Nakatanggap uli ako ng bagong magandang balita. Mukhang TYG goes around the world na ito. Eeeeeh. Exciting.
In the meantime, gusto kong gumawa ng horror film. Ang title: THE ATTACK OF THE PHOTOSHOP BEAUTIES. Grabe. Naglipana! Pwedeng peg nito ang mga zombie films nung 80s tulad ng 'Night of the Evil Dead' or slasher films nung 90s tulad ng 'Scream' o 'Blair Witch Project'.
Nagkakaroon uli ako ng interest sa mga experimental films (minsan napagkakamalang avant garde) at gusto ko uli sila iexplore Nirediscover ko si Maya Deren kagabi, kung saan ang mga pelikula niya ay ipinanood ni Maam Anne sa Expe class namin dati. Gusto ko siyang ipagsanib sa nirediscover ko ring konsepto ng Dadaism, isang protesta laban sa mga burgis, kolonyalismo at mga pa-art. Exciting. Abangan uli ito.
Confirmed na nga palang pupunta si Gus Van Sant sa Pilipinas para sa Cinemanila International Film Festival sa October. Siyet. Siya lang naman ang director ng paborito kong 'Elephant', 'Paranoid Park' at 'My Own Private Idaho'. Siya rin ang director ng 'Under the Bridge' music video ng Red Hot Chili Peppers.
Hindi ko alam kung confirmed nang dadalhin nila si Martin Scorcese pero yun ang bali-balita.
Nga pala, sa mga nagtatanong, ang tickets ng TYG Premiere ay P100 lang at diretso nang makuha sa booth ng UP Cine Adarna sa August 28.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
16 shouts:
so pede nako magaudition? grrr!!!awuuuuuuuuu! haha
direk, kung ako naman ang kukunin mong talent ay hindi ka na masyadong gagastos sa make up at photoshop dahil almost pefect na ako as a canvas. lol
acting wise, idol ko si nora aunor kaya magaling ako hihi
mrs j, pag audition samin, hubad kung hubad. wala ka bang mag-all the way?
melay, ganun! so skin mo pa lang, ulam na? tsweh! ang nirerequire ko pa namang akting ay hysterical mala-maricel soriano at ang luha ay dapat tumulo sa isang mata lang at tumitigil dapat sa gitna ng pisngi. kareh?
ang taray... ako din pa audition hahah kay PA na nga lang!
Ma'am Anne... Annde de Guzman?
weekday ang showing ng tyg??? sana merong weekend
mikey, aba, buti pa kayo, alam niyong me audition haha. go audition for anything.
dale, yep. maam anne de guzman. my peyborit.
alex, yung premiere night, weekday. pero yung regular screening, am sure me weekend naman.
Haha. Film 110 ko ata sa kanya. Dropped nga lang tinamad ako pasukan lol.
aba, swerte mo sana kung tinuloy mo, tsk tsk. siya yung peyborit terror prof ko sa film.
at bilang forte niya ang experimental, nosebleed yun for me!
Yup magaling nga yun. Delinquent lang kasi ako nun :) Kay Lejano ako napunta.
Sikat na sikat na ang TYG mo ah. COngrats! Anu ung audition na yan? sali ako. LOL.
dale, magaling din naman si sir ed eh.
ely, sikat ba? di ko nararamdaman. haha. audition para sa isang bold film.
crap!!!!! hindi nga?!!!
gosh..gusto ko makausap si van sant..i just lovehis movies lalo na yung "elephant" the best!!! lupit! it's cool lalo kung kasama c martin--academy award winner lang naman xa eh..hehe! galing!
galingan mo sa experimental movies mo...astig!
roneiluke, kumusta naman ang first name basis mo ke martin. tatay? at last name basis ke van sant bilang si van sant ay may konseptong mababagal ang mga pelikula.
uhm, nasa proseso pa lang naman ako na mahalin uli yung mga expe films. ayun. medyo mahirap gumawa ng ganun e.
kelan ang regular showing?? hehehehe :)
aba aba aba aba aba aba! si AB nabuhay!
Post a Comment