit-palit ng kasex). Napakasuperpisyal ng mga dahilang ito para matapos ang isang relasyon pero napakacommon niya.

Hindi pa nga umaabot ng seven-year itch, hiwalay na. Hindi pa tapos ang getting to know stage, nag-away na. Hindi pa nagkakaalaman ng apelyido, bye-bye na.

Oo, ang mga ganitong kaganapan ay nangyayari rin sa mga straight relationships pero ang bilang ng mga relasyon na nagtatagal ng isang araw hanggang isang linggo ay hindi ganun karami kumpara sa kung gaano kababaw at kabilis nagtatapos ang mga baklang relasyon.

Naniniwala ako na mas malalim pa sa gender issues at double standards ang gay marriages dahil kahit sabihin man nating makati, malibog, adventurous, mahilig makipagsex, mapusok ang mga straight, ang mga bakla ay dapat humarap sa isang napakalaking challenge na gawing mas pangmatagalan ang relasyon sa isang kapwa bakla na hindi lamang 3rd party at/o pananawa lang ang nagiging dahilan ng hiwalayan. Ang mga bakla ay hindi nabubuhay para ipattern ang ating mga life at relationship dynamics sa mga straight pero hindi ba't isang accomplishment para sa ating mga sarili at para na rin sa baklang lahi na kaya rin pala nating magdala ng matino at maayos na relasyon.

Pero paano pa masustain ang isang baklang kasal kung ang pakikipagrelasyon lang na hindi itinatali ng isang seremonya at mga piraso ng pinirmahang papel ay isa nang malaking failure? Sana huwag gawing laro ang gay marriage dahil ipinaglalaban ito ng mga taong mas naiintindihan ang importansya nito. Hindi ito pang-glamor lang. Hindi natatapos sa seremonyas o sa kilig phase lang. Hindi ito bahay-bahayan.

Ang gay marriage ay para sa dalawang taong willing na ibigay ng buo ang kanilang mga sarili para sa kanyang partner at sa pamilyang pinaplano nilang buuin dahil ang kasal ay hindi nilikha para mapanatili ang existence ng divorce. Ang kasal ay nalikha para sa isang kwentong happy ever after na pinag-eportan at pinagpagurang itayo ng dalawang taong pursigidong gawin ang mga ito.

Gusto kong maniwala na ang mga bakla ay marunong magpahalaga ng commitment at kasal para hindi naman masayang ang ganito ka-rare chance na mabigyan ng lipunan ng equal rights. Pero sa aspetong yan, mukhang malayo pa ang lalakbayin at gagawing eport ng mga bakla. Matuto muna tayong ikondisyon ang ating mga sarili sa pagpasok sa isang monogamous na relasyon bago tumalon sa isang mas mahirap na pakikipaglaban na tinatawag nating kasal.

12 shouts:

Amen.

Maglilimang taon na kami ni Jimboi. Sya ang una kong boyfriend at ang una at tanging lalaki na nakaniig ko.

Pinapangarap kong ikasal din sa hinaharap (at sana'y si Jimboi yun, ngunit alam ko naman na hindi pa ako ang pangforever nya.)

Hindi ako mapaglaro at alam ko (at sinusunod ko) ang konsepto ng commitment at ng monogamous relationship (khit alam kong si jimboi ay may mga pagkakataong nalihis ng landas).

Marahil ang sanhi ng hindi pagtagal ng mga gay ralationships ay dahil alam nila na wala din namang kasalang mangyayari in the end. So marahil ay nde nila magawang maginvest ng time at commitment sa isang relasyong alam nilang sa huli ay nde rin nmn sa simbahan ang tuloy.

Isa pa siguro ay dahil sakop pa din sila sa patriarchal thinking na walang masama sa lalaking nakikipagsex sa iba't ibang tao, bagkus nakakadagdag pa ito sa kanyang kakisigan.

Sana dumating ang panahon na kapag gusto ko na ikasal, hindi ko na kailangan pang dumayo sa ibang bansa upang kilalanin ang pagsasama ng aking magiging kabiyak.

Anonymous said...

por dat fiona, bibigyan kita ng tiara dahil sa isang matagal nang relasyon with jimboy. hindi ka lang princhecha, reyna ka pa!

bow ako sa'yo.

hindi ko alam kung yung mentality na "walang kasalang mangyayari sa sa isang gay relationship" ay malaking factor para di siya nagtatagal pero sana hindi. dahil hindi lang naman talaga ang thought of marriage ang dapat maging motivation para gawing lasting as much possible ang relasyon.

Salamat sa tiara! hihihihi feeling beauty queen tuloy ako.

Sa mga susunod na posts ko, malalaman nyo ang main na dahilan kung bakit siguro kami nagtagal.

Pag nalaman mo ang sikreto, nde ko alam kung magiging bow ka pa o sasabihan mo ko ng tanga. ahehehehe

Hay sana nga. Basta ako, di ko type ang mga isang linggong pag-ibig na kyeme, dapat pangforevermore.

Anonymous said...

fiona,

isa kang beauty queen at hindi thank you girl! haha

naku, sana lang marealize ni jimboy kung gaano ka nagtiis at nagpakamartir (umassume lang ako).

pakiramdam ko, lahat gusto ng forevermore. at ang isang lingguhang relasyon ay defense mechanism lang ng iba dahil sa takot na iwanan o maiwan.

hahahaha. salamat, salamat (sabay wave), pero papanoorin ko pa din ang thank you girls kahit hindi ako thank you girl! hahahaha

sana nga, sana. hehehe. pero i'm giving him din naman credits. 5 years is 5 years and it takes two to tango. haha basta igets mo n lng. haha.

sabagay... pero cguro meron din naman tlgang takot sa forevermore, i think.

Anonymous said...

buhwahhaha. 5 years is 5 years like anna dizon is anna dizon.

go lang ng go hanggang saan kayang abutin.

... said...

i think ang essence ng kasalang same sex ay para sa legalidad lamang ng partnership. emotionally unstable talaga ang gay relationship base na rin sa mga nakikita ko sa ibang friends ko. kung papasok ka man sa ganito ay dapat pag isipan talaga ng 48 thousand times at iconsider ang 48 hundred options. Hihi. Applicable kaya ang divorce sa same sex marriages?

Off topic: Sana tuloy ang premiere ng TYG sa DC.

Anonymous said...

mel,

at ang kasal ay para sa legalities and civil rights ng partners. hindi ko rin alam kung applicable ang divorce pero kung sakaling oo, sayang naman.

off topic: DC as in davao city? oo naman no.

[G] said...

"..bakla ay natural na makati at malibog, parang mga pusang umuungol sa gabing may full moon..."

this sounds like a description of the hetero friends that i know.

in the same way that marriage is for hetero, horny or not, i say yes to gay marriage.

makapag-patahi na nga ng wedding gown. chos!

Anonymous said...

hi gibo, oo, mukhang ang kalibugan ay tumatranscend ng gender...

san ka papatahi?

katulad ni fiona, matagal na rin kami ni jp. magpipitong taon sa mayo.

para sa akin, marriage (or any kind of union sanctifying love) is a choice that should be available to everybody.

on whether gays are fit to wed or not - i think we have to look a little bit on historical and societal context. for many years its taboo to engage in gay sex. even up to now homosexuality is frowned upon or ridiculed and gay sex is illegal in many countries. so feeling ko lang (and this i borrow from many queer thinking lit i've read before) promiscuity is an act of defiance to a society that wants to deny the validity of such sexual act.

plus the social support system of family, friends and society that helps maintain a marriage (or a relationship for that matter), is sorely lacking. i know for a fact that even in my case, my mom (who likes my partner jp just fine) is hoping i'd bring a girl, any girl - home one day and announce i will get married to her.

ang importante for me, is that we don't fashion our relationships to some model that works for heterosexuals. we can opt not to call it marriage, kasal, wedding and call it banana instead. just as long as there is a way for society, our families and friends to recognise our relationships.

of course it can also be a function of age. noong bata pa ako paramihan ng lalaking na-tikman ang paboritong laro namin ng mga barkadang bading. sa edad ko, i want to settle down. buti na lang may gay mariage sa south africa where my jowa is from. and when we are ready, we hope to do it someday.

i always liked bananas.

Anonymous said...

hi kiel,

salamat sa isang nakakainggit na relasyon with jp. ang kasal ay isang psychological na mahabang proseso. di basta-bastang pasukin, di basta-bastang isustain.

ang kasal ay androgynous. para sa lahat.

Instagram

Follow @ bebsisms